Kabanata 4

1958 Words
ENRICO “Rico,” ang tawag ni Pit sa akin ng makita ako nito sa harap ng kanilang bahay. Dito ako dumiretso pagkatapos akong palayasin ng sarili kong ama at sabihing hindi na ako nito anak. Masakit mang isipin na itakwil ka ng sarili mong ama na inaakala mong unang makakatanggap sayo kapag ka sinabi mo ang kasariang mayroon ka ay wala akong magagawa kundi ang tanggapin ‘to. Alam ko na baling araw ay matatanggap ako nito kapag ipinakita kong kahit hindi ako tunay na lalaki ay may karapatang akong maipagmalaki niya. Sana nga ay darating ang araw na ‘yun. Lalo na ngayon na hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi naman ako p’wedeng manatili dito dahil malapit lang bahay nila Pit sa aming bahay. Baka kung ano pa ang gawin ni Papa kapag nakita pa ako nito rito. Si Pit lang din ang sa tingin ko ay makakatulong sa akin. Siya rin lang ang naging kaibigan ko dito sa lugar namin at pinagkakatiwalaan ko. Wala na rin akong pagpipilian kundi ang lumapit sakanya. “Bakit? Anong nangyari sayo?” ang tanong niya nang papasukin ako nito sakanilang bahay. Inilibot ko naman ang tingin ko at wala doon ang mama at papa nito. Nasisiguro kong tanging siya lang ang nandito sakanilang bahay. Naupo kami sakanilang sofa dito sa kanilang sala. “Rico, sagutin mo ang tanong ko.” Pagtawag niya sa pansin ko. Tumingin naman ako rito at bumuntong hininga. “Nalaman na ni Papa,” ang sabi ko at batid ko na naiintindihan na nito ang ibig kong sabihin. Naramdaman ko ang paghila nito sa akin upang yakapin ako. Bumuhos ang luha ko ng maramdaman ko ang higpit sa yakap ni Rico. Niyakap koi to pabalik at doon ko ibinuhos ang sakit na matagal ko ng tinitiis. Ang mga lungkot na matagal ko ng nararanasan. Hindi ko lang alam kung pagkatapos nito ay tuluyan na akong maging masaya. Ilang saglit pa ay kumalas na ako sa pagkakayap niya ng kumalma ako. Tumingin ito sa akin at ngumiti naman ako ng pilit. Umayos ako ng pagkakaupo. “Salamat,” ang sabi ko sakanya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala si Pit. Malaki ang naitulong niya sa akin magmula ng malaman nito ang kasarian ko. Tinulungan niya akong magtago. Palagi siyang nasa tabi ko sa tuwing hindi ko na kaya ang paghihirap ng pagpapanggap sa harap ng aking Papa. “Sabi ko naman sayo na nandito lang ako sa tuwing kailangan mo ako,” aniya. Hindi na ako nagsalita. Tumayo ito at naglakad papasok sa kusina. Ilang saglit pa ay bumalik ito na may dalang pitsel ng tubig at baso sakanyang mga kamay. Inilagay niya ‘yon sa mesang nasa harap at saka sumalin ng tubig sa baso bago niya inabot sa akin na tinanggap ko naman. “Saan ka ngayon pupunta?” ang tanong niya. Uminom ako sa tubig na binigay niya at ibinaba iyon sa mesa. Tumingin ako sakanya saka napabuntong hininga. “Yun ang hindi ko alam,” ang sagot ko. “Puwede ka dito sa bahay. Huwag ka mag-aalala, ako lang magpapalusot kay Mama at Papa.” Ngumiti ako sakanya dahil sa alok nitong patirahin ako sa kanila. “Hindi p’wede dahil malapit lang ang bahay niyo sa bahay namin. Kung makikita ako ni Papa dito ay baka saktan lang niya ako,” sabi ko sakanya. Natatakot akong masaktan ni Papa. Hindi man ako nito napagbuhatan ng mga kamay buong buhay ko, pero sa tuwing nagagalit ito ay nakakatakot siya. Baka sa susunod na magkita pa kami ay baril na ang ituturo niya sa akin imbes na ang kanyang hintuturo. “Ngunit saan ka naman pupunta ngayon?” “Hindi ko pa alam. Siguro ay pupunta ako syudad para doon maghanap ng matutuluyan. Mabuti