Chapter Twenty Five Ailee’s “Buti naman at naisipan niyong mapasyal dito, Carlo at Ange. Tamang-tama at sinama niyo sila Luther at Diego. May kalaro na si Emman.” Sabi ni Mama. “’Ma, ewan ko ba rito kay Carlo. Nalaman lang na may bisitang dinala rito si Ailee, napa-praning na. Minsan, ang OA mo rin talaga, Carlo.” Sabi naman ni Ate Ange. Napailing naman si Kuya Carlo at inilapag ang baso niya. “Wala namang masama kung gusto ko makilala ang bisita ni Ailee, ‘di ba?” “Kilala ka namin, Kuya. Panigurado, gigisahin mo lang si Kuya Kris. Kami na nagsasabi sa inyo, okay na okay si Kuya Kris.” sabat naman ni PJ. “Hoy! Kayong mga ulupong kayo, ganyan na ganyan din ang sinabi niyo sa gagong Lester na ‘yon noon, pero ano’ng nangyari? Iniwan niya ang Ate Ailee niyo. Natural na magpapakita

