Ilang linggo na ang nakalipas mula nang sinabi ni Jeremy sa kanya ang nangyari sa condo ni Angel. At hanggang ngayon ay hindi na siya nagpaparamdam. Medyo okay din ‘yun para sa akin dahil ang totoo niya’y naiinis ako sa ginawa niya. And I was glad that Jeremy was too honest kaya kahit alam niyang magagalit ako ay sinabi niya sa akin ang totoo. Para kay Jeremy okay na daw na magalit ako na siya ang nagsabi kaysa sa sa iba ko pa malaman. “Nako! Sinasabi ko sa’yo, Piggy. Wala talagang matinong gagawin ‘yan si Angel eh. Tingnan mo at lumabas na rin ang sungay. Diyos ko ha? Ang kapal niyang mang-akit kay Jeremy. Buti na lang talaga at good boy ‘yang si Jeremy at hindi nagpaakit sa babae na ‘yun,” nakasimangot na sabi ni Ashley nang sabihin ko sa kanya ang nangyari noong pinuntahan ni Jeremy