nalang dahil may konte akong ipon dito.” Sagot ko sakanya. Mabuti na lang dahil hindi ako magastos na tao. Sa tuwing binibigyan nila ako ng pera ay itinatabi ko. Mabait pa rin naman si Papa dahil iniispoil ako nito para lang masunod ko rin ang gusto niya. “Ihahatid kita doon at hahanap tayo ng matitirhan mo.” Wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa gusto niya. May motorcycle naman sila at makakabawas ako sa gagastusin sa pamasahe. Umakyat na ito sa kuwarto niya. Magpapalit lang daw siya ng damit at agad kaming aalis. Mabilis naman siyang nakababa at agad na kaming lumabas sakanilang bahay. Sumakay kami sa kanilang motorcycle. Siya ang nagdrive nito. Sa pag-alis ko sa lugar na ‘to ay iiwan ko na rin ang matagal ng lungkot na dinadala ko. Kung sa paraang ito ay tuluyan akong magiging masaya ay gagawin ko. Ito lang naman ang matagal ko ng ninanais, e. Gusto kong maging malaya sa kulungang ako rin mismo ang gumawa, pero dahil sa mga taong hindi ako matanggap at sa mga taong huhusga sayo ay hindi ako makalabas. Kung sa paraang ito na makakalaya ako sa kulungang ‘yun ay gagawin ko. Ngunit, darating ang panahon na babalik ako rito. Hindi naman kami nagtagal ay nakarating kami bayan. Municipal lang ang lugar namin dito sa probinsiya at ito ang kanyang city. Hindi katulad sa pinanggalingan kong lugar, dito alam kong marami ang mga katulad ko. ngunit, hindi ako tuluyang magiging ladlad. Alam ko naman sa sariling, bakla lang ako ngunit ayaw ko ring magsuot ng mga pambabaeng damit. Hindi ako gano’n. “May alam ka bang mga apartment dito?” ang tanong ni Pit sa akin. Nagmamaneho parin ito. “Mag park ka diyan. Subukan nating magtanong,” sabi ko kaya sinunod naman ito. Tumigil ang moto na sinasakyan namin sa isang tindahan. May matanda na nakaupo doon. Lumabas naman ako at lumapit sakanya. “Magandang hapon po, ‘La. Puwede po ba akong magtanong?” tumingin naman ito sa akin at inirapan lang ako. Tumayo ito at umalis na hindi sinasagot ang tanong ko. anong problema niya? Tumalikod nalang ako dahil hindi man lang ako nakuhang sagutin ng matandang ‘yun. “Ano ba ang itatanong mo iho?” napatingin ako rito. Ang may-ari ng tindahan na dumungaw pa upang makita ko ‘to. Ngumiti naman ako at lumapit. “Magtatanong lang ho sana ako kung mayroon kayong alam na apartment na mura or kahit bed spacer lang?” pagbabaka sakali ko. “Mayroon. Nandiyan lang sa harap ng aking tindahan. kumatok ka lang diyan dahil siya ang may-ari ng apartment,” aniya. “Salamat po.” Tumango lang ito at umalis na sa pagkakadungaw. Tiningnan ko ang itinuturo nito. Makakatabing bahay na sa tingin ko ay may dalawang palapag. Lumapit ako sa kinaroroonan ni Pit at itinuro ko ang sinasabi ng nagbabantay sa tindahan. Naglakad ako sa harap ng gate at pinindot ang doorbell non. Ilang saglit pa ay dumungaw ang isang babae. Hindi naman katandahan ang kanyang itsura, pero sa tingin ko ay strikta siya. Pinagtaasan ako nito ng kilay kaya kinabahan naman ako. “Magandang hapon po,” ang pagbati ko sakanya. “Anong maganda sa hapon kung nambubulabog ka ng tulog ko?” aniya. “Pasensiya na po, pero kasi naghahanap po ako ngayon ng matutuluyan,” ani ko rito. Bigla namang nagliwanag ang mukha nito at tuluyang lumabas sa ate at hinarap ako. “Mayroon akong pinapaupahang apartment, ngunit pang dalawahan.” “Wala po kayong pang-isahan lang?” ang tanong ko. “Narinig mo naman ‘di ban a pang dalawahan lang?” pinaikutan ako nito ng mata. “Sorry po. Magkano po ang renta?” ang tanong