31. BAR Leonor's POV Madilim na sa labas ng magising ako. Pero wala pa akong ganang bumangon mula sa aking kama. Nandito lang ako at pinapakiramdaman ko ang kamiserablehan ng buhay ko. Maghapon kasi akong umiyak. Di matanggap ng puso ko na hayaan na lang si Neiji. Tss. Pakiramdam ko nga ubos na ang tubig ko sa katawan dahil sa buong araw ko na pagluha. Hindi nga rin ako kumain mula agahan, dinaig ko pa ang broken- hearted na teenager. Piling ko nga din ang pangit ko na. Maganda ako! Ano ba!— Kontra agad ng isip ko. Hoho. Pero seryoso, di ako nakakaramdam ng gutom. Manhid na nga yata ako. Pinamanhid iyon ng sobrang sakit. "Are you sick?" nag aalalang tanong sa akin ni Herald. "Ba't nakapasok ka dito?" "Tsk. Duplicate. Ano pa nga ba? Ba't di ka tumayo dyan, di ka daw kumain. Ni di ka

