Chapter 3
Clive dialed Xavier’s number. It’s been a day, yet he never heard any news from that man. Ang sabi niya ay tawagan siya kaagad kapag nakausap na ang mga may-ari ng lupa.
“Sir Clive?”
“Bobo ka na ba, na hindi makaintindi ng basic instructions? I said, Inform me after talking to those land owners. I hate wasting time, Xavier. If you’re not competent enough, I will never regret dispatching you from your job,” he said right away.
“I’m sorry, Sir. I just fixed everything that’s needed. They all agreed to the proposal of Gre.co, except for one…lady…”
His brows knitted. What? Refusal?
“What? Who is that lady?”
“Miss Sandoval, sir,” Xavier said.
He furrowed. That surname sounds so familiar to him. Saan ba niya narinig ang apelyidong iyon? Gustuhin pa man niyang isipin ay huwag na lang. Hindi na siya mag-aaksaya pa ng oras para isipin ang bwisit na apelyidong iyon ng tao. He doesn’t care, kahit na sino pa mang Sandoval ang ponsyo pilato na iyon. Ang iniisip niya ay kung paano iyon papayag, lalo na at iyon na lang ang kaisa-isang nagmamatigas.
“Did you offer her the highest price for her land?” he was a bit irritated.
“I did, sir. Masyado siyang matigas. Ayaw niya talaga. Humanap na lang daw po tayo ng ibang lupa.”
“Damn it!” agad niyang naiwasiwas ang bote ng alak sa harap niya.
Sino ang babaeng iyon para utusan siya? Walang kahit na sino ang nag-utos sa isang Clive Greco. Siya ang nag-uutos at hindi siya ang inuutusan. That woman doesn’t know who Clive Greco is, and she was so f*****g wrong for refusing his offer. Whatever Clive Greco wants, Clive Greco gets. It’s a curse and no one is an exemption.
“Sa nakita ko, sir determinado siyang huwag talagang ibenta ang lupa. Hindi siya nasisilaw sa pera.
Hindi siya umimik. Pinatay niya ang tawag. Mainit na naman ang ulo niya at kailangan niyang magpalamig. Hindi pwede na ganun. He has to find a way how to get rid of that lady but for now, he has to give himself a break. He needs a woman.
…
Laman ng isip ni Leigh si Clive Greco. Nagpupunas siya ng bintana ng opisina pero lumilipad kasama ng alikabok ang kanyang utak. Buhay pa pala ang lalaking iyon. Bali-balita noon na patay na ang lalaki dahil nag-suicide kaya naman hindi na siya nagpumilit na magkita sila. Rumors said that he couldn’t cope up with his wife’s death. Wala na kasing balita tungkol sa mayamang lalaki, na lahat ng litrato ay nakatalikod.
Susko.
Talikodgenic ang peg ng matandang mayaman.
Siguro ay sinsadya nun na itago ang mukha. Baka iyon ay pangit. Ni minsan ay hindi man lang iyon nagpaunlak ng interview sa telebisyon. He was never featured in any magazine. Ang matandang Don Greco ang nasa magasin, pero matagal na rin naman na patay. Gwapo naman iyon kahit na nga nakita niya iyon sa lumabg magasin ng Mama nya, black and white pa ang kopya. Anong klaseng mayaman ba ang taong wala sa mga pahayagan at media? Mayroon bang ganun?
Meron, si Clive Greco.
Eleven million, napakabarat. Hindi naman sa namimintas siya kaya lang ay malaki ang kikitain nun sa lupa niya sigurado, tapos bibilhin sa kanya sa ganung halaga? Ibang usapan naman ang donated na corneas niya. Ayon sa duktor, sabi ay matagal ng gusto ni Mrs. Greco ang makapag-donate. Dangan nga lang daw ay dalawa lang naman ang mga mata.
Sana all ay naging pinya, maraming mata, e di sana maraming bulag ang mabibiyaan na makakita, tulad niya.
Napakasosyalin ng mga mata niya. Napakayaman ng may-ari ng corneas niya.
