Clash of Royalties
Tumingin ako kay Farrah, nakangiti lang siya habang nakayakap pa rin sa braso ko.
"Sino?"
Sinulyapan ko naman si Eunice. Parang nga talagang may kakaiba sa pagkatao niya, nababalutan ng itim na aura, galit, poot at pagkamuhi. Dahil ba yun sa kaniya?
Tumigil sa paglalakad si Farrah kaya tumigil din ako. Inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko tsaka bumulong "Shawn.. Shawn Maniego-Imperial" Aniya.
Si Shawn? Panong—
"Nabigla? Haha.. halika na andoon na si Eunice." Hinila niya ulit ako mula sa pagkakatulala sa nalaman. Hindi ako makapaniwala. Si Shawn ba talaga? Shawn is a good man. He can't do that.
Teka nga! hindi ko naman alam ang buong kwento bakit nagco-conclude agad ako. Tama! Baka may malalim na dahilan kung bakit nagkaganyan. Eunice and Shawn, unknown situation.
Pero kung iisipin, mabait naman si Shawn at hindi niya magagawang saktan si Eunice. Pero ano nga ba ang dahilan? Hindi nag-work? baka hindi naman talaga sila para sa isa't isa kaya ganun. Kung sina Kuya Tyler at Tyrone hindi na ako magtataka, bakit si Shawn? Hay ewan. Soon malalaman ko rin 'yan.
"Anong sa'yo, Tanya?" Andito kami ngayon sa Cafeteria sa dati naming inuupuan.
"Green Bean Chicken, Fruit Creamy Cake... Choco Marble Shake, Ate Ria." Nakangiti kong order.
Umorder na rin silang dalawa. Nakakagutom ang mga Dish nila. Asian Cuisine.
"They're here!"
"Ahhh! Ang gwapooo!"
"Tyrone Hottie!"
"So hot!"
Napakunot ang noo ko sa biglang sigawan dito sa loob ng Cafeteria. Napanguso ako sa ingay.
"The hell is here. Tss." Umiiling na bulong ni Eunice.
"Oh come on.. Hindi pa ba sila sanay? Ingay. Tss." Naiinis naman itong kaharap ko na si Farrah.
Nagtayuan at nagtitili na ang mga babaeng nandito sa loob ng Cafeteria. Parang nakakita ng artista sa sobrang saya.
Tumingin sa'kin si Farrah at Eunice.
"Meet the Playboys in Town."
Sabay nguso nila sa likuran ko. Naka talikod nga pala ako sa pinto.
Fine. I want to meet them, then.
Nilingon ko ang nginuso nila sa'kin. What the!? 0.0
"Yang maangas na 'yan?" bulong ko habang tuliro na inaayos ang salamin ko. Ayoko na. Ayoko na talaga.
Humarap ako sa dalawa. I'm dead.
"Oh? Anong problema?" Nagtataka na tanong ni Farrah.
"Wala. A—Ano k—kasi..." Holy Moly! Shocks!
"Tanya.." Pati sila naaapektuhan na dahil sa akin.
Lalong umingay sa paligid. OMG! Baka makita niya 'ko.
Nakikita ko sa peripheral vision ko na papunta na sila sa kanilang mauupuan.
"The Playboys are arriving here in the Cafeteria.. Blah.. Blah.. blah.." malaking boses na pagkakasabi ni Farrah habang iwinawagayway ang kanyang kamay na nakatukod sa mesa.
Lahat sila naka-abang na sa pagdating nila na para bang araw-araw na lang itong nangyayari sa paligid.
Humarap ako kay Euince, nakatitig lang siya sa mga taong 'yon. Bakit parang gusto na niyang sunugin ang mga 'yon sa titig niya? Is there anything wrong with it?
"Oh andiyan na ang food. Let's eat. Nakakasira lang ng tiyan ang mga 'yan," iritadong tono ni Farrah.
Nilingon ko ang nagdadala ng order namin, si Ate Ria. Paparating na nga. Yes. Makakaalis na 'ko dito.
Haharap na sana ako sa dalawa ng biglang natalisod si Ate Ria.
"ATE.." sigaw ni Farrah.
"OMG!"
"Anong nangyari?"
"Lampa kasi."
"She wastes our food."
Napatayo ako sa pagkaka-upo. I need to help her with that. Tumayo kaming tatlo para tulungan si Ate Ria. Paano nangyaring natalisod siya ng wala namang kahit anong bagay na pwedeng maapakan niya.
"Ate, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Farrah. Inayos ko muna ang mga platong nabasag. Nasayang ang mg pagkain.
"Ayos lang.." Tumayo siya at lumapit sa'kin. "Ako na. Baka masugatan ka pa." Kinuha niya sa kamay ko ang pira-pirasong plato na nabasag tsaka niya nilagay sa tray.
"Anon na naman ba ang problema niyo?!" Umalingawngaw sa loob ng Cafeteria ang sigaw ni Farrah. "Hindi na ba talaga kayo titigil sa pag-abuso ng mga taong nasa paligid niyo?! Napaka-childish niyo!"
