“Ano ang sinabi mo, Jeremy?” kunot-noong tanong ni Tito Edwin. Matalim na siyang nakatingin sa akin. ‘Di gaya kanina na parang wiling-wili pa siyang nakatingin sa akin at panay tawa na para bang nagjo-joke ako. Ngayon ay parang gusto na niya akong patayin. P*cha! Ano na lang ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang binuntis ko ang unica hija nila? Abot-abot na ang kaba na nararamdaman ko lalo na nang makita kong napakapit si Tita Sara sa braso ni Tito Edwin. Mukhang pinapakalma kasi ni Tita si Tito na sobrang talim na nakatingin sa akin. “S-Si P-Piggy p-po, T-Tito…” utal-utal kong sagot. Pakiramdam ko ang buo kong katawan ay nanginginig na sa takot. At kahit takot na takot ako ay hindi ako yumuko. Sinalubong ko ang tingin nila. “Jeremy, Hijo, anong ibig mong sabihin na si Piggy