Leigh sighed.
She looked at the photo frame on her table. Litrato iyon ni Zaira Greco, bigay sa kanya ng duktor niya noon. Pinakaingat-ingatan niya ang litratong iyon, dahil para raw makilala niya kahit sa picture man lang ang nag-donate sa kanya ng mga mata.
Pasensya na sa nagbigay sa kanya ng corneas pero hindi niya maibebenta ang lupa na pamana sa kanya. Sana naman ay iparating ni Mrs. Greco mula sa kabilang buhay, sa mister nun ang paghingi niya ng paumanhin.
“Ate Zaira, sorry na po agad. Pakisabi naman po kay Sir Clive na ito na lang lupa ang meron ako. May sentimental value ho ito sa akin, tulad ng mga mata niyo. Pakisabi na lang po.”
“Ooooo-ooo,” anang boses na medyo pabulong kaya napamulagat siya sa litrato.
“Susko!” gimbal na bulalas niya.
Sumagot ang multo.
“Huwag naman ganyan, ate Z-Zaira…” nakangiwing sabi niya.
“Huy,” gulat sa kanya ni Jillian kaya halos mapaitlag pa siya at mapatalon.
Tawa ito nang tawa.
“Bwisit ka!”aniya na natatawa rin.
Halos mahampas niya ito ng duster niyang hawak kaya agad naman itong napailag.
“Kanina pa po ako rito. Bakit ang lalim mo? Kinakausap mo pa ang litrato ng patay.”
“Eh paano iniisip ko si Sir Clive. Nahihiya ako kaya lang, may promise naman ako kay Papa.”
Hindi na nakasagot pa si Jillian nang parehas silang mapatingin sa labas. Pumarada roon ang isang kotse na kulay dilaw.
Parang kinabahan siya. Agad siyang lumipat sa may bintana at ibinaba ang blinds. Baka tauhan na naman iyon ni Mr. Talikodgenic.
“Ate mo,” ani Jillian.
Hindi niya gaanong makilala ang ate niya. Iba na naman kasi ang buhok nun. Kulay pula ang buhok nun na parang si Little Mermaid.
Hindi naman yun dumating noong blessing kahit pa pinasabihan niya ang pamilya ng Papa niya. Hindi kasi siya belong. Mayaman ang unang pamilya ng Papa niya. Si Margaret ay modelo ng mga bra at panty sa pagkakaalam niya, at mula nang maoperahan siya ay nasa Gre.co na iyon nagmomodelo. Sa magazines lang niya madalas na makita ang kapatid, at hindi niya akalain na magagawi iyon sa opisina niya. Tatlo ang kapatid niya sa ama, at ang medyo malapit lang sa kanya ay ang kuya Mac niya. Si Margaret ay panganay sa lahat, at siya naman ang bunso. Ang sinusundan niya ay bente quatro anyos na babae, si Keisha. Hindi sila malalapit sa isa't isa, o marahil sa kanya lang.
Bumukas ang pintuan at pumasok si Margaret, inalis ang suot na sunglass.
“Ate,” nakangiting bati niya rito.
Alanganin siya kung lalapit lara yumakap o hindi.
“Kumusta?” kaswal at mataray na tanong nito sa kanya.
“Okay lang, ate, ikaw?”
Palakad-lakad ito at patingin-tingin sa paligid. Nalula siya sa taas ng takong na suot nito. Paano kaya ito nakakalakad sa ganoon kanipis at kataas na mga takong?
“Still gorgeous.”
Nagkatinginan sila ni Jillian. Maganda naman nga ito, mayabang lang.
“I’m on my own now. May sarili na akong condo at hindi na ako umuuwi kay Mommy. Hindi kaya masayang lang ang lupa dito sa ipinatayo mo, Leigh? Hindi kaya palugi ang negosyo mo at hindi paasenso? Bakit hindi ka na lang magtrabaho, total naman ay hindi ka na bulag gaya ng dati?” baling nito sa kanya, nakatingin sa litrato sa mesa niya, “Isn’t that Zaira Greco?”
She nodded, “Hindi naman siguro ate masasayang. Kapag hindi kumita ibebenta ko na lang. May buyer naman, si Mr. Greco.”
Lumipad ang mga mata ng babae sa kanya, nakaangat ang mga kilay.
“Come again?”
“S-Si Clive Greco, ate. Inaalok niya ako ng eleven million kasi may project daw. Lahat ng nandito nabayaran na niya, ako na lang ang hindi.”
“Bibenta mo?” seryosong tanong nito.
Hindi siya kaagad nakasagot. Nakatitig lang naman ito sa kanya, sa kabuuan niya, hanggang sa bumuntong hininga si Margaret.
“If I were you, I would not. Pamana ito sa iyo ni Daddy di ba? Ikaw lang ang may lupa sa ating apat. Maghanap na lang si Mr. Greco ng ibang lugar. Baka naman ibenta mo dahil sa utang na loob. Hindi na uso ‘yan, Leigh. Walang nabubuhay sa utang na loob,” prangkang talak nito sa kanya kaya tumango siya.
“Hindi ko ate ibebenta kahit anong mangyari,” aniya na may paninindigan.
Ngumisi ito at tumalikod, isinuot ang sunglass, “Good. Alis na ako, sinilip ko lang itong maliit mong negosyo.”
Tuluyan itong lumabas kahit na hindi pa man lang siya nakasagot. Para siyang nakahinga nang maluwag.
“Alam mo yun ate mo kahit kailan papansin,” ani Jillian sa kanya.
“Hayaan mo siya,” natatawa niyang sabi, “Alam mo namang yun ang kaligayahan niya.”
“Sabagay, in born na yun sa kanya kaya wala na tayong magagawa…kasi maliit ang negosyo mo,” anito kaya nagkatawanan silang dalawa.
Ganun na talaga ang ugali ng Ate Margaret niya mula nang makilala niya, sopistikada at mataray, kaya hindi na rin naman siya nagtataka pa kung magkagalit iyon at sariling ina. Siya, hindi niya babalakin kailanman na awayin ang nanay niya. Kaisa-isang nanay na lang ang mayroon siya sa mundo kaya iyon ang kakampi niya. Sadyang may mga anak lang na kayang lumaban sa magulang, madalas kapag kaya ng tumayo sa sariling mga paa. Siya hindi, bilin ng Papa niya na mahalin niya ang Mama niya, bilang ganti sa lahat ng pag-aaruga at pagmamahal mula nang mabuo siya bilang tao hanggang sa paglaki niya.
...
Tagaktak ang pawis ni Clive habang walang tigil sa pagbayo sa babaeng nakatuwad sa harap niya. Sobra-sobra na ang pag-atungal nito dahil marahas ang ginagawa niyang pag-ulos. Seeing her cry in pain and pleasure makes him feel so satisfied.
Kapagkuwan ay hinila niya ito papunta sa may paanan ng kama at doon pinatayo. Hinang hina na si Margaret dahil nakakailang labas na ito, habang siya ay hindi pa man lang nakakaisa.
He doesn’t know why he finds it so hard to come. This woman has been his constant partner in bed since he decided to have s*x again after his wife died, but he could count the times he reached his c****x. Kung isandaang beses silang nagtalik ni Margaret, baka sampung beses pa lang siyang nilabasan. Mas nilalabasan pa siya kapag nagsasarili, pero iba pa rin ang pakiramdam kapag may napapasukan ang p*********i niya ma buhay na babae. The feeling is so enticing yet he barely o****m.
Hinila niya ang isang hita ni Margaret papataas kaya napahagikhik ito. Seryoso siyang nakatingin sa mukha nito nang ipasok niya ang p*********i sa lagusan nitong basang-basa pa rin. She’s so wild in bed and always plays his kind of game.
“Ah s**t ka, Clive! f**k me harder and make me squirt again,” mahalay na utos nito sa kanya at iyon ang ginawa niya hanggang sa bigla na lang na manlambot ang p*********i niya.
