[Phraea's POV]
Nakakasakal ang manatili sa loob ng isla, lalo na sa loob ng bahay. Hindi ako pinapansin ni Evelyn at si Rowena naman ay palihim lang akong kinakausap para hindi magalit si Evelyn sa kanya.
"What did he want in exchange?" Mahinahong tanong sa akin ni Rowena. Nasa loob ng kanyang kwarto si Evelyn at tahimik naman akong naghuhugas ng pinggan.
"Believe me, Ro, I didn't offered him anything." Nagmamakaawa ang mga mata ko na maniwala siya sa akin. Magkasalubong ang kanyang mga kilay at gusto kong maiyak nung makita ko na nahihirapan siyang paniwalaan ako.
"Then how? Why? Garen has never done that. You think... he's starting to develop romantic feelings for you?" Aksidente kong nabitawan ang pinggan dahil sa gulat. Mabilis kong hinugasan ang kamay ko bago ako yumuko at pinulot isa-isa ang mga bubog.
Kumuha si Rowena ng dustpan para tulungan ako. Abala kami sa paglilinis ng sahig dahil na naman sa katangahan ko nung lumabas na si Evelyn mula sa kanyang kwarto.
"Why the hell are you helping her?!" Mabilis niyang hinila si Rowena papalayo sa akin. "Does your brain still working?! Kung makita ni Garen na may mga bubog na nagkalat at tinutulungan mo siya, kahit na si Phraea ang may kasalanan, ikaw ang masisisi. Gusto mo bang masaktan, ha?!" Nanliliksik ang kanyang mga mata at mahigpit niyang hinawakan si Rowena sa pulupulsuhan. Rowena looks down and let Evelyn yell at her.
"Let her clean up her own mess. Go to your room." Malamig na utos niya rito at parang paslit namang sumunod si Rowena.
Tumayo si Evelyn sa harapan ko na nakahalukipkip. "I wonder what Garen will do if he sees his favorite creating a mess."
Nakaawang ang mga labi kong pinapanood siyang kumuha ng isa pang pinggan sa drawer at walang pasabing binagsak niya iyun sa aking harapan. I whined when some parts of the broken plate pierce through my skin.
I took a deep before I bravely continued cleaning up the mess. Napaismid si Evelyn at mukhang nainis sa ginawa kong hindi pagpansin sa kanya.
"Kabago-bago mo lang dito. Huwag kang magmagaling. Between the two of us, I know a lot of things about Garen," she lended me a glare at sa Evelyn na nakikita ko ngayon... hindi ko ini-imagine na siya yung tumulong sa akin noong nga unang araw ko rito sa isla. She's really obsessed with Garen.
"Where are your manners?!" Napaiwas ako ng tingin nung bigyan ni Garen si Evelyn ng mabigat na sampal. "You let Phraea do the work alone. Akala ko magkakapatid kayo rito! I expected more of you, Evelyn." Tahimik na umiiyak si Evelyn habang nakayuko at hawak-hawak ang pumupula niyang pisngi.
"Nasaan si Rowena?!" Umaalingawngaw na sigaw niya na siyang nagpalabas kay Rowena mula sa kwarto.
"How dare you hide inside your room." Mahigpit niyang hinawakan ang buhok ni Rowena at pilit nitong sinasalubong ang nakakapaso niyang mga titig. "E-evelyn told me to," humihikbing sagot niya at gusto kong tumakbo para pigilan si Garen but my life is also at stake. I can't afford to die.
Dahan-dahang binitawan ni Garen si Rowena. Napalunok ako nung makita ang galit sa kanyang mga mata nung tumingin siya sa gawi ni Evelyn.
"Explain yourself." Nakayuko ako malapit sa kinatatayuan ni Evelyn at kita ko ang paghawak niya nang sobrang higpit sa dulo ng kanyang damit.
"I'll give you a chance to explain your side, so don't mess with my patience, Evelyn."
Malalim na napalunok si Evelyn bago sumagot na nanginginig ang mga labi. "You're treating us unfairly. Ba't si Phraea lang ang nakatanggap ng regalo? Birthday ko rin nung nakaraan, ah. We are imprisoned in this island but it seems like you're treating us the way the outside world does!"
"Stop it!" Sigaw ko nung hindi na ako nakapagpigil dahil bigla na lang hinatak ni Garen si Evelyn sa leeg. He's strong but i'm still doing everything I can to surpass his might. I keep pushing him away from Evelyn. Evelyn's face starts to turn purple and it got me scared that made me cried.
"I wanted to hear your explanation but it doesn't give you the f*****g right to mock me! Do you understand me?!" Maputlang tumango si Evelyn at nung bitawan siya ni Garen ay napahiga na lang siya sa sahig dahil sa mga tuhod niyang nawalan ng lakas.
Umiiyak akong inalalayan siya. I am upset with her but I don't want her to die. I know she just felt wronged and I understand her.
"The more you felt wronged, the less you'll be heard. I want the three of you to remember that."
Inangat ko ang aking nanunubig na mga mata at nahuli siyang nakatitig sa akin. I showed him how disappointed I am and what he did is just so wrong.
Hindi siya kumibo at tumalikod na. Mabilis ko naman siyang sinundan at agad akong pinigilan ng mga tauhan niya.
"You know that you're not allowed to leave the house after breakfast." I heard him said.
"I need to talk to you." I said, almost begging and it made him turned around to face me. He raise his hand and his men immediately step aside. "Leave us."
Nung makaalis na ang kanyang mga tauhan ay sumunod ako sa kanya at tumigil siya malapit sa kahoy na tinambayan ko kahapon.
"So you're just gonna defend her? After what she has done?" He sneered at me.
"I won't defend anybody. Gusto ko lang malaman kung bakit iba ang pagtrato mo, ba't may sulat ang pasalubong na bigay mo at yung sa kanila wala? Ba't naalala mo ang birthday ko at yung sa kanila hindi?" Nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Are you questioning my treatment, Phraea?" Napayuko ako at naging alerto sa tono ng boses niya. Hindi ako pwedeng makampante sa sulat na binigay niya kung saan sinabi niyang hindi niya ako sasaktan.
"I-i'm just confused... Master." Napalunok ako bago ko sinabi ang panghuling salita. "Dean's Lister ka diba? I know you're smart, figure it out yourself."