Ailee's Maaga kaming nagising nila Emman at Kris para makapaghanda ng mga dadalhin nami pauwi sa Batangas, sa kung saan nakatira ang pamilya ko. Seryoso pala talaga siya na ngayon kaagad ang punta namin. Naghalong kaba at excitement na ang nararamdaman ko. Excitement dahil matagal-tagal na rin ng huli akong bumisita sa mga magulang ko at kinakabahan rin ako at the same time dahil hindi lang kami basta bibisita sa kanila. Pupunta kami do'n para patunayan sa kanila na capable na kaming magpakasal at bumuo ng masayang pamilya, to prove to them that our love is worth fighting for. Alam kong hindi magiging madali ito, pero nagtitiwala ako, naniniwala akong malalagpasan namin ito. Hindi na namin ginising sila Alyssa at Benjie at nag-iwan nalang si Kris ng note sa mga kwarto niloa. Nag-iwan na

