First day of School.
Pagdating ko sa universidad, nahawa ako sa excitement ng mga freshmen. Grabe talaga sila, sobrang ingay, at ang gulo-gulo. Halos hindi na ako makadaan papuntang stairs na malapit sa canteen dahil andami nila. "Excuse me po," pasintabi ko sa mga estudyante na ewan ko lang kung bakit kailangan pang tumambay sa labas ng kantena kung pwede naman silang pumasok doon.
Hawak-hawak ko ang aking studyload habang paakyat sa hagdanan patungo sa ikaanim na palapag ng building. Sino kaya ang magiging instructor namin sa Cost Accounting? Huwag naman sana si Mr. Escudero! May reputasyon kasi ang guro na pahihirapan ang mga estudyante nito. Hindi na rin mabilang ang mga estudyante na pinaiyak nito dahil sa maliliit ang mga gradong nakuha lalong-lalo na ang mga estudyante na nasa block section, kung saan requirement ang i-maintain ang kanilang mga grado upang muling maka-enrol sa block section sa next semester.
Nasa ikaapat na palapag pa lang ako nang maisipan kung tumigil muna sa pag-akyat dahil parang sasabog na ang aking baga. Hindi kasi uso ang elevator sa pinapasukan kong unibersidad, at kapag business courses ang kinukuhang kurso, kadalasan ay nasa 4th-6th floor talaga ang mga klase.
Makalipas ang ilang minuto ay paakyat na akong muli nang makasalubong ko ang mga nagtatakbuhang highschool students. Ano kaya ang ginagawa ng mga ito sa Teresita Building? Sa tingin ko ay mga basketball player ang mga ito dahil sa kanilang mga height or masyado lang talaga akong assuming. Porke ba at matangkad ay basketball player kaagad? Echus!
"Miss, mukhang kinakapos ka yata sa paghinga? Kailangan mo ba ng mouth to mouth?"
Dinilatan ko ang binatilyong nagsasalita. "If you have nothing good to say, don't say anything!" Sabi ko sa kanya na umani ng pangangantyaw mula sa mga kasamahan nito.
"Hanep, pare ko, englisera pala itong si miss beautiful."
"Naku, pare. Ligawan mo na para hindi ka na ibagsak ni Ma'am sa english, may nobya ka na, may tutor pa!"
Napuno ng tawanan ang stairway ng building kaya hindi na ako nakatiis pa mula sa pagkapahiya. Ano naman ang laban ko sa isang grupo na mga pilyong binatilyo? "Excuse me," sabi ko at nagpapatuloy na umakyat papunta sa 6th floor.
"Miss, nakalimutan mo yatang ibigay ang cellphone number mo!" tawag nung isa ngunit hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy lang sa aking pupuntahan. Ilang minuto na lang at mali-late na ako. Nakakahiya kapag unang araw, tapos late kaagad.
Pagdating ko sa 6th floor, kaagad kong hinanap ang room 619 na nakalagay sa studyload. Nang hindi ko ito makita, nagtanong-tanong ako sa ibang estudyante na naroon, at itinuro nila sa akin na ang aking room assignment ay nasa building ng mga criminology students. Muli kong tiningnan ang aking studyload. Oo nga, bakit hindi ko napansin ang letrang karugtong sa 619?
"Paano nga po pala ako pupunta doon sa building nila? Kailangan ko pa bang bumaba?"
"Naku, hindi na kailangan. From here, just go straight, then turn right. Siguro nasa mga fifty meters from the corner, ay may makikita kang library. Sa gilid nyan ay may daanan papunta sa building na hinahanap mo."
"Thank you po," nagpasalamat ako sa estudyanteng nagbigay sa akin ng direksyon.
"No problem. Oo nga pala, ako si Roldan, graduating ng Customs Administration. Ikaw, ano'ng pangalan mo?"
Naku, mukhang presko iyong napagtanungan ko at nakipagkilala kaagad, pero syempre, hindi naman pwede na susungitan ko siya. "Erin. Sige po ha, nagmamadali kasi ako, at malapit nang magsimula ang klase namin."
"Gusto mo bang ihatid kita doon?" Nag-offer si Roldan.
"Naku, huwag na. Maabala ka pa, sige, bye." Nagmadali akong makaalis palayo kay Roldan dahil hindi ko type ang style niya. Masyadong presko kasi ang dating!
Grabe talaga ang araw na 'to. Lahat ng nakasalubong ko ay pawang mga chicksboy. Habang naglalakad ako patungo sa building ng mga criminology, pinagtitinginan ako ng mga estudyanteng nakaupo sa pasilyo. Ano'ng problema nila?