Tumayo ako tsaka hinarap sila. S—si Xandra? Si Xandra ang may kasalanan?
"Oh come on, Farrah. Everyone knows me so well. Back off and give way. It's not my fault though, she's the one who blocked in my way." Tinaasan niya pa ito ng kilay.
Wala siyang paki alam kung sino ang kinaka-usap niya, kahit anak pa ng may-ari ng eskwelahan.
Bigla naman siyang tumingin sa akin. Umiwas ako ng tingin at muling tumulong kay Ate Ria. Ayoko nang madamay.
"Ate, tulunga—"
"So.. kasama niyo pala ang fake na 'yan." Napatulala lang ako. Maging ang fake ay mariin niyang sinabi.
Kilala niya pa rin ako?
"Who?"
"Yeah! The girl on the first day."
"The Freaking Fake!"
"B*tch"
Tuliro akong tumulong kay Ate Ria. Wag ako.
"Let me see your face! I know exactly who you are." Nakatayo na siya sa harapan ko.
Oh God please help me with this. Mariin akong pumikit bago unti-unting itinaas ang tingin.
"I knew it! It’s you!" Pinandilatan niya ako. "Except her," she sputtered.
Hinawakan niya ang manggas ng damit ko at pilit na itinayo. Oh come on. Wala akong ginagawa.
"Xa—"
"Shut up. Unfortunately, we're not even close." Pagtataray niya.
Hinawak niya pa ang isang manggas ng damit ko. "Baka nakakalimutan mo. Ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo." Iritado niyang tono. "At dahil sinuway mo 'ko.." Hinarap niya ako sa lahat ng estudyanteng nasa loob ng Cafeteria. I saw them.. My brother.. My cousins.. Don't. Nakikita ko sa mga mata nila ang galit at inis, umiigting na rin ang panga ng kapatid ko sa galit. Umiling lang ako. Wag kayong lalapit. Please.
"Attention! Montgomerians!" sigaw niya.
Napapikit na lang ako.
"Listen to me, all of you... I’d like to introduce you to the girl who's wearing a fake.." Tumingin siya sa'kin na parang sinusuri ang buong pagkatao ko. "Ou—"
"Don’t touch her!" mariin at ma-awtoridad na sigaw ng nasa harap ko.
Unti-unti ko iyong nilingon. They're here. Bumagsak ang balikat ko sa nakita.
Tumingin ako sa dalawang kasama ko. Galit rin ang mga mata nila pero may pagkabigla sa nangyayari. Wag naman oh. Masyado pang maaga. Hinawakan ng mariin ni Xandra ang braso ko. She's really mad. Really, really mad.
"We don’t know what she’s capable of, Tyr—"
"I know. So don’t ever touch her again, b*tch!” Hinila niya ang braso ko mula sa kay Xandra na mas kinagulat ko.
Mariin siyang pumikit saka tumingin sa mga pinsan ko. Tumango lang sila pagkatapos tumalikod para bumalik sa kaninang ginagawa. Ano yun? A Soldier? Lalapit kapag may gulong nangyayari. Tss.
"Tyrone!" Iritadong sigaw ni Xandra. Hindi niya man lang ito nilingon. Hila-hila niya pa rin ang braso ko palabas ng Cafeteria. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin kaya agad ko itong kinuha bago pa kami makalabas.
"Wag.." bulong ko.
Tumingin siya sa'kin. Galit.
Bumalik ako sa kaninang upuan namin. Nagsibalik na rin naman sa kaninang ginagawa ang estudyante, si Tyrone ayon lumabas na kasama ang mga kaibigan niya at ang ibang pinsan ko. Wala na rin si Xandra, nainis ata.
Sumunod na rin sa akin yung dalawa. Naupo ako habang nakatitig sa labas ng Cafeteria. Ang gulo.
"Tanya, ayos ka lang?" Nag-aalalang tono ni Farrah.
Tumango lang ako bilang sagot.
"Who are you?" May bigla na namang sumulpot sa gilid ko na mabilis kong nilingon.
I'm pretty sure she's not Xandra.
"Don't talk to her. You son of a b*tch!" sigaw ni Farrah sa babae. I don't really know her and I don't even care.
"Gusto ko lang malaman kung bakit siya pinagtanggol ni Tyrone? Sila ba? Baka naman isa siya sa mga babae ni Tyrone? Babae ka ba niya? Huh? Answer me!" Hinila niya ang braso ko kaya wala sa sariling napaharap ako sa kanya.
Tiningnan niya ako ng matalim.
Sino ba siya? Galit na galit kasi ang itsura niya.
Do I know her?
"Who are you?" Walang gana kong sagot.
Mas lalo pa yata siyang nainis sa tanong ko kaya idiniin niya ang mga kuko niya sa braso ko. Napa-igtad ako sa sakit. Ang talas ng kuko niyo, she's a Monster.
