Thlaine's Pov "Ayos lang sa 'kin kung dito ka na matutulog," sabi ko. Itinigil ni Latrell ang pagtutupi ng kumot na ipinagamit ko sa kaniya at gulat na humarap sa 'kin. I saw him opened his mouth but words didn't come out of it immediately. "Ayos na 'ko. Baka mamaya malaman pa 'to ni Luthor mabangasan pa ng wala sa oras ang mukha ko." Ipinatong na nito ang kumot sa may arm rest ng sofa. Kinuha na rin nito ang backpack niya na nasa paanan lang din ng upuan at isusukbit na sana 'yon sa kaniyang likuran bilang paghahanda na rin sa pag-alis nito nang pigilan ko s'ya. "Sabayan mo na lang ako magdinner kung gano'n. Ang dami kasi ng mga pagkain, hindi ko naman 'yon mauubos lahat," I said and amble to the dining area. Kinuha ko ang laptap na naiwan pang nakapatong doo

