Kabanata 1.1

3032 Words
Kabanata 1.1   Yaman               Ilang minuto akong naupo sa harap ng salamin bago nag-ayos ng gamit. Wala naman na kahit anong anggulo ang maaari nilang sambahin sa'kin. Tama lang, katamtaman at simple. It’s only me. Always remember that simplicity is best.               Nagkibit balikat ako tsaka nagtungo sa walk in closet ko. Maliwanag dito, bawat ikalawang pares ng sapatos o ikalawang bag may naka pirming ilaw. Sabi kasi ni Mama dapat daw alagaan ang mga iyan dahil Mahal at hindi madaling mahanap, limited edition kung baga. Kaya pagpasok mo pa lang tatambad na sayo ang isang damak-mak na bag at sapatos, naka-hilera ito ng maayos base sa kulay 'light to dark color'. Nasa kaliwang bahagi ko ang mga sapatos, isang damak-mak na sapatos na laging inuuwi ni Mama tuwing umaalis siya kung saan. Sa kanang bahagi ko naman ang iba't ibang klase ng bag na gano'n rin, inuuwi ni Mama o kaya ni Daddy para sa'kin. At sa tapat ko naman doon matatagpuan ang isa pang pinto papunta sa mga damit ko. They're all expensive, na isa sa pinaka-ayaw ko.               Hindi ko na naman alam kung anong isusuot ko. Kung pwede lang sana isang pares lang ng sapatos at isang bag ang meron ako nang hindi na ako nahihirapan araw-araw sa pagpili ng gagamitin ko.               Pagdating naman sa damit na susuotin ko pag pumapasok hindi na ako nahihirapan pa dahil may     uniporme kami. Long sleeves na White, na pinapatungan pa ng coat na blue na may maliit na logo ng Piarra Academy sa kaliwang bahagi ng dibdib, Blue tie ribbon at blue skirt na may touch na silver. The Heirs lang ang peg. Sinuggest ko kasi 'yan, I love the Heirs so much. Gusto kong maging si Julia, simpleng tao na may matatayog na pangarap. Kaya lang naging kabaliktaran, Ryan ang role ko dito. MAYAMAN. Tss.               Hinahanap na ako sa baba pero heto pa rin ako naghahanap ng magagamit ko. Mabuti na lang at naka ligo na ako at nakapag-bihis.               Hinablot ko na lang ang isang pares ng flat shoes na binili ni Mama sa Paris noong isang linggo nang ilang katok na sa labas ang naririnig ko. Wala na akong choice dahil nagmamadali na sila. Agad ko itong isinuot at nagtungo sa may tudy table para kunin ang bag. Saka na ako magpapalit ng bag.               Dali dali na akong nagtungo sa dining room, oras na para kumain. Naabutan ko doon ang nag-uumagahan ng mga kapatid ko. Wala na doon si Kuya Apollo, maaga siyang umaalis para sa trabaho. Lagi na lang ako nahuhuli. Tss.               "Good Morning." Pinilit kong maging masaya, kulang na naman kami. Wala na nga ang mga magulang namin, kulang pa rin kaming magkakapatid.               "Good Morning, Ate." Nakangising bati ni Frollo habang kumakain. Ginulo ko ang buhok niya habang patungo ako sa upuan ko. Umikot pa ako papunta sa upuan ko para lang magulo 'yon. "Ate naman, e." Inis niyang sabi habang kumakamot sa batok. Protective sa buhok.               Nadaanan ko si Kuya Claude na busy sa pagkain habang nagbabasa ng dyaryo. Hayst! Hindi man lang ako binati.                Nagtungo na ako sa upuan ko, inilapag ko ang bag ko sa gilid ng upuan tsaka naupo at kumuha ng pagkain. Isang Pancake with chocolate syrup, bacon and my favorite tinapa. Pinatikim kasi ito sa'kin ni Yaya, ito daw ang madalas nilang kainin sa bahay nila. Hindi naman masama kasi masarap ito at masustansya. Medyo maitim nga lang at naninilaw.               "Good Morning, Tanya." Bati naman ni Tyrone sa'kin. Tumingin ako sakanya na may mapanuring mga mata. Medyo masaya siya. Anong meron? "Oh? Bakit ganyan ka makatingin?" Itinaas niya ang dalawa niyang mga kamay na parang sumusuko.               "Wala lang....." Muli akong humarap sa pagkain ko. Sumubo ako ng konting pancake. "You look so Happy kasi." Nagkibit balikat ako habang kumakain. Patuloy ako sa pagkain. Hindi naman siya nagsasalita e. Kahit konti. Ang tahimik naman.               Tumingin ako sa dalawa kong kapatid na nasa harap ko, gano'n pa rin sila. Kumakain si Frollo, kumakain rin si Kuya Claude habang nagbabasa. Lumipat naman ang atensyon ko sa katabi ko na busy na rin sa pagkain.               Okay fine. Kakain na rin lang ako. Nagsimula sa boring, matatapos na boring.                           After so many years na katahimikan sa pagkain, natapos din. Naunang tumayo si Frollo at dali-daling pumunta sa sala. Sumunod si Kuya Claude, itinupi muna niya ng maayos ang dyaryo bago lumabas ng dining room. Kaming dalawa ang sumunod ni Tyrone. Uminom muna ng gatas at tubig, kinuha ang bag tsaka lumabas din ng kwartong 'yon.               Naabutan naming naka-upo pa si Frollo sa sofa habang naglalaro na naman sa phone niya. Samantalang si Kuya Claude naman ay nakatayo sa tabi ng double door habang nakatingin sa wrist watch niya. Nagbibilang ng oras, late na naman kami.               "Ako ng magsasabay kay Frollo, yung Veneno na lang ang gagamitin namin. Ikaw na ang maghatid kay Pia sa Academy, yung....." Tsk. Pati ba naman kotse pinag-iisipan pa. "Panamera na lang ang gamitin niyo." Utos niya kay Tyrone. Nasa legal age na naman sila para magmaneho. I think between 13 or 15 marunong na silang humawak ng manibela, kumukuha pa kasi si Daddy noon ng magtuturo sa kanila para pagdating nang legal age bihasa na sila sa pagmamaneho.               Tumayo si Frollo tsaka itinago ang phone niya sa bulsa. Lumapit siya kay Tyrone."Astig Kuya Ty, Veneno ang gagamitin namin." Pagyayabang niya.               Siguro pagdating ni Daddy si Frollo naman ang kukuhaan niya ng Driving Lesson. Fifthteen na kasi itong bunso namin.               "Kuya Claude, pwede bang yung Mayback na lang ang gamitin namin? Para ma-tingnan ko na rin kung maganda ba yu...." Hindi siya pinatapos ni Kuya.               Umiling-iling ito tsaka kumunot ang noo. "Daddy texted me last night. Siya daw ang unang gagamit ng Mayback. Bago 'yan at hindi pwedeng magasgasan."               Mas lalo lang matatagalan kung mag-aaway pa sila. Kainis naman oh. "Let's go Frollo. Tyrone, ihatid mo na si Pia baka ma-late na naman 'yan." Nauna nang lumabas ng bahay si Kuya Claude. Sumunod na rin kami. Tulad ng sabi ni Kuya Claude, Panamera daw. Edi 'yon ang gagamitin namin.               "Bye, Ate. Bye, Kuya." Niyakap ko muna si Frollo bago siya umalis. Nakipag fist bomb naman si Tyrone. Mga lalaki nga naman hindi na lang maging sweet sa isa't isa. Sumakay na siya sa sasakyan na gagamitin nila, naghihintay na rin kasi doon si Kuya Claude.                 Pagka-alis nila nagtungo na kami ni Tyrone sa kabilang gate para kumuha ng kotse. Kung hindi niyo itatanong, nagmukhang tindahan ng mga kotse ang parking lot namin. Mahigit thirty? Basta ang daming kotse at hindi na magkanda-ugaga sa paggamit nito.               Lumapit si Tyrone kay Manong Hector na nangangalaga sa mga susi ng mga kotse. Iba pa ang mga taong nagme-maintain ng kalinisan at kaayusan ng mga kotse. Siguro mga sampu ang mga taong yun. At iba pa rin ang mga driver ng pamilya namin. Sa pagkaka-alam ko pito sila, apat ang kasama ni Mama at Daddy sa pag-alis. So yung tatlo, ewan ko. Hindi naman kasi namin nakakasama kasi marurunong mag drive ang mga kapatid ko. Maliban na lang kung may sarili silang lakad at may sarili ring kaming lakad ni Frollo.               Lumapit na rin ako sa kanila para maki-usisa. Gusto ko ring mag drive, kaya lang hindi daw pwede.               "Manong Hector, susi po ng...." Teka. Bakit nag-iisip pa ang lokong 'to. Makulit talaga siya kahit kelan. "Yung Trevita po." Nakangisi niyang utas. Mabuti na lang nakalapit ako sa kanila. Agad ko siyang binatukan, pasaway talaga.               "Manong Hector, Panamera po ang kunin niyo." Utos ko. Tumango siya at agad nagtungo sa kwarto ng mga susi. Humarap ako kay Tyrone at agad na pinagalitan. "Ang kulit mo noh? May pa-Trevita-Trevita ka pa diyan. Ano ka sinuswerte? Hindi tayo lalaban sa karera. Papasok po tayo sa School hindi magyayabang!"  Kung anu-ano ang kayabangan na alam. Tss.               "Susubukan ko lang po. Mas maganda kasing gamitin yun kasi..." Ngumiti siya sa'kin na parang aso. "Kasi ihahatid kita. Syempre dapat magandang kotse kasi ihahatid ko ang Prinsesa ng Maniego."               Binatukan ko ulit siya. "Dahilan mo bulok! Ang sabihin mo magyayabang ka lang at pareho nating alam na mas mahal ang Trevita kaysa Veneno na gamit nina Frollo. Wag kang mayabang!" Binelatan ko siya. No way. Hinding hindi ko talaga siya kukunsintihin, mag-aaway lang sila ni Kuya Claude.               Ilang minutong pag-aaway namin dumating na rin sa wakas si Manong Hector. Hayst! Gaano ba talaga karami ang mga kotseng 'yan at hindi na magkanda-ugaga sa paghahanap ng susi. Sigurado na ako late na naman ako. Tapos traffic pa 'yan. Hay naku.               Pagkabukas ng kotse pumasok na rin agad ako. Front Seat ang peg ko. Sino pa ba ang uupo dito syempre ako.               Pinaandar niya na agad ang makina para maka-alis na kami. Dapat lang kasi late na late na kami.               Nakalabas na agad kami ng Village dahil sa mabilis niyang patakbo. Okay na yun basta makarating kami on time sa Academy.               Kaya lang kung kelan malapit na kami tsaka pa nagka-traffic. "Ano ba 'yan! Late na late na ako." Reklamo ko habang tumitingin sa Wrist Watch ko. 7:30 ang klase ko e mag 8 o'clock na.               "Abot pa 'yan." Bulong ni Tyrone habang pinupuk-pok ang manibela gamit ang daliri niya. Hindi yung literal na pinupuk-pok ah.               "Hindi na. 30 minutes late na ako pagdating natin dun." Nag cross arm ako tsaka sumandal ng nakasimangot. Kainis naman e.               "Akong bahala." Paglawak ng daan pinaharurot ni Tyrone ang sasakyan. Magpapakamatay ba siya? God.               "Kung magpapakamatay ka wag mo akong idamay!" Hinampas ko ang braso niya. Kainis naman 'tong taong 'to e. Buisit. "Wag ka ng magmadali, ayos lang kahit late na late na ako wag lang akong mamatay ng maaga." Pagmamaka-awa ko sa kanya.               "Don't worry hindi pa tayo mamamatay." Nang-iinis niyang ngisi. Ano ba naman 'yan. Dapat kay Kuya             Claude na lang ako sumabay. Malapit-lapit naman ng konti ang Academy sa University na pinapasukan nila. Pero malayo-layo kung pupunta ka pa sa Academy. Kaya siguro hindi niya ako hinahatid kasi dagdag oras pa yun.               "Buisit!" Nasabi ko na lang. Nakakapag-curse lang ako kapag kaharap ko ang mga kapatid ko. Nang-iinis kasi e. Hindi ko tuloy mapigilan.               Ilang sandali lang nakarating na nga kami sa Academy. Hindi ko na pinapasok ang kotse sa loob, pag-uusapan na naman nila yun panigurado. Tsaka sanay na naman silang naglalakad na lang ako papasok ng Academy papunta sa Main Building. Alam niyo na ayoko ng pasikat.               "Sige na pumasok ka na. Siguraduhin mo lang na sa University ang diretso mo kundi patatalsikin kita pag-uwi ko." Banta ko sa kanya.               "Yes, boss." Nag salute pa siya. Sinarhan ko na ang pinto at agad tumakbo papunta sa loob.               Nginingitian ko na lang ang bawat nadadaanan ko. Hindi ko na nga rin naririnig ang pinag-uusapan nila dahil sa pagtakbo ko pero sigurado naman na ako na naman ang pinag-uusapan nila. Tumitingin sila sakin ng nakangiti habang kinaka-usap ang kasama nila. Tss. I hate this!               Ilang sandali lang nasa tapat na agad ako ng classroom ko. Hayst! Wasak na dibdib sa pagtakbo. Nagpahinga ako saglit tsaka pumasok sa loob.               Teka! Bakit wala pang Prof?               "Miss Phoebri, wala pong klase nasa meeting po ang mga teacher." Nanlaki ang mga mata ko habang naka-tingin sa white board. Walang klase? Sure? Ohmygod!               