***NERO*** Nakangiti akong pinulot ang tinidor, “you’re welcome.” Saad ko sa kanya. “Ang saya ko ngayon, dahil yun sayo.” Aniya na tela naiiyak. “Lahat gagawin ko mapasaya lang kita,” tugon ko. “Pero mas masaya sana kung wala ng ganitong mesa, mas masaya kong din tayo kakain …habang nakatayo.” Nakangiti niyang sabi. Napapailing akong nakangiti. Oo nga naman, kasi narealize kong hindi pala tugma ang mesang naka set up sa paligid. At ang pagkain namin ay ihaw-ihaw at kikiam tapos ang plato sosyal. Napakamot ako sa batok, sabay ng aking pag hagikhik. Tumayo siya at pumunta sa aking likod at nag umpisa siyang itulak ang wheelchair. Lumapit kami sa may cart ng fishball. “Ipagtutusok kita“ saad niyang naka ngiti. “Ako na lang tutusok sayo,” tugon ko. Bigla siyang tumingin sa akin ng

