Chapter 4

1445 Words
Thlaine's Pov   "We can do them a favor though Let's turn their fake stories into reality...flirt with me, Thlaine." I was caught off guard by his words. That was just too straight to the point. Walang segwey at kung ano-ano pa. I heard it loud and clear, kahit na napaka-ingay pa ng Bistro.   Hindi kagaad ako nakapagsalita at ilang segundong natulala ako sa napaka-seryoso niyang mukha. I blink my eyes simultaneously and open my mouth for retaliation but nothing came out of it.   Naitikom ko ulit ang aking bibig. Bigla akong naguluhan..   Ang kawalan ng ekspresyon sa kaniyang mukha ay unti-unting naging mapaglaro kasabay ng paghalakhak niya. Luthor chuckled sexily and drink his beer. Muli niya 'kong binalingan ng mata.   "Akala ko iba ka, hindi sumasamba sa mga lalaki hindi ba? Looks like you're all talk, Miss Michigawa. Katulad ka rin ng ibang mga babaeng nakasalamuha ko. Tumitiklop pagdating sa 'kin." He mocked and that's a trigger to me. Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa mga pang-iinsulto niya. Tumitiklop? Ako, titiklop sa kaniya? Joke ba 'yon?   He licked his lower lip after he finished drinking his beer. Nakita ko siyang tumawag ng waiter para sa panibagong order. He held his gaze back at me wearing that taunting smile.   The corner of my lip twitch and soon enough it became a grin. Tumikhim ako't mas lalo ko pang nakuha ang buong atensyon niya mula sa maingay naming paligid.   "Mr. Montefiore...magkaiba ang tumitiklop sa mapili." I grinned. Itinuro ko ang aking sarili. The intensity of his stares somehow made my knee tremble. "At mapili ako, I don't just flirt with anyone." I muttered.   His eyes sparks in mischief. Dumating ang panibagong bucket ng beer dala ng waiter. Naputaw ang pagtitinginan naming dalawa matapos niyang lingonin 'yong waiter para sa tip nito.   "But I'm not just anyone, Thlaine. It's Luthor Zacharias Montefiore that you're talking with." He said. Binuksan niya ang isang beer at marahang itinulak 'yon gamit ang kaniyang daliri papunta sa 'kin. Kung ibang babae lang ang ginawan niya ng gan'to, malamang namatay na sila sa kilig at naipagkalat na rin nila sa buong mundo na napaka-gentleman ni Luthor. Pwe!   "Boastful." I announced.   "Just stating some fact." He argued.   "Wala pa rin sina Krei? Kailangan ko nang bumalik ng Elixir, parang gago kasi si Gram...kanina pa 'ko tinatawagan at tinetext daig pa 'yong paranoid na girlfriend." Biglang sinabi ng kababalik lang na si Ram. Bumaling siya sa 'kin matapos niyang ibalik ang cellphone niya sa bulsa ng pantalon.   "Hahatid na kita sa inyo, Thlaine. May pasok ka pa bukas hindi ba?" Nagkatinginan kami sandali ni Luthor. I looked away from him and directed my eyes on Ram who's waiting for my response.   Nginitian ko siya saka ako tumayo mula sa stool. I snatched my bag from the tabla and was about to remember but stop after I remembered something. Natigil din sa paglalakad si Ram at napalingon sa mesa kung nasaan si Luthor pagkatapos kong ibaling ang mga mata ko roon.   "Montefiore, I hope you're not all talk too. Prove something." I said and winked at him. Nakita ko ang pangungunot ng noo ni Ram dahil sa sinabi ko. Tinapik ko na lang ang balikat niya at nauna ng umalis.   *******   "Thlaine. Anong oras na ah, hindi ba't kanina pa nagsimula ang first subject mo?" Gulat na tanong sa 'kin ni Mommy nang maabutan niya 'kong nakahiga pa sa kama at nagsicellphone lang.   I rolled on my bed and pull the comforter to cover my face as well. Tinatamad akong pumasok.   "Thlaine Michigawa, isa!" Napilitan na lang akong bumangon dahil sa pagsigaw niya. I narrowed my eyes on her as I place my phone back at the night stand. Kung hindi na maipinta ang ekspreyon sa mukha ko at malapit ng umabot sa langit ang aking kilay ay mas lalo naman ang kay Mommy.   "Can't I go to school? People there sucks!"   "And you kinda suck too, Thlaine. Get ready for school and be downstairs after twenty minutes or I'll be cutting your access with your cards." Tinalikuran na 'ko ni Mommy. I groaned out of frustration and annoyance, this mother of mine seriously knows how to f**k up mind and made me follow her orders.   Labag man sa loob ko'y wala na 'kong nagawa kung hindi ayusin na nga ang sarili ko para sa pagpapasok. As I was sorting those things that I needed for school. Nahagip ng mata ko ang bintana kung saan natanaw ko ang isang kulay itim na Cadillac.   Mas lalo pang naningkit ang mata ko ng mamataan ang pamilyar na lalaking nakasuot ng sunglasses habang nakasandal sa pinto ng sasakyan at ang mga mata'y diretso lang na nakatingin sa gate ng aming bahay.   My jaw drop at the sudden realization, si Luthor 'yon! What the f**k?   Mabilis kong tinapos ang paglalagay ng gamit sa loob ng bag at lumabas na ng kwarto. Mommy's eyes widen after she saw me rushing my way out. Napilitan akong maglakad ng maayos papunta sa kaniya para magpaalam.   "Naghihintay na si Aldrin, sa may drive way." Aniya. I look at her and shook my head. The corner of her well made brows was quick to lift. Bihis na rin siya at mukhang papunta na sa Versiles Fashion.   "Someone's waiting for me, sa kaniya na 'ko sasabay." Nagmamadali kong sinabi. Akala ko palalampasin niya na 'yon pero hindi. Bago pa ulit ako makahakbang para tuluyang makalabas ng bahay ay nahablot na ni Mommy ang braso ko.   "I really need to go, Bye." I withdraw my arms from her grip and sprinted the distance of our house to the main gate. Kinalma ko lamang ang sarili ko ng papalabas na 'ko ng mismong gate para sunduin si Luthor.   Bakit ba kasi siya nandito? Paano niya ba nalaman ang address ko.   "Montefiore!" I shouted to gain his attention. Nilingon ko saglit ang guard at tipid na nginitian bago niya tuluyang isinara ang gate kung aaan ako lumabas.   Like a Calvin Klein model that oath to seduce and make everyone women species in this world drool, Luthor removed his sunglasses in a sexy yet menacing manner after saw me. Balot na balot naman siya mula paa hanggang ulo pero para pa rin siyang nang-aakit.   He and his clan are obscene. Dapat sa kanila pinapatay.   "What the hell are you doing here? Paano mo nalaman ang address ko?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Parang wala lang na itinapon niya sa passenger seat ang sunglasses na suot niya kanina na mukhang mamahalin.   Jusko! Wala man lang kasinop-sinop sa gamit ang isang 'to.   "Rather than asking me those, you should be kissing me now." Nalaglag ang panga ko sa kalsada. Don't he freakin' knows how to filter his words? Masiyado siyang straight to the point magsalita. He chuckled sexily.   "Just kidding, ayaw kong humalik sa babaeng naka-lipstick, allergy ako sa lipstick." Ani nito. Bago pa man ako makabawi sa gulat ko'y muli niyang binuksan ang pinto ng passenger seat. He crouched and reach for something inside his car.   Nang makuha niya na 'yon at magawa niya 'kong harapin ng ayos ay mas lalo pang nagulantang ang pagkatao ko. Its a bouquet and paper bag from a certain restaurant that sells breakfast meal. Iniabot n'ya 'yon sa 'kin.   "Sa kotse mo na lang 'yan kainin habang bumabyahe tayo papuntang EEU. Hindi ka na nakapasok para sa first period mo." He paused talking and glance at his rolex. Mula sa sasakyan, sa aura at mga gamit niyang suot pakiramdam ko kapag tumabi ako sa kaniya ay para lang akong pulubi.   Gwapo siya, mayaman, ang sabi nila matalino rin siya, siguro kung matino lang 'to at hindi maharot na nilalang ang perfect niya na kaya lang wala namang ginawang perfect and Diyos kaya ito siya, semi-perfect na gago.   "Woah, wait." I raised my hand on the middle air, asking him to stop. Masiyadong mabilis. Naguguluhan ako, sandali!   "What the hell is this? The breakfast meal and flower for? Paanong alam mo rin ang schedule ko. Ano ka nanliligaw?" I scoffed. Ipinatong niya ang bouquet sa ibabaw ng kotse niya pati na rin 'yong breakfast meal atsaka wala akong ganang hinarap.   "I don't do courting, Montefiores  don't. Panlalandi lang 'to Thlaine at hindi panliligaw." Paglilinaw niya. Oh my God! I shouldn't have said those last night. My brows meet at the mixed emotion that sipped in me.   Mapakla akong natawa.   "You gotta be kidding me, who the hell would do this stuff for the sake of flirtng, this is too much effort." Sabi ko matamis at nanghahamon ang ngiti niya.   "Montefiore does, once you're a Montefiore girl, you're a priority Thlaine, kahit na landian lang 'to.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD