Tristan's Pov: Mabilis kong narating ang kinalalagyan ni Keith ngayon at halos mag dadalawang oras na kami ngayong nasa harapan ng naglalakihang mga screen para lamang imonitor ang taxi na ginamit ng hayop na yun. Di na ako mapakali at makapaghintay, gustong gusto ko ng iligtas si Hope pero hindi ko alam kung san ko siya pupuntahan kaya kinakailangan kong pagtyagaan ang tumayo ng ilang oras nalang sa harapan ng mga screen na ito at hintaying mahanap namin ang direksyon kung saan sila naroroon. Masyadong malaki ang Japan at aminado akong sa bansang tu wala akong mga taong masasabi kong makakatulong sakin kundi itong tanging naglalakihang mga screen na nakapalibot samin sa malaking kwartong ito ngayon. Maya maya lang biglang napatalon sabay palakpak si Keith. " Tristan, nakita ko na nakai

