Leonor's POV Sinusundot sundot ko ang tagiliran niya pero naka kunot pa din ang noo, mukhang di niya talaga ako mapatawad. Nandito ako sa condo niya. "Babe... Sorry na.." At pinungay pungay ko pa talaga ang mata ko. Fudge! Di Effective. "I'm not in the mood. Please lang Leonor, leave me alone." Seryoso niyang sabi. Sinara ni Royce ang kanyang laptop at inayos ang mga papeles. Tumayo ito. Napasimangot ako. Sira ulo din 'tung lalaki na'to e. Sabi niya saken leave me alone, e mukhang ako ang ili-leave me alone niya. Minsan talaga nagtataka ako kung paano naging engineer ang isang may pagkatanga na lalaking 'to. ~Tanga? Pero mahal mo kahit tanga? _(_^_)_ Letsugas na konsensya talagang sabat ng sabat! Pero NAMAN! Tatagal ba kami ng more than two years kung di ko siya mahal? Anu yun, lok