Bumuntong hininga siya at wala ng nagawa. Kukurap-kurap niyang nilayasan si Margaret at pumasok siya sa banyo nang walang imik.
“Magpaduktor ka na kaya,” aniyon sa kanya kaya uminit ang ulo niya.
“I’m not sick. Ikaw siguro ang kailangan ng duktor dahil masyado kang makati,” sabi niya na tinawanan lang nito. Sanay na sanay na ito sa bunganga niya at dilang walang kasing talim.
He stood underneath the shower and braced his palms on the granite walls, thinking deeply.
“Binibili mo pala ang lupa ng kapatid ko.”
He instantly tilted his head to look at Margaret. Nakasandal ito sa hamba ng banyo, nakatingin sa kanya.
Kunot-noo siya, “Sino?”
Napakibit balikat ang modelo habang nakataas ang mga kilay, “Si Mary Leigh Sandoval.”
Sandoval?
Yeah. He remembered and would not forget such surname. Iyon ang matigas ang ulo.
“Your sister?”
“Half-sister.”
“That’s the reason why she’s playing hard to get,” painsultong sabi niya.
“Excuse me? We’re not the same. I am more beautiful than her. Don’t you know her?” pasarkastiko rin itong ngumisi, “Siya lang naman ang bagong nag-mamay-ari ng mga mata ng asawa mong namatay.”
Nag-iba ang ekpresyon ng mukha niya. For a moment, he was left speechless until his jaws tightened. Kung ganun, ang kapal pala ng mukha ng batang yun na huwag ibigay sa kanya ang gusto niya, tapos ay nakikinabang sa mga mata ng asawa niya. Yung lang ay tama ng rason para ibenta sa kanya ang lupa, kahit nga walang bayad o barat na bilihan.
“Aalis na ako. Good luck na lang sa’yo. Matalino ka naman, Clive. Kaya mo naman siyang paikutin sa mga palad mo, sa totoo lang. Bata pa si Leigh. Matanda ka na. You can manipulate her life, especially she has your wife’s corneas.”
“Why does it sounds like you’re not even concerned about your own sibling?”
Tumalikod na ang babae kahit na tinitingnan pa niya.
“Excuse me, I’m just like you. I don’t care about anything and I only care about myself. Madali lang naman sa'yong mang-uto, Clive. Pakasalan mo siya para makuha mo ang lupa tapos kapag um-oo na, dispatsa mo!” humalakhak pa ito.
Wala siyang sagot. Wala siyang ibang pakakasalan. Asawa lang niya ang pinakasalan niya at wala ng iba pa. Dadaanin niya sa dahas ang pagkuha sa lupang iyon, magsumbatan pa sila ng tulong.
He smirked.
Kapag sinuswerte nga naman. Walang magagawa ang Mary Leigh Sandoval na iyon sa gusto niya.
The beast has to show up.
Umalis siya sa shower at humarap sa salamin. Narinig niya ang pagbukas ng pinto sa kwarto niya.
“Bye fucker, I love you!” tumatawang sabi ni Margaret sa kanya pero hindi niya iyon pinansin.
He badly knows that Margaret is inlove with him but that woman is only good in bed. Duda siya kung marunong ba talaga iyong magmahal dahil wala naman iyong seryosong karelasyon noon pa man. Papalit-palit lang iyon ng nobyo, at wala silang label na dalawa. Para sa kanya ay gamit lang si Margaret na tatawagan niya kung kailan niya gustong maglabas ng semilya.
He never tolerates himself with hand job. Ayaw niyang magsarili parati at masanay, at bakit niya gagawin iyon kung marami naman siyang babaeng matatawag?
Clive looked at his reflection. Matalim ang mga mata niyang nakatingin sa sarili. He has long brown hair, a thick beard and mustache, thick brows, and a fierce gaze. Sinong hindi masisindak sa kanya? Miss Sandoval was so damn wrong for not giving him what he wanted. He’ll show her the beast who had been hiding for years, Clive Greco of Gre.co Empire.