ko. “Mura lang naman kung may kasama ka sa bahay, pero kung gusto mong solohin ang buong apartment. Sampong libo kada buwan,” anito. “Wala na po bang iba?” nagulat ako ng si Pit ang nagtanong. Nasa tabi ko na pala ‘to. “Wala na, pero masuwerte ka. May isang taong nauna na sa apartment at naghahanap ng makakasama para tipid din sa renta,” anito. Napahinga naman ako ng maluwag dahil doon, ngunit medyo mahal parin ang limang libong pera lalo na wala akong trabaho rito. “May pagpipilian pa ba ako?” ang nasabi ko nalang. “Wala na iho. Kung maghahanap ka pa ng iba ay malamang mas mahal pa sa limang libo ang mababayaran mo,” bumuntong hininga ako. “So, paano, Rico? Hindi na ako magtatagal pa rito dahil baka hanapin ako ni Mama at Papa,” bumaling naman ako rito ng tingin. Ngumiti ako sakanya. “Salamat ng marami, Pit. Kung hindi dahil sa’yo ay hindi ko alam kung sino pa ang tutulong sa akin.” “Huwag kang mag-aalala. Hindi ako aalis sa tabi mo kahit anong manyari. Dadalawin kita rito kapag may oras ako saka malapit na rin ang pasukan. Dito na rin ako mag-aaral,” tumango naman ako at yumakap lang ako sakanya. Kinuha ko ang mga gamit ko sakanyang tricycle bago ito nagpa-alam na aalis na. Tumingin naman ako kay ale na tinaasan lang ako kilay. Naglakad na ito sa katabing bahay. May dalawang palapag ang bahay na ‘to at ng pumasok kami sa gate ay maliit lang din ang bakuran at sakto lang sa kotseng naroroon at sa magiging daanan mo papasok sa bahay. Tumingin naman ako sa kasama ko. “Nagmamay-ari iyan nang magiging kasama mo,” anito kahit na hindi pa naman ako nagtatanong. Mayaman? Ang naisip ko bigla ng makita ko ang kotse. “Nga pala,” humarap ako rito nang magsalita sya. Nasa labas pa rin kaming dalawa. “Ano po ‘yun?” ang tanong ko. “Down payment muna?” aniya. Kinuha ko naman ang bag ko at kumuha ng pera sa wallet ko. medyo malaki-laki ang ipon kong ‘to, ngunti hindi nito matutustsan ang pag-aaral ko maging kung kailan ako mananatili dito. Kailangan ko ring maghanap ng trabaho kahit na sa mga fastfood chain lang. “Osiya. Maiiwan na kita,” may kinuha ito sa bulsa ng kanyang bestida. Isang susi at ibinigay ‘yun sa akin, “Ikaw nalang bahala at magsabi sa kasama mo na ikaw ang makakahati niya sa renta. Inaantok na naman ako,” tumango lang ako at lumabas na ‘to sa bakuran. Naglakad na ako papasok sa pinto ng bahay. Napasulyap pa ako sa kotseng naroroon. Hindi ko alam ang brand ng kotse, pero alam kong mahal ‘yun. Kulay itim ito at kumikintab pa. Humarap na ulit ako sa pinto at binuksan ‘yun gamit ang susi. Sumilip muna ako sa loob at tahimik naman. Tuluyan na rin akong pumasok. Sala ang unang bubungad sayo. Pumasok ako at inilibot ang tingin ko. napadpad ang tingin ko sa hagdan kung saan may taong naglalakad pababa at nagpupunas ng buhok gamit ang tuwalya. Tanging boxer brief lang ang suot nito kaya kita ang katawan nitong nagmumura sa abs. Napalunok ako dahil sa tanawing aking nakikita. Maganda ang katawan ko, ngunit mas maganda ang kanya. Nagulat ako ito ng mapatingin sa akin at mabilis na naglakad pababa. “Who are you?” matigas na english na sabi niya. Hinarangan ko naman ito upang pigilan sa paglapit sa akin. “Huwag ka mag-aalala. Hindi ako magnanakaw. Ako ‘yung makakasama mo dito sa bahay.” Paliwanag ko sakanya. umayos naman ‘to ng tayo. “Are you gay or not?” ang tanong niyang hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Kung aaminin ko ba sakanya o hindi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD