***NERO*** “I’m sorry.” Pakli niya. “For what?” “Nagsinungaling ako sayo, nagpanggap akong kalimutan kita. Gusto ko lang naman na patunayan mo na mahal mo pa rin ako, gusto kong kulitin mo ako, suyuin. Pero parang lumalayo ka naman,” aniya. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita siya. “Gusto kong mag umpisa tayo ulit Nero, yung dating tayo na walang ibang iniisip kundi ang maging masaya na magkasama habang tinutupad ang mga pangarap.” She continued. Hinawakan ko ang kanyang kamay at dinala ko ito sa aking labi at mariin ko itong hinalikan habang nakapikit ang aking mata, at may luhang pumapatak. Halo-halo ang aking nararamdaman; masaya, malungkot at awa. Masaya ako dahil naramdaman kong mahal na mahal niya ako, malungkot dahil wala akong magawa para ibalik ang dating masaya

