“Ang cute-cute naman ng baby na ito. Manang-mana sa Lolo,” nakangiting komento ni Daddy Edwin. Kanina ko pa gustong makarga ulit ang anak ko pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito mahawakan dahil wiling-wili ang mga magulang ni Piggy sa pagkarga kay Baby. Kaya ang ginawa ko na lang ay maupo sa tabi ng kama ni Piggy na hanggang ngayon ay tulog pa rin. Mukhang pagod na pagod talaga siya sa panganganak. Nakahawak lang ako sa kamay niya habang nakatingin sa magulang niyang tuwang-tuwa sa anak namin. Kanina nga ay kukunin ko sana ang panganay namin para mahawakan ko naman kahit saglit, pero iniwas ito ni Daddy Edwin sa akin. Siya daw muna dahil sa ibang bansa naman daw sila nakatira at hindi nila makakasama nang matagal ang apo nila . May mga pagkakataon naman daw ako. Napabuntong-hini

