****ALVEA***** “Napaka rupok mo Alvea,” sambit ko sa aking sarili habang nakaharap ako sa salamin at tumutulo ang luha at hawak-hawak ko ang kumot na pinantakip ko sa aking hubad na katawan. Habang si Nero at mahimbing na natutulog sa kama. Gusto ko siyang iwan ngayon dahil ayokong dumating ang oras na siya na nman ang mangiiwan sa akin, napakasakit kasi sa pakiramdam. Lumabas ako ng banyo matapos akong maghilamos at isa-isa kong pinulot ang nagkalat kong saplot sa sahig saka ako bumalik sa banyo at duon nagbihis. Itinali ko lang ang aking mahabang buhok at nang matiyak kung maayos na ang aking sarili ay tiniyak ko naman kung tulog pa si Nero bago ako tuluyang lumabas ng banyo. Dahan-dahan ako na naglakad palabas ng kwarto habang kinakabahan at bitbit ko ang aking heels. “Oh iha, sa

