Nabibilisan si Laurenne sa mga pangyayari. Hindi niya akalain na biglang darating sa condo niya si Maynard at wala pang ilang minuto ay heto at nakikipaghalikan na siya sa binata. Dito na siya parang bumalik sa katinuan. “Maynard!” malakas na tawag ni Laurenne matapos kumalas sa mga labi ng binata. Parang nagba-vibrate pa ang buo niyang katawan. “Yes, Tweety, yes…” halos paos na sagot ni Maynard. Pero sa halip na tumigil, itinaas pa nito ang laylayan ng night dress ni Laurenne, he put his hands between her legs. Tila ilang boltahe ng kuryente ang pumasok sa katawan ni Laurenne nang maramdaman ang pagdampi ng mga daliri ng binata sa loob ng kanyang underwear. Umurong siya palayo kay Maynard, nanlalaki ang kanyang mga mata. “Maynard, wait! a Ang bilis mo talaga!" habol ang hiningang sab

