Thlaine's Pov "Akala ko ba maghihintay ka eh ba't nakasunod ka kaagad sa 'kin? Magdadalawang araw pa lang ako rito." Nakangiting komento ko habang hinuhubad ang aking blazer. Tinupi ni Luthor ang payong na hawak saka inilagay 'yon sa may gilid ng pinto bago n'ya hinubad ang coat na suot-suot. May pang-aalaskang pinaningkitan ko s'ya ng mata. He rake the back of his head and pouted at me. Hindi ko na rin napigilan pa ang sarili kong lumapit sa kaniya para muli itong yakapin. Luthor Zacharias hugged me back. I felt him kiss my hair and his hand is on the small of my back already. I missed him too, I must admit. "Sinabi ko nga na maghihintay ako pero wala rin naman akong sinabi na hindi kita pupuntahan dito. And let me correct you Mrs. Montefiore, dalawang ar

