***NERO*** “Alvea?” Sambit ko ng pumasok na ako sa kwarto ni Alvea, dito sa hospital habang tulak ni Renzo ang aking inuupuan na wheelchair. Hindi ko maalala ang mga nangyari, sobra akong nasasaktan sa kalagayan ni Alvea. Parang nasisisi ko ang aking sarili sa kanyang kalagayan. Marami siyang sugat sa mukha, may benda sa ulo at naka oxygen. Agad akong lumapit sa kanya at kinulong ko ang kanyang isang kamay sa aking palad saka ko ito mariing hinalikan at tumulo ang aking luha. “I’m sorry Alvea, hindi kita nailigtas. Hindi ko alam kung ano ang nangyari, please gumising ka na.” Umiiyak kong sambit. Ang sabi ng doctor kanina ay tatlong araw daw ako natulog at ngayon lang ako nagising ngunit si Alvea ay hindi pa rin nagigising. Tumagal pa ako ng 30 minutes sa kwarto ni Alvea bago ako lu

