Enjoy reading! Sa mga sumunod na araw ay balik na ulit ako sa pagtatrabaho bilang secretary ni Harvey. Nagmamadali akong sumakay ng jeep dahil ilang minuto na lang ay late na ako. Mabuti na lang at hindi traffic ngayong araw kaya nang bumaba na ako sa jeep ay lakad-takbo ang ginawa ko hanggang sa makarating sa entrance ng company. "Good morning po, ma'am." Bati ng security guard sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at mabilis na naglakad patungo sa elevator. At pagdating ko sa floor kung saan ang office ni Harvey ay tinakbo ko na. Hindi na rin ako kumatok pa at agad kong binuksan ang pinto ng office niya. "Sorry si---" Naputol ang sasabihin ko nang makita ko ang isang lalaki na kausap ni Harvey. Si Kyle Tarcena. Ang tumulong sa akin noon nang malaman ko na buntis ako. Sinabi niya ka