Napaupo ako sa pagod. Grabeng pagtakbo yun ah! Pwede na siguro akong sumali sa marathon. Tss. Bakit kasi hindi sila nagtetext man lang kung may klase o wala. Ayan tuloy napagod lang ako ng nakakaloka. Tapos muntik na akong mamatay sa takot kanina dahil kay Tyrone.               Nagpahinga muna ako sa Room, pagod na pagod ako alam niyo yun? Yung gusto nang lumabas ng puso niyo dahil sa sobrang pagtibok. Hay grabe tatakbo na nga yata e.               "Kasabay ko siya papasok kanina, ibang kotse na naman ang naghatid sa kanya. Porsche Panamera."             "Talaga? 'Yan yung kotseng pinag-iipunan ni Kuya. Siguro two years na siyang nag-iipon pero hindi pa niya nabibili 'yon."             "Nakaka-inggit naman siya." "Omg! Look..."             "Alin?"             "Look at her shoes. Simple but elegant flat shoes ng Jimmy Choo. Yan yung gusto kong ipabili kay Daddy. Kalalabas lang ng design na 'yan."               Napakunot ang noo ko sabay tingin sa Flat Shoes na aking suot. Color black ito na may touch na maliliit na diamante. Teka, I heard them, saying Jimmy Choo? Ano?! Jimmy Choo 'to? OMG!             Bakit sa dinami-dami ng masusuot ko yun pang bagong labas na design. God! Wala bang kahit anong bagay na hindi nila mapapansin sa'kin. Magpapalit ng bag, mapapansin nila. Magpapalit ng sapatos gano'n pa rin. Pati ba naman kotse na hindi ko na nga pinapakita sa kanila napapansin pa rin. Saan na ba ako magtatago wag lang mapansin ang lahat ng 'yon.               Nakapag pahinga na naman ako kaya lalabas na lang ako para makapag basa sa library o di kaya kumain sa cafeteria. Bawal kasing lumabas ng Academy hangga't oras ng klase. Nagpapalabas lang ito kung uwian na, 5 o'clock in the afternoon. Medyo strict kasi ang rule dito sa Academy, dahil all girls kaya mas lalong mahigpit. At hindi rin sila tumatanggap ng maraming estudyante. Approximately two thousand lang ang population namin dito simula Elementary hanggang High School. Walang mall kung walang klase, di ba masaya? Ito ang isa sa pinaka-gusto ng mga magulang nila. Nabibigyan na sila ng proteksyon napapangaralan pa.               Palabas na ako room ng nakasalubong ko si Chelseah. Nginitian ko siya, ngumiti rin siya pabalik pero agad nag-iwas ng tingin.               Anong problema niya. Nilagpasan niya ako. Agad ko siyang hinarap. "Chelseah, kain tayo?" Anyaya ko.               Humarap siya sa'kin. Pero agad siyang umiling. "A-h....hindi na, kakakain ko lang."               "Dali na, tapos pupunta tayo sa library para magbasa." Anyaya ko ulit. Sana pumayag siya.               Umiling lang siya. "May gagawin pa kasi ako... Sige Miss Phoebri una na ako." Agad siyang nagtungo sa upuan niya.               Kainis naman. Ito na nga yung sinasabi ko e. Hanggang pakilala lang.               Lumabas na rin ako, mag-isa. Nasa kaliwang building pa ang cafeteria sa Elementary Department at nandito ako ngayon sa main building sa second floor, High School Department. Mahaba-habang lakaran na naman 'to.               "Saan kaya siya mag Co-College?"             "Baka sa pinapasukan ng mga kapatid niya. Sa Montgomery University."             "Pano kung magpatayo ulit sila ng panibagong Building para sa College Department."             "Mas mabuti para hindi na tayo lumipat pa."               Oo nga pala next year college na ako sa susunod na pasukan. Saan kaya ako mag-aaral? Wala naman silang nababanggit na magpapatyo sila ng bagong building para sa College Department.               Hindi ko na muli sila napakinggan nagtungo na lang ako sa cafeteria.               "Ang ganda talaga niya 'no?" "Sobra... Kutis gatas pa. Kahit sinong itabi sa kanya makakawawa." "Ikaw ng anak ng..."               Nagmadali na akong naglakad paalis doon. Ayoko ng mapuri ng kahit na sino. Masyado na akong nalulunod sa mga salita nila. Hindi ko na kaya.               