CHAPTER 2
“ Have some mercy naman.” He pleaded.
Eh pano ba naman kasi, while I was checking his pre-test papers in biology, it was a constant streak. Lose streak nga lang.
One thing is for sure, he sucks at this. I think the only things he is good at aside from being annoying is to eat candies. He's hugging a jar of sweets and candies, like a kid na takot maagawan.
Okay naman ang scores niya sa physics and chemistry, not that high but not that low either. For the first time in my very life, I was concerned about someone’s score in my favorite subject.
He atleast got one question right though. What is biology.
“Mendez! Meryenda muna!” Alok niya kahit kumakain na naman na siya.
Hindi ko siya kinibo, I was taken a aback nang bigla niyang ilapit ang chitchirya sa bibig ko. I glared at him.
Tumayo siya at pinagpagan ang sarili. I didn't mind him but he held both of my hands to make me stand.
Nanlaban ako but he's much stronger than me kaya ay wala din akong nagawa.
“Where are we going?” I asked habang hila-hila niya pa din ang kamay ko.
“Magluluto.”
No..way.
Napahinto ako at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak niya sakin. Luto is a nightmare! No way!
“Let me go! I won't cook! not now, and never will!”
“Takot sa kusina ampota” Bulong niya na dinig ko pa din.
“Pancit canton lang naman, sasamahan mo lang ako. Wala kang gagawin, promise!” He raised his hand.
Pinaupo niya ako at kumuha ng dalawang pancit canton at itlog sa ref. I watched him cooked it as if sanay na sanay siya. He's like the type to sneak out for food in the middle of the night.
Agad din naman siyang natapos kaya dinala namin ang niluto niya sa kwarto.
If this is a tutor day or a hang out? I don't even know anymore.
I confiscated his phone already pero iba na naman ang pinagkakaabalahan.
I looked at him with a blank expression, ramdam ko naman ang pag-iwas niya sa mga tingin ko dahil bigla siyang nagpunas ng mesa, wala namang alikabok.
Bumuntong hininga ako at binuksan ang libro, “ Claveria” I called him and tapped the space beside me.
Inangat niya ang tingin sa akin at ngumisi. Maya-maya naman ay bigla siyang sumimangot.
Sira ulo.
“Ayoko, suyuin mo ko” He sulked. A 16 year old man is sulking for godsake!
My brows furrowed in disgust as I look at him, ganito ba talaga ugali neto?
Hinayaan ko na lang siya sa pwesto niya kanina, ayaw ko ng makipag talo or even play with whatever he's playing. My life is too busy for his annoying presence.
I taught him the basics, kung saang parte siya mas nahirapan, I figured it out the moment I checked his pre-test.
“The system of organs and structures that enable s****l reproduction and the production of offspring.” I read the text written in the textbook.
“Meaning-” I was cut off when I saw him staring outside the mirror, not minding what I was saying.
Kinuha ko ang libro na nasa tabi. I made sure that it's as thick as his face, para balance.
I hit his head with the book, dahilan para mapahawak siya sa ulo niya at mapatingin sakin.
Kumunot ang noo niya at masama akong tiningnan. Kinuha niya ang notebook na nasa tabi niya at tinapon iyon sa akin.
Natamaan ako sa mukha kaya ay napapikit ako nang maramdaman iyon na tumama sa mukha ko. I felt a sting on my face, at nang hawakan iyon alam kong nagasgasan ang mukha ko. Kita ko ang gulat sa mukha ni Castiel na agad ding napalitan ng nakakairita niyang ngisi.
I glared at him.
He glared at me fiercely.
I glared at him with the same intensity.
Nagdilaab ang inis sa sistema ko lalo pa at mukha ko ang na agrabyado.
I stood up and slowly walked closer towards him, sa bawat paghakbang ko palapit sa kanya ay saka naman ang dahan-dahang pag atras niya. Pero hindi padin napawi ang ngisi niya sa kanyang labi.
When he can no longer ran away, I grabbed his hair with both of my hands. Tumayo siya at ganoon din ang ginawa sa buhok ko, It was a bit gentle that I couldn't even feel my scalp hurting but I am sure that he's feeling the opposite right now.
Napangiwi siya dahil higpit ng hawak ko sa mga buhok niya. “Let me go, Mendez” he ordered.
I didn't listen, instead, tinanggal ko ang pagkakahawak ng kaliwa kong kamay para makapa ang unan na nasa kama. I grabbed it and rubbed it on his face, natumba siya sa kama dahilan para matumba ako ng sabay sa gilid niya.
Napahiga ako at tinitigan ang kisame, I heard a laugh from the person who's laying down with me. Kaya ay napatingin ako sa kanya, he was still laughing as if nanood siya ng comedy.
“ Stop laughing, you're annoying” Naiinis kong saad.
