Leonor's POV.
Today is Saturday. Ngayon din ang third death monthsary nila inay at itay. Parang kailan lang... ~Oopps! Teka wag munang mag emote!
Maaga ako nagising.. pero mas maaga pa din nagising ang anim kong lola dito.
"Ang aga mong nakabihis, Leonor Rivera. May lakad ka?" tanung sa akin ni Lola Lucia. Psh! That complete name again. -_-!
"Meron po." Sabi ko habang inaabot ang toothbrush.
"Oh siya! Hwag ka lang papagabing bata ka! Delikado ang panahon ngayon." Bilin sa akin ni Lola
Fely.
"Opo."
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko nagpaalam ako sa kanila.
"Lola! Aalis na po ako."
"Wahahaha Oo-- Wahahahaha-Hahahahaha Sige--si~Hahaha Ingat~Wahahaha---ka apo--Wahaha" Anu daw? Tss! Mga matatandang 'to. Larva lang yang pinapanuod nila, akala mo naman ano na. Psh! Bata talaga!
Naglakad lang ako papuntang paradahan ng jeep, dadalawin ko kase sila inay at itay. Nakaugalian ko na ang ganito. Haaay! Di pa din ako makapaniwala.
Malapit nako sa sakayan nang makita ko si Royce.. Opo! Royce na itatawag ko sa mokong na yan. Ang kulit kulit kase Psh!
"Leonor.." tawag niya sa akin habang gulat na gulat mukhang di makapaniwalang nakita niya ako.
"Oh! The Leonor Rivera The Great! Hello.." sabi ng kasama niya. 0^◇^0)/
I give him a death glare. Nakita kong napakapit siya kay Royce.
"Tss. Kasalanan mo yan Thunder " sabi niya sa katabi niya. So, Thunder pala huh?! Cassanova ng school. Yun ang alam kong laging nakakabit sa pangalan niya. Nung tignan ko siya ulit, nakapout siya.
Puteek! Para siyang bakla!
"San ka pupunta Leonor.." tanung sa akin ni Royce.
"Wala ka na dun." Cold kong papkakasabi.
"Syempre nandito siya kaya wala siya dun." taas taas pa ang kilay niya. -_-||
"You wanna die?" tanung ko sa kanya at napangiwi siya, aware ako na may pagka cold ang boses ko. Hindi sa gusto ko ito, pero talagang ganito sila magreact sa boses ko.
"Ge, pre! Alis na ako."
Nagpapaalaman sila kaya umalis na ako, pero ang walang hiyang Thunder tinawag ako.
"Goodbye, Leonor Rivera!" →_→ Sabay kaway kaway pa, narinig ko pa nga na natawa si Madam na naka DepEd. Argh! Bwisit!
Pasakay na sana ako ng hawakan ni Royce ang braso ko.
"Doon ka na sa kotse ko sumakay." Tinignan ko lang siya at umiling.
"Wag mo sabihing dyan ka sasakay?" nanlalaki pa mata niya.
"Oo dyan sa jeep. Tss!" Nakakainis. Palibhasa rich kid kaya ganyan makatingin sa jeep. Sumakay nako.
"Manong... Heto po sa Jel Memorial." sabay bigay ko ng otso.
Nang makasakay ako, tinignan ko kung may tao sa pinakadulo dahil yun ang favorite place ko. Kainis! May tao nga. So, no choice ako kaya nandito ako sa gitna. Sabi ng Mamang Konduktor isa na lang daw para maka alis na..
Kinuha ko ang earphone ko at isinaksak sa cellphone. Iniscan ko ang mga songs sa playlist ko. Nang makita ko yung Let Her Go ng Passenger, pinlay ko ito.
~Ahhh Relaxing...
Dipa natatapos ang kanta ng may kumalabit sa akin. Binuksan ko ang isa kong mata. Nakapout na Royce ang nakita ko. Si Royce lang pa----
WHAT THE?!!
Si ROYCE???!!! ● 3●
"ROYCE?!!!?" OhEm! Wrong Move yata ang pagsigaw ko. If looks could kill, malamang sa malamang, dead on arrival nako. Yumuko muna ako panandalian.