Pagpasok ko sa cafeteria hindi na naman sila magkamayaw sa pag-uusap tungkol sa'kin. Ano pa nga bang magagawa ko? Ipasok sa tainga ilabas sa kabilang tainga.               Agad akong nagtungo sa cashier para umorder, ID ang kailangan dito. Oo nga pala, hindi mo na kailangan ng pera pag nandito ka sa Academy. Kasama na sa tuition mo ang lahat ng gastusin dito. Kaya hindi lang ako ang mayaman dito, lahat kami. Hindi rin masyadong tumatanggap ng scholar dahil na rin siguro sa laki ng tuition. Tsaka may mga limang beses pa lang may gruma-graduate dito ng High School. Take note pagdating nila ng college guma-graduate sila ng Laude. Kilalang kilala kasi ang Academy sa isa sa pinaka-magandang eskwelahan sa Pilipinas at Top 15 sa buong mundo. Nangunguna sa academic at may magagandang pag-uugali. Kaya lang yung iba nga e masyadong ginagamit ang kayamanan para sa pagyayabang.               "Miss Maniego..." Nagbigay galang ang nasa Cashier, siguro nasa 20's siya. Bago siya sa paningin ko kaya siguro hindi niya alam na ayoko ng special treatment mula sa mga stuff ng Academy.               "No.. No.. Ano kasi... Treat me like a normal person. Ano.. Kunyare nagtratrabaho din ako dito, hindi bilang isang Maniego. Okay?" Tumango tango siya. Nginitian ko siya. "Sige Ate isang slice ng butter cheese cake at strawberry yum."               "Anong drinks?"               "Hmm... Milk shake na lang."               "Ah sige ihahatid ko na lang sayo." Ngiti niya sabay alis.               "Ah Ate, hintayin ko na po. Self-service dito kaya hindi mo na kailangan pang ihatid." Pahabol ko.               Tumango lang siya at agad nagtungo sa gagawa ng shake. Kumuha na rin siya ng tig-iisang slice ng cake na inorder ko.               Pag-abot niya sakin muli siyang tumango.               "Ah Ate naman e. Wag ka ng tumango." Nakaka-frustrate e.               "Bilin kasi sa'min ng Head na magbigay galang sa mga Estudyante. Hindi lang naman normal na estudyante ang kaharap ko ngayon, kun’di Prinsesa." Muli siyang tumango.               "Hay.." Napakamot ako sa batok ko. "Hindi ba sinabi sa'yo na ayoko ng ganyan? Oo tama na magbigay galang sa mga estudyante, pero hindi naman yung ganito 'no. Tama na 'yong gumagawa kayo ng mga bagay na walang naaapakan na ibang tao."               "Tama nga sina Manang Carol, mabait ka nga talaga." Napa-ngiti ako. Nakakahiya.               "Ah-eh... wala namang dahilan para maging masama ako e." Nakakahiya talaga.               "Down to Earth pa." Hindi ka nga pinupuri sa mga mamahaling gamit, puring puri ka naman sa ibinibigay mong ugali. Gano'n rin 'yon.               "Ah... Salamat. Sige kain lang ako. Bye, Ate." Nagpaalam na nga ako tsaka tumuloy sa paborito kong pwesto. I’m still all alone.               Medyo wala pang tao dito sa cafeteria kaya iilan lang silang nag chichismisan about sa'kin. Ibig sabihin walang tatabi sa'kin sa pagkain kasi marami pang mauupuan.               Kaninang umagahan wala akong maka-usap. Tapos ngayon? Ewan.               Nagmadali na lang ako sa pagkain kesa magmukha akong kawawa dahil sa pagiging mag-isa ko. Malapit na rin naman ang oras ng susunod na klase ,magiging busy na ako.               "Di ba next year ang 17th Birthday niya?"             "Oo, at magiging world class topic pa."             "Bakit naman?"             "Hayst! Syempre engrande ang 17th Birthday niya. "             "Hindi lang engrande, pang royalty pa."             "Sabagay gagastusan talaga ng sobra ang Party niya. Ikaw ng anak ng..."               "Hay naku! Pati ang mga mangyayari pa lang pinag-uusapan na nila." Kainis. Saan na ba ako lulugar nito kung kahit saan ako pumunta pinag-uusapan ako.               Dumiretso na lang ako sa susunod na klase. Tutal napag-usapan na nila ako kanina baka naman naubusan na sila ng topic ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD