LUCIA's POV
♕♕♕
TAON 1635
AMBROSETTI EMPIRE
Sinuklay ko ang hanggang bewang kong buhok, itinirintas ito at pinaikot sa taas ng aking ulo.
Napatingin ako sa salamain at inayos ang kasuotan ko, isang simple damit na bagay sa pagtatanim ko ng mga bulaklak sa aming hardin.
"My lady, handa na po ang umagahan niyo." Pumasok siya sa loob ng aking silid at halatang pabalang niyang inayos ang mga pagkain ko sa ibabaw ng mesa.
Hindi na ko nagtataka kung ganito ang pakikitungo niya sa'kin bilang lady niya dahil sino nga ba ang nais pagsilbihan ang isang anak ng Baron na palubog na ang yaman?
Dito sa Ambrosetti ay may sampung baron na namamalakad sa bawat distrito ng emperyo, kaming house Sullen ang nag iisang pamilya ng baron na nakatira sa liblib na lugar at puno ng taniman.
May sakahan kami at pagawaan ng harina, nagbebenta rin kami ng mga baboy at baka saka iba pang mga pananim na tumutubo sa lupain namin. Ngunit dahil may dumaan na bagyo at ang manor namin ang pinaka na tamaan ng trahedya ay medyo hirap kaming bumawi sa kalakalan ng emperyo.
Ngayon ay ika-tatlong taon na namin na halos gumapang na kami sa hirap para lang maipagpatuloy ang negosyo ng aking ama.
Isa-isang nag aalisan ang mga trabahador at mga katulong namin sa mansyon, ang manor ay patanda na nang patanda dahil sa walang nag-aalaga rito at hindi namin kaya ang pangalagaan ito dahil sa may mas kailangan pa kami paglaanan ng pera.
Iyon ay ang mga pananin at ang pag-aaral ng tatlo ko pang kapatid na lalaki, kaya hindi ko magawang magtanim ng sama ng loob sa mga kasambahay namin na nagtitiis na lang sa maliit na sahod kapalit ng pagtulong nila sa'ming pamilya.
Napatingin ako sa inihanda niyang pagkain, isang corn soup at isang tinapay, napangiti ako at umupo na lang sa harap ng hapag-kainan.
Kailan ba noong huli akong nakatikim ng karne? Tatlong taon? O apat? Hindi ko na mabilang at tingin ko kung makakain man ako ay hindi na mawawala ang lasa ng paulit-ulit na pagkain ko ng sinabawan na mais na 'to.
Mabilis ko na lang itong kinain at umalis na para tumulong sa lupain, ngayon ang araw ng anihan namin ng palay, sana umabot sa singkwentang sako para naman mabawi namin ang puhunan na pinaghirapan namin.
"Ate Lucia!" Napalingon ako sa bunso kong kapatid na si Laurio, mukhang kakatapos lang niya mag umagahan at handa na para makinig ng pangangaral ng kaniyang guro.
"Galingan mo ah! Dapat mataas ang marka mo para ikaw na ang susunod na magpapalago ng sakahan na'tin," sabi ko sa kaniya saka ko tinupi ng bahagya ang mga tuhod ko para mapantayan siya.
"Opo ate! Ingat ka rin sa sakahan!" Masaya niyang sabi sabay halik sa mga pisnge ko, mabilis siyang tumakbo papunta sa kaniyang guro at kumaway sa'kin.
Napangiti ako, hindi talaga ako magsasawa na makita ang kapatid ko, sana lang ay mabisita ako nila Lucas at Lorenzo bago man lang ako umalis sa mansyon na ito.
Dahil kahit hindi nila aminin sa'kin ang katotohanan ay alam kong wala na kaming iba pang paraan para takasan ang duke ng Istvan.
Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ng aking mga magulang tungkol sa duke ng Istvan, alam kong hahanap pa sila ng pwedeng isagot sa problema pero maging totoo na tayo sa sitwasyon, mahirap na kami at hindi na kami makakahanap pa ng perang mauutangan.
Pwera na lang kung maging ginto ang bawat butil ng bigas na aanihin namin ngayon, isang malaking kahibangan na lang kung umasa pa ko sa ideya na iyon.
"Magandang umaga Lady Lucia," bati ng mga trabahador namin sa sakahan, binigyan ko sila ng ngiti at binati rin sila ng magandang umaga.
"Magandang umaga rin sa inyo."
"Sayang talaga ang binibini, imbes na mag-aral siya pano maging ganap na baronesa ng manor na ito ay tignan mo siya, halos puno ng putik ang maputi niyang kamay," rinig kong bulungan nila.
"Sinabi mo pa, napakaganda pa naman ng binibini ng Sullen, nakakapang-hinayang lang at pabagsak na ang manor. Iniisip ko nga saan ako magtatrabaho kung mangyari iyon."
Ah tama, alam ko naman na darating talaga ang puntong ito kung hindi namin mareresulba ang problema. Alam kong iiwan din kami ng mga taong matagal na naming kasama para mapanatili ang pagiging baron ni papa.
Syempre, tao lang din sila at kailangan nila magtrabaho para mabuhay ang kanilang pamilya. Hindi naman pwedeng libre ang dugo at pawis na nilalaan nila sa pagtatrabaho.