He chuckled and met my gaze. His perfectly brushed brown hair is now in a state of chaos, ang iilang hibla ng buhok niya ay nakasagabal sa singkit niyang mata na ngayon ay halos mawala na dahil sa laki ng ngiti niya. His dimples under his eyes showed, para tuloy siyang pusa.
“If I'm annoying, then why are you staring at me?” He said in a soft voice.
I rolled my eyes at him at tumayo sa pagkakahiga sa kama tsaka siya nilingon. “Pangit mo eh.”
“ I didn't know that the calm and proper Mendez have a childish side”
Hindi ko siya pinansin at niligpit ang gamit ko, tapos nadin naman kami dito. AND I wouldn't want to stay in this place much longer, baka mapaaga ang meet up nila ni Satanas. Kawawa naman.
When I already fixed my things, agad akong tumalikod ng hindi nagpapaalam o tapunan man lang siya ng tingin. Busy siya sa cellphone and I know that he won't notice me leaving.
Pagkarating ko sa bahay ay sa kwarto ni Mamang padin ako dumiretso. I looked at the clock and it's already 12 pm, I spent almost half of my day at their house.
Puro lang naman away ang nagawa namin. That man is impossible! Kung hindi natutulog eh kumakain, kung hindi naman kumakain eh nag ce-cellphone. And if you confiscate anything related to those he'll get distracted by the people outside the window naman.
He is so hard to handle.
I closed my eyes tightly and heaved a sigh. I ended up staring at the ceiling with a blank mind and expression.
When I closed my eyes once again…I can't see anything but a dark street.
The only light that can be seen by me was the flickering street light. A woman's back is in front of me, a pale skinned woman with a straight brown hair that goes beyond her shoulders.
“I cannot… No.. I'm sorry” the woman sobbed without glancing at me.
“Yoy leyv Yivey?” That voice.. Came from me. A tiny voice that gathered the courage to speak. The voice wasn't clear enough, but one thing is for sure.
It was a child’s voice who's desperate to make someone stay.
“I'm sorry..”
Everything went black. The only street light that gave her a little hope..ran out. Making her life much darker than it already was.
I opened my eyes and felt a liquid that escaped from it. My heart felt heavy and my mind felt so messy..
Was that a dream? or.. Nevermind
Inis akong napakamot sa ulo ko nang marinig ang nakakairitang ringtone galing sa cellphone ko. Nadagdagan pa ng isang daan ang sama ng loob ko sa mundo nang makita kung sino ang tumatawag.
Castiel Jair is calling….
I declined it.
Castiel Jair is calling….
I declined it once again.
Castiel Jair is calling….
I declined it for the third time.
Castiel Jair is calling….
Curse him!
I had no choice but to answer or else we'll be in a loop of calling and declining.
“Ohh.” Panimula ko.
[Broooo! may pagkainh dala si mama, hatidan ba kita? wala daw tao diyan sa inyo ah? Lonely ka ba ssob?]
Sunod-sunod niyang tanong ng punong puno ang energy. Nakalaklak na naman ata ng tsokolate.
“No need, how did you know?” I answered
[Ah…. Sa kakilala ko?] Hindi sigurado niyang sagot. [Si J! Wala daw kotse sa garahe niyo eh…Tas Patay lahat ng ilaw maliban sa isa.]
I stayed silent and slowly walked through the window of mamang’s room. There I saw a man whose house is in front of ours. He's at the balcony of his room, with a phone on his hand, a smile is evident on his face because the moon became his light as I saw him stare at it.
J means Jair, ako pa talaga niloko.
[Sigurado ka bang ayaw mo? Blueberry cheesecake pa naman to. Paborito mo?]
Nalilito akong napatingin sa kanya, kahit hindi niya naman ako nakikita sa ngayon.
Paano niya nalamang paborito ko yun?
“How did you know?” I asked
[Lucky guess. I'm right? wow! pwede nakong maging si rudy baldwin. Castiel Baldwin!]
“Castiel Bald, pwede pa.” I teased him, kita ko naman ang pagsimangot niya.
[Ayaw mo?]
“A one slice will do. Sa..salamat”
[Yun ohh!]
He was immediately gone from my sight, minutes later, I heard the door bell ring.
I walked slowly towards the gate.
To take my time of course. And to also see a frowning face in front of our gate.
“Tagal mo, mamatay ako sa lamig dito oh” reklamo niya at inabot sa akin ang plato at drink na color blue. I think it's a blueberry drink.
I accepted it and smiled a little, “Don't worry, hindi madaling namamatay ang masasamang damo”
He nodded, as if he was agreeing to my statement.
“Sabagay, kaya matagal kang mabubuhay diba?” He smirked and ran away from me before I could even get him.
From Castiel
:Magsisimba ka bukas?
:Sabay tayo!
To Castiel
:Sigurado ka?
From Castiel
: Na ano? na magsimba? Oo naman! good boy ata to! #Churchboy
To Castiel
:Nag-aalala lang, baka masunog ka kasi.
Castiel Jair reacted a 😡 at your message
Pikon ah.