"What are you doing here?" I ask him using my expressionless face and cold tone.
"Sasamahan ka." parang wala lang niyang sagot.
"What? Are you crazy?" Alam kaya ng mokong na'to kung saan ako pupunta.
"Yeah. I am crazy. Crazy inlove with you" Tss. Mga ganyan niyang salita, kinikilabutan ako. Tinignan ko mukha niya and My God! He is smirking.
Hinampas ko nga ang tuhod niya. Narinig ko pang napasinghap ang mga tao sa paligid. Nung tinignan ko sila, parang gulat na gulat sila. Anu nananaman ba, huh??!
Nang mapalingon ako kay Manong Konduktor, masama ang tingin niya kay Royce..
"Anong ginawa mo kay Mamang Konduktor?" nagpout siya bigla.
"Kase... kase... haaayy... ano kase---" nauutal niyang sabi. Anu ba talaga? Sumasakit ang bangs ko. Kaloka!
"Oy Kuya! Sasagot ka o hindi"
"Damn!" irita niyang sagot. Mukha yatang nagulat ang mga pasahero kaya napaharap sila kay Royce. "WHAT?!!" singhal niya sa mga tao. Pati ako nanigas sa kinauupuan ko. Nakakatakot pala 'to magalit. Pero anu ba ginawa ko?
"Kuya.."
'Oh Thanks Lord! Kuya nya naman pala'
'Kala ko gf niya yang chaka na yan eh'
'Pero kapatid niya yan?'
'Di siguro, ang pangit eh'
'Ampon siguro'
Tinignan ko naman ang mga tsimosang ito ng aking 'Famous Death Glare' Yumuko naman sila.
See! Effective diba?
Lagi naman e.
"Isa pang Kuya mo, Hahalikan na kita." Bigla niyang sabi. Napatakip ako bigla sa bibig ko. Kung kanina naniningkit ang mga mata nila Ateng tsismosa ngayon nanlalaki na, pati si Koyang driver napatingin pa sa mirror para siguraduhin ang sinabi ni Royce.
~T_T~
Nakoo! Umeksena nanaman ang tipaklong nato!
I rolled my eyes, It is not me though I can't help but to do it. The fudge of him! The fudge of his effect on me.
Sumakto ang mata ko kay Manong Konduktor. Seryoso? Insecure 'to o ano? Ang sama makatingin..
"Hoy! Royce! An---"
"That's my girl! Fast learner ah!" sabi niya sa akin na may malawak na pagkakangiti. Di kaya mabanat ang pisngi nito.
"Tse! Anu problema ni Kuyang Kondoktor sayo?" At nga naman oh! Nagpout siya. Tinignan ko lang sya, ang gwafu pala talaga ng lalaking 'to. Seryoso man o parang baliw. Kahit nga ngayung nakapout eh, fafaness pa din siya. Di tulad ng Thunder na yan, parang bakla magpout!
"Haay.. ahm... kase.."
"Magsasalita ka o ihuhulog kita dito sa jeep?" tanung ko sa kanya. Bumuntong hininga muna siya bago niya ko sinagot.
"Eh kase... di pa ko nagbabayad sa jeep e" bulong niya sa akin. Tapos yumuko na siya.
eh?
←_←
"You what?" Natatawa kong tanung.
"Tsk! Binabayaran ko naman kanina, kaya lang di daw tumatanggap ng credit card, nung binigyan ko ng one thousand. Ayaw din niya, kaya bahala na, sumakay na lang ako."
"Okay." Natatawa kong sagot at binayaran si manong konduktor.
"Babayaran ko din, kahit itimes 100 mu pa yan!" Nagkibit balikat lang ako at nagsmirk.
"Damn! Stop smirking. Magbabayad nga ako."
Kita mu 'to. Ang pikunin talaga.
-----
Nandito na kame sa Jel Memorial. Sa tutuusin lang ayaw kong pumupunta dito. Ang sakit! Ang sakit pa rin.. Hanggang ngayon diko pa din matanggap ang pag.. pagkamatay nila inay at itay.
"Psh! Bakit ganito dito?" -_-|| Kanina pa mainit ulo nya. Kaya pati ako nahahawa. "Tignan mo yan! yan! tapos yun! Bakit dikit dikit?" turo niya sa mga puntod. Hello Royce! Public Cemetery 'to kaya ganyan talaga. "Ang baho baho pa!" Napanting na talaga ang utak ko dun. Seriously? Heto ba talaga ang Niccolo Royce na di palasalita? Man of few words?
Minsan talaga eksaherada na lang mga taong tsismosa sa school e.
Ang daldal kaya niya!
Hinarap ko siya.
"HUWAG NA HUWAG KANG SUSUNOD SA AKIN HABANG HINDI MO ITINITIKOM YANG BIBIG MO. ANG ARTE ARTE MO NA NGA ANG DALDAL DALDAL MO PA!" sigaw ko sa kanya.
Here we go again. It is not me. Shouting at the top of my lungs. My God!
Umalis nako agad pagkasabi ko nun. Mabibilis mga hakbang ko. Liko dito. Liko doon. Inis na inis parin kase ako e. Hanggang sa makarating ako sa harapan ng puntod nila inay at itay.
Isang buwan pa lang nang huli kong punta dito, pero heto ulit? madumi nanaman.
Kumuha ako ng walis tingting. Hwag kayung magtaka kung bakit may ganito dito. Talagang may tago akong panlinis para naman diko na laging dinadaladala kapag nagpupunta ako dito.
Inipon ko yung mga winalisan ko at sinunog yun. Next, nilabas ko ang maliit na parang kumot pero may kakapalan. Again.. wag kaung magtaka bat may ganto sa bag ko. Ahmm.. Pinagkasya ko to talaga e.
Umupo ako sa harap ng puntod nila inay at itay.. Nagsindi ako ng kandila. At napatingin sa mga pangalan na nakaukit sa Lapida.
Gustuhin ko man maging matatag, gustuhin ko man maging matapang... hindi e.. Hindi ko talaga kaya. At kapag ganito na kahit ayaw ko man kusa na lang nag uunahan ang mga luha ko sa pagtulo.
"Inay.. Itay... Heto nanaman po ulit ako. Kamusta naman po kayo?"
''Anak! I'm a proud of you, anak" tuwang tuwa si itay habang yakap yakap ako. Nakapasa ako sa Illustrados University. Pangarap talaga ni itay... at kahit di sabihin ni inay alam kong proud din siya sa akin. Ang talino kaya ng anak nila.
Pero 'tay wrong grammar ka.. T_T
"Proud kana agad di pa naman nakakatapos yang anak mo." sabat ng inay'. Psh! Si inay talaga pakontrabida lagi ang role nya.
"Asus! Kailan ba tayo binigo ni Leonor Rivera?"
"Pftt! Hahaha Tama darling... Kaya Leonor Rivera pagbutihin ang pag aaral.."
"Tatay naman eh!!" Ayoko talaga sa lahat yung pinagtutulungan nila akong dalawa.
"O bakit? Hahaha"
"Hmf!" Naiiyak na kase ako.
"Hanap ka ng mala-Rizal mu don huh, anak" sabat ni inay.
"~Uwaaah!"
"Hahaha O siya.. Kainan na."
Di ko namalayan sobra na ang luha sa mukha ko. Iyon ang mga panahon na masaya ang aming pamilya kahit mahirap ang buhay para sa amin. Bakit ba ako laging iniiwan..
Una, ang mga tunay kong magulang.
Pangalawa, sila inay at itay.
Hanggang ganito na lang ba lagi ang kapalaran ko?
"Le... Leonor?" Humarap ako dun sa tumawag sa akin. Nakita ko si Royce.
"Leonor!!" Dali dali siyang lumapit sa akin.
"Sshhhh! Tahan na.. Nandito lang ako.." Yinakap niya agad ako. Diko napigilan sarili ko. Iniyak ko lahat sa kanya..
----
Niccolo's POV
Nang makita ko ang ganung ayos ni Leonor.. Nasaktan ako. Diko alam kong panu ko ba aalisin ang sakit na nakikita ko sa mga mata niya. Yung mukha niya basang basa ng luha.
Kanina pa siguro iyak ng iyak ito. Tsk! Kung dumating sana ako ng mas maaga odi sana naagapan ko pa. Lintek na sementeryo 'to. Parang maze. Salamat na lang talaga at nakita ko ang usok. Sinundan ko yun.. At yun nga... ganito ang mararatnan ko.
"Ang sakit kase e.. Wala na sila.. ang mga taong tunay na nagmamahal sa akin, mga taong di ako huhusgahan.. Bakit ba kase ang unfair ni God.. Bakit ako dipa niya kunin."
"Every single things that happened in your life... may dahilan.. God has a purpose in everything. Di ka niya kinukuha kase alam niyang may kailangan kapang tapusin, may kailangan kapang maranasan" At may kailangan kapang mapasaya. Naramdaman kong mahigpit niya kong yinakap.
Humagulgol na siya.
"Eh bakit sila pa? Ang dami namang pwede dyan."
"Bakit hindi sila? Masyadong mabait si God kaya kinuha niya ang mga magulang mo, pag nandito sila sa lupa lahat ng uri ng sakit mararamdaman nila saka nasa heaven na sila. Ayaw mu ba yun?"
"Gusto." Medyo parang tumahan na siya. Inilayo ko siya ng bahagya sa akin. Pinunasan ko mga luha niya.
"Leonor... if you feel sad.. Heto ang balikat ko.. you can lean on it.. kahit saan.. magsabi ka lang... If you want to cry.. heto naman ang mga kamay ko, kusa itong gagalaw para punasan yan.. At kapag di mo na talaga kaya... yayakapin na lang kita ha? Gusto ko kaseng malaman mo na kahit iwan ka na ng mundo, ako... ako... hinding hindi kita iiwan."
"Sa--salamat" At niyakap niya ko ulit. Naramdaman kong di na masyado mabigat ang nararamdaman niya. Tama naman kase, I'll do everything for her, when she's in pain.. I'm suffering.. Wala eh, mahal ko talaga. Sana ako din...
mahalin niya...
----
Leonor's POV
Akalain nyo yun? Isang Niccolo Royce Ferrer pa ang makapagpapagaan ng nararamdaman ko. Siya! Siya na kung tutuusin e, stranger pa rin sa akin.
Stranger pa rin nga ba? Huh? Leonor?!!
"Nay.... Tay..." sabi niya.. Hanu? may mga magulang siya dito? talaga? Ang alam ko buhay pa ang both parents nya. Ang mama niya ay isang heiress ng malaking rancho sa Davao. Ang tatay niya naman ay may ari ng mga malls. Not just here in Philippines, but also in other countries.
Tinignan ko kung saan siya nakatingin, sa lapida nila inay at itay.
Luhh!!
"Magkapatid tayo, Royce!?!!" tinignan niya ako at pinitik ang noo.
"~Aww (>_"
"Yang isip mo kase.. minsan diko alam kung bakit ka binansagang genius."
"E bakit 'nay' ang tawag mo sa nanay ko? at 'tay' sa tatay ko?"
"Ano ba gusto mong itawag ko sa mga future parents-in-law ko.?"
"Tse!"
"You're cute when you are blushing." sabay kurot sa pisngi ko. Napa-ouch ako pero di nya nako pinansin
"Srysly, Nay... tay... ako po si Niccolo Royce.. ahm... gusto ko lang po magpaalam sa inyo na liligawan ko po ang dalaga niyo... payagan niyo o niya man ako, liligawan ko pa rin siya." napatungo ako. Ewan pero di din maalis sa isip ko kung 'bakit ba ako?'
"Di ko po siya iiwan, kahit ipagtabuyan niya pa ako, mahal ko na e.. tsaka yang pagkamamaldi--~Aray! See? Wala pa naman pong 'I Do' na nangyayari, under na under na agad ako!" I rolled my eyes. He's getting into my nerves. Kaya binatukan ko na.
"Tse! Magtigil ka! Tay wag kayo maniwala dyan.. nantitrip lang po yan"
"I never joke my feelings Leonor. I love you. I really do." Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakakita ng ganito kaseryosong tao. I mean--- nakatingin siya sa mata ko.. gusto ko magbawi ng tingin.. pero may ano sa mata niya na nanghihila sa mata ko. Siya ang nagbawi ng tingin.
"Kailan mo ba malalaman na mahal kita huh? Na ikaw lang ang babaeng pinaglaanan ko ng panahon at atensyon. Ang daya nga e... Ako mahal na mahal kana, ikaw ni katiting wala man lang pagtingin sa akin."
"Bakit kase ako? I mean--ikaw gwapo't mayaman.. kilala ka ng lahat.. maraming mga babae ang nag hahabol sayo. Samantalang ako.. Di ako maganda.. kahit ilang beses mo pang sabihin. Di ako naniniwala. di ako bagay sa'yo.. At ng mga magulang mo, mga barkada mo.. Anu na lang sasabihin nila? Na pumapatol ka sa isang 'nothing' sa isang poor?"
"DAMN THAT WEALTH LEONOR! DAMN THAT OTHERS!" tumalikod siya. Nakonsyensya ako. Ginalit ko nanaman yata? Pero agad din siyang humarap sa akin. Napakagentle na ng mukha niya.
"Sorry If I shouted. Di na mauulit."
Sa maiksing panahon na kasama ko si Royce, feeling ko gumaan ang mundo ko. First time kong naramdaman bukod kila inay at itay na may halaga pa ako sa mundo. Sa t'wing down na down ako, sa t'wing wala akong mapupuntahan.. Siya ang palaging nandyan.
Tinignan ko ang mukha niya.
Niccolo Royce Ferrer, a definition of a greek god na bumaba galing sa Mt. Olympus. Sobrang Gwapo talaga, pero di tulad sa ibang mga gwapo na inis na inis ako. Pakiramdam ko kase mas maganda pa sila sa mga babae. May ganun e, di naman sila bakla pero para talaga silang babae. Ay ewan! Basta si Royce.. Manly..
Now, why I am sounded like a fan of him? (*>.Leonor.."
"Ahmm?" _(._.)_
"Alam mo ba na ang feelings ko sayo ay parang boomerang??" Banat ba ito o anu? Diba dapat nakasmirk na siya kase babanat siya.. pero di eh, ang seryoso niya.
"Boomerang?" tanong ko.
"Oo, yung tinatapon tapos bumabalik, di kapa ba nakakakita nun?"
"Nakakita nako no!" Nakaka HB talaga 'tong kolokoy na'to, sukat ba namang tanungin ako kung nakakita nako ng ganun.
"Relax lang uyy! *ehem* So, yun.. ang feelings ko sayo ay parang boomerang.." Nagpause muna siya.. "Kase.. kase.. ahm.. whenever I try to get rid of it, sa pamamagitan ng pagtapon.. humahanap ito ng daan para lang bumalik sa nagtapon nito.. Just like my feelings.. pinilit ko namang alisin eh, pero anong magagawa ko Leonor? Si Niccolo lang ako, love ang kinakalaban ko. Paanu ako mananalo? Love is powerful.. and there is no way for you to stop me from loving you." Mahabang sabi niya sa akin.
Magsisinungaling ako kung sasabihin kong wala pa akong nararamdaman sa kanya. Sinu bang hindi kung ang isang gaya niya, prinsesa ka kung ituring. Nararamdaman ko din na unting unti nasisira ang pader na nilagay ko sa sarili ko. Madalang na din ako mag self-pity dahil nga nandyan siya na nagbuboost ng confidence ko.
Siya na nga ba ang para sa akin?
Sana Oo.
.
.
.
Dahil kagaya ngayon alam kong sakanya lang ako sasaya ng totoo.
----
A/N: Nasa stage of depression ako dahil ang update ko na pagkahaba haba sana, yung time at effort na inexert ko, nasayang lang. Di ko din nameet ang 2 chapters per week na update. Pero enjoy reading pa din.