Hindi rin naman malupit na amo ang aking ama, alam kong iniisip niyang mabuti ang sinasakupan niya kaya kumapit na siya sa patalim at lumapit sa Duke ng Istvan.
Hindi mawala sa isip ko ang mga tanong na pano na kung mamatay din ako pagkaapak ko pa lang sa manor ng duke? Kung mabuhay man ako ay makakatagal ba ko sa loob nun? Makakasundo ko ba silang mag-ama lalo na ang anak niyang lalaki na halos ka-edad na ng bunso naming kapatid.
Kung ano man ang mangyari sa'kin sa loob ng dukedom ay tatanggapin ko kung kapalit naman noon ay ang kasaganahan ng manor namin.
Pinunasan ko ang pawis ko dahil sa init ng araw, kahit na nakasuot ako nang malaki at bilugang sumblero ay hindi mo talaga maiwasang mainitan.
"Milady! May sulat po kayo galing sa Istvan!"
Lahat kami ay napalingon kay Mary na halos hubarin na ang sapatos niya para makatakbo nang mabilis, hawak-hawak niya ang isang itim na sobre na may seal na kulay pula, isang tatak na galing nga ito sa house Istvan.
"Galing sa Istvan? Dyos ko mahabagin," iyon na lang ang narinig ko sa kanila, alam kong takot at pagkagalak ang nararamdaman nila.
Takot na bakit may liham para sa'kin at galak na baka ito na ang sagot sa kahirapan naming lahat.
Agad kong hinugasan ang kamay ko at pinunas ito sa'king palda para matuyo. Lumapit sa'kin si Mary na galak na galak, malayong-malayo sa nakabusangot niyang mukha habang pinagsisilbihan ako.
"Milady! Baka isa 'tong wedding proposal!" Aniya na kinainis ko, siguro masaya na siya dahil kung ako ang ikakasal sa duke ay magiging Duchess ang alaga niya.
Isa sa pinaka malaking sahod sa loob ng emperyo ay ang pagsilbihan ang duchess, dahil sunod na ito sa royal family at malaking oportunidad na ito sa kagaya niya na galing lang sa lowest rank.
Akala mo, hindi kita isasama kung papakasalan din ako ng duke ay maaring kumuha na lang ako ng ibang katulong, katulong na hindi pekeng katulad mo.
"Papasok na ko sa silid ko at doon ko na 'to babasahin," sabi ko sa kaniya at naglakad na pabalik sa kwarto ko, iniwan ko sila doon at alam kong pag-uusapan na namin ang tungkol dito.
Halos habulin ko naman ang pintig ng puso ko dahil sa kaba nang makita ko ang seal ng house Istvan.
"Ito na talaga 'yun Lucia," bulong ko dahil kitang kita ko ang tatak ng isang tigre doon at dalawang espada na nakakrus.
Binuksan ko na ito kahit wala pa ang mga magulang ko, binasa at dinama bawat salitang nakasulat sa loob ng papel.
'Dear Lady Lucia ng House Sullen,
Kamusta ka? Sana ay nasa mabuting kang kalagayan at maayos na ang problema sa inyong manor.
Aking nakausap ang iyong ama tungkol sa isang kasunduan, at nais kong ibigay ang petsa ng ating kasal.
Iyon lamang, iintayin ko ang paglipat mo sa aking manor sa mga susunod na araw.
Ang duke ng Istvan,
Samael Levi Istvan.'
Napatayo ako sa aking upuan matapos mabasa ang maikli niyang liham na nagsasabing ikakasal na kami.
"Ano! Wala man lang pasabi? Hindi niya man lang tinanong kung gusto ko ba talaga ikasal sa kaniya o hindi naman kaya pag-usapan man lang ang bagay na 'yun na kasama ako! Nakakasira ng ulo! May petsa na siyang naiisip samantalang ako hindi ko pa ganoong tanggap ang kalaparan ko! Arrgh! Sana lalaki na lang ako! Bakit kasi huhu!" Akala ko tanggap ko na, akala ko wala na kong magagawa pa pero ngayon na nakita at nabasa ko ang laman ng liham na 'to ay nakaramdam ako ng kaba at takot.
Takot na wala na talagang urungan ito, na totoong aalis na ko dito sa mansyon at titira kasama ang mag-ama na iyon.
Akala ko tanggap ko na at bibigyan pa ko ng oras para makapag-isip, hindi ko akalain na biglaan na lang na darating ang balitang ito.
Muli akong napatingin sa itim na sobre na nakapatong sa ibabaw ng lamesa at halos mangiyak ako at manlambot ang tuhod ko.
Napaupo ako sa kama at halos matulala kakaisip sa nag iisang ideya na tumatakbo ngayon sa isip ko, na sapo ko ang noo ko at halos mahilot ito dahil sa sakit ng ulo.
Hindi ko lubos maisip na isang araw ay darating ako sa punto na gusto ko na lang lumuhod at manalangin sa bathala, humingi ng patawad at magmakaawa na iligtas niya ko sa sitwasyon ko ngayon.
"Ito na 'yun Lucia! Ito na ang kapalaran mo," mahina kong bulong sa sarili ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko sa mata.
TO BE CONTINUED