Binitawan niya bigla ang braso ko, ang sakit huh. "Me? You don't know me, huh." She crossed her arms and raised her eyebrow. "I'm—"
"Ally! What the hell are you doing?!" Dumating ang isa sa mga pinsan ko. Another Monster. Shocks.
May kasama pa siyang dalawang babae, a mean one.
"Let the war begin." Bulong ng katabi ko. Tumingin ako sa kanya. Nakatitig lang siya sa mga babaeng ito.
"Another warfreaking Girls." Umiiling na bulong din ni Farrah. They're just watching. Maganda ba ang palabas na 'to?
Muli akong tumingin sa pinsan ko tsaka dun sa babaeng humawak sa braso ko. Ang sakit kaya. Napahawak na lang ako sa braso ko. Ouch.
"I'm just making a scene here. You jealous?" Ang sama pala talaga ng ugali ng babaeng yun eh. Kainis.
"No, I'm not. Just back off b*tch or else..." mariin niyang pagbabanta tsaka tumaas ang kilay.
"Or else what, Shayne?" Pagtataray pa nito.
Stop pushing her to her limit, Girl.
"Okay. Madali naman akong kausap." Ngumiti lang siya na parang hindi naapektuhan tsaka humarap sa mga kasama niya. "Call Tyrone. Tell him, Ally the b*tch making a scene here. Oh, he's getting mad at you again. Kawawa." Panunuya ni Shayne. B*tch talaga 'to e.
"Ugh. You freaking b*tch. Screw you in hell!" Padabog siyang umalis sa harap namin. Tumawa lang si Shayne pati ang mga kasama niya. Napailing na lang ako.
Screw in hell? What an odd thing for her to say.
Umalis na rin sila sa harap namin. Napangiti na lang ako. Ayos din pala ang paggala nila dito.
Napatalon ako sa pagkaka-upo ng humarap ako sa dalawa, nakatutok pala sa'kin ang mga mata nila. Oh crap! Have they noticed it? Oh! it’s so obvious, Piarra.
"What?" lulubog na ako dito.
"Who are you?" Sabay nilang tanong habang tutok pa rin ang tingin sa akin.
"Tanya? Tanya Medina. Ano ba kayo." Palusot ko. Tumayo ako. Ayoko na talaga. Nakakalubog sa lupa ang mga nangyayari. B*tch everywhere.
Nakasalubong ko naman si Ate Isha, papunta pa lang siya sa Cafeteria. Dapat nandito siya kanina para alam nila ang gagawin. Nginitian niya lang ako tsaka ako nilagpasan. She knows how to handle everything, like Kuya Claude.
Sana ako rin kagaya nila. Nahihirapan na talaga ako.
"Oh! My lovely b*tch is here." Unti-unti kong inangat ang tingin sa kanya. Ako ba talaga ang tinutukoy niyang Bakulaw na 'yan?
"I'm not a B*tch." Kunot noo kong sagot sa kanya. Bakiy ba siya nandito sa harap ko.
"Eh ano ka? Anghel na nanggaling lupa?" Pang-iinis niya pa.
"NO! Wag ka nga humarang sa daanan ko. Tss."
"Ah! Ang laki ko pala dito kaya nahaharangan ko ang DAANAN MO!" He answered in a sarcastic way. Dinipa-dipa pa niya ang kamay niya na kunwaring nahaharangan nga ang daanan. Okay. Ang b*b* ko na.
Tss. Lumiko ako tsaka nilagpasan siya. Bakulaw talaga. Akala mo kung sinong gwapo. Gwapo naman talaga.. kaya lang walang modo.
"See you in hell. B*tch." Sigaw niya.
Ano ba! Hindi nga ako B*tch. Kainis.
Dumiretso na lang ako sa locker room. I need to focus on my other stuffs. Calculus pa naman ang next class ko.
(A.12) Number ng locker ko. Pagpasok ko bumungad sa'kin ang tingin ng iilang mga babae sa loob. Galit rin ba sila? Sa'kin?
Dumiretso na lang ako tsaka agad na iniwan ang ibang gamit ko. Don't mind them, Piarra. They're just a bunch of confused individuals. They're just jealous.
"Di ba siya yun?"
"Yah. Why is she even here?"
"Don't know."
"Nasigawan ni Tyrone si Xandra dahil sa kanya."
"One of the girly b*tch."
"Siguro."
Pagsara ko ng pinto ng locker, tiningnan ko ang mga babaeng nag-uusap sa likod ko. Pinag-chichismisan nila 'ko.
"Are yo—" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko dali-dali silang nagsara ng pinto ng locker nila tsaka tumakbo palabas ng locker room. Napatulala ako. Magtatanong lang eh. Are they that scared?
Anong hangin ba ang bumabalot sa University na 'to? Minsan, magtataka ka na lang kasi biglang may mang-aaway tapos maya-maya tatakbo naman sa takot. Unbelievable.