Bakit hinayaan ng Dean ng Criminology na pakalat-kalat lang sa pasilyo ang mga mag-aaral nito? Nang marinig kong nagtatawanan ang ilan sa kanila, binilisan ko ang aking paglalakad. Finally, nahanap ko na rin sa wakas ang aking room. Agad akong pumasok at pumili ng mauupuan. Doon ako sa may dulong bahagi pumuwesto at tahimik na naghihintay sa magiging instructor namin.
"Hoy, Erin! Nag-enrol ka rin pala ng Cost Accounting?"
Nilingon ko ang lalaking nagsasalita, at nakilala ko si Archie. "Hindi kita napansin nang pumasok ako, hindi ba at tapos ka na sa subject na ito last sem?" Magkaiba ang aming major, pero sa mga minor subjects at iilang major ay magkaklase kami ng lalaki.
"Eh, ibinagsak ako ni Escudero, kaya no choice kundi ang mag-enrol muli." Sabi ni Archie.
"Paano kung si Escudero muli ang instructor ngayon?" Tinukso ko siya.
"Hmmm, andito ka naman, eh. Pakopyahin mo na lang ako," sagot niya.
"Ah, ganun ba 'yon? O sige ba, basta ilibre mo ako palagi ng snacks. Ang hirap kaya mag-study tapos pakokopyahin lang kita." Hindi naman bobo si Archie, sadya lang talaga na mahirap ang Cost Accounting. Ako nga, nang mabasa ko ang librong nabili ko sa National Bookstore nung isang araw tungkol sa aming subject, parang gusto ko na ding mag-shift sa ibang kurso.
"Deal. Basta isang burger lang at isang softdrink. 'Yan lang ang kaya ng budget ko, eh." Pumayag si Archie, ed di wow naman!
"Deal! Ikaw kasi, laging ang nobya ang tanging laman ng utak mo, kaya nahihirapan ka tuloy sa mga subjects natin." Pinagsabihan ko siya tungkol sa kanyang nobya na naging dahilan upang hindi makapag-aral ng husto si Archie.
"Subukan mo kasing magnobyo para maintindihan mo ang feelings ko," tila nagalit yata siya ng banggitin ko ang kanyang gf.
"Ayoko nga. Bawal pa sa akin ang makikipagnobyo, eh."
"Bahala ka sa buhay mo, basta masarap sa pakiramdam ang may minamahal."
Hihirit pa sana ako nang biglang pumasok ang magiging instructor namin. Jusko Lord! Si Mr. Isko nga! Nagkatinginan na lang kami ni Archie at tahimik na kinuha ang aming libro. Wala kasing sinasanto ang naturang guro, hindi uso ang introduction phase tuwing first day ng klase, at exam kaagad!
"Good afternoon, everyone! I'm sure na kilala n'yo ako," sabi ni Mr. Escudero.
"Yes, sir!" Sabay na sumagot ang iilan sa mga kaklase ko.
"Sino sa inyo rito ang first-timer na ako ang magiging guro?"
Itinaas ko ang aking kanang kamay, at ganun din ang ginawa ng mga kaklase ko. Ano kaya ang pakulo ni Mr. Isko, bakit kailangan pa ang ganito?
"Alright. At sa mga estudyante na nasubukan na ang aking pagtuturo, itaas ang kamay."
Nilingon ko si Archie,ngunit parang nag-aatubili itong itaas ang kanyang kamay. Sinenyasan ko siya na gawin ang gusto ng guro.
"Good. First-timers, look at them. Sila 'yong mga estudyanteng bumagsak sa cost accounting last sem."
Doon na ako kinabahan sa sinabi niya. Almost seventy-five percent kasi ng klase ay mga naging estudyante na ni Mr. Isko. Baka, mapurnada pa ang pagtanggap ko ng diploma?
"Huwag muna kayong kabahan kasi may magandang balita naman akong dala para sa inyo, lalong-lalo na sa mga graduating nitong semester na 'to."
Good news daw? Ano naman kaya to?
"Actually, I have an emergency situation at home. Hindi ko na i-detalye ang buong pangyayari, basta simula ngayong araw ay nagbitiw na ako bilang instructor. Si Mr. Carrillo na ang papalit sa akin dito. So, I hope na lahat ng graduating ay makapasa. Good luck everyone."
At nagsigawan kaming lahat nang tumalikod si sir. Tuwang-tuwa, eh!