Chapter Nine Move on. Life goes on, dude. Red’s "Para kanino ka bumabangon?" Pagbukas ko pa lang ng TV, ang mga katagang 'yan mula sa isang comercial ng kape ang una kong narinig. para kanino nga ba ako bumabangon? kagaya lang rin ng iba, pare-parehas lang kami ng dahilan kung bakit bumabangon. Bumabangon ako dahul buhay pa ako. Bumabangon ako dahil may mga taong umaasa sa 'kin. Bumabangon ako dahil kailangan ko pang mag-trabaho. Bumabangon ako dahil may mga tao akong gustong masilayan. Hindi ko naman lahat magagawa ang mga 'yon kung hindi ako babangon. Ang weird ko pala talaga. Matapos kong mag-almusal at mahugasan ang pinagkainan ko, ginawa ko na ang lahat ng paghahanda sa pagpasok ko at lumabas ng bahay at nagpaalam sa nanay ko na kasalukuyang nagsasampay. Sumakay na ako sa tric

