28. Banatera Niccolo's POV Isang linggo ang lumipas at wala kaming pansinan ni Leonor. Di naman sana ako magagalit kung umuwi sila ng ayos e, pero hindi, alam kong may pag ka cold ang bunso ko, pero mas lalo pa ito nagmukhang cold, malungkot ang mata niya nung umuwi sila. Kaya galit na galit ako. "Si yaya, tay?" kasalukuyan kaming kumakaing tatlo sa dining table ng magtanong sa akin si Frey. "Why are you finding her?" nagtatakang tanong ko, "Because I want her to be with me in school." Sagot nito sa akin. "Do you like your yaya?" tumango naman ito. "She's funny and cool." natatawang sagot pa nito. "psh!" singhal ni Savannah. Di lang siya pinansin ni frey at tumuloy sa pagkain, pero di ito mapakali kaya tumayo ito. "where are you going, son?" "Kay yaya" "huh?" Akala ko ba di si

