Chapter 35

1283 Words

***NERO*** Lumipas ang tatlong araw na hindi ako lumabas ng aking kwarto dito sa hospital, nanatili lang ako sa loob at kahit na pilitin akong yayain ni Renzo para bumisita sa kwarto ni Alvea ay hindi ko ito pinapansin. “Par, ngayong araw na ang uwi mo hindi mo ba muna bibisitahin si Alvea para naman makapag paalam ka?” Saad ni Renzo habang tinutulungan si Manang Fe na ligpitin ang mga gamit pauwi. “Hindi na, kailangan ko ng mag report sa office. Marami akong aasikasuhin,” sambit ko. “Ha? Wala naman sinabi si Lily sa akin, saka kaya mo na ba talaga?” Aniya. “Ah ..eh, sa akin siya nag sabi.” Pagsisinungaling ko. Ang totoo ay ayoko talaga magpakita kay Alvea, paano ako haharap ulit sa kanya. Eh hindi niya ako kilala, siguro saka na lang ako magpapakita sa kanya kapag handa na ako ulit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD