“What do you mean? Isa sa mga babaeng nandoon ang bagong Angel?” “Uh-huh!” anitong tumango-tango pa. Hinawi niya ang buhok kong nakatabon sa pisngi ko at inilagay iyon sa likond ng tenga ko. “Paano ‘yan, eh baka mabulilyaso ang plano dahil nandito ka kasama ko sa kwarto? At alam mo paano mag-isip ang mga kolokoy na ‘yun. Paniguradong uulanin ka ni Alex ng tukso,” nag-aalala kong tanong. “Teka anong oras na ba?” napalingon ako sa paligid para makita maghanap ng orasan pero wala akong makita. Natatawang tiningnan lang ako ni Jeremy. Inunan niya ang kaliwang braso niya pagkatapos ay pinaglaruan ang buhok ko. “Relax, alam naman nila ang gagawin,” balewalang saad nito. Nakapalumbaba akong nakatingin kay Jeremy. “Sino doon si Angel?” kuryos kong tanong. “Si Arkie ba?” “Honestly, hindi pa n

