ERIKA ROMULO'S POV
Kinabukasan na umaga ay nasa kahabaan ako ng Leveriza dahil susunduin ko si Akihiro.
Sabi raw niya kasi na red na gate at maraming flowers daw sa labas nila.
Nang makita ko nga iyon, dito na lumabas si Akihiro sa kanilang bahay.
Kaagad na napahinto ako sa harapn ng gate nila.
"Hapon na po ako uuwi!!!" Sigaw ni Akihiro sa mga nasa loob ng bahay.
Nang makita niya ako, Nagulat siya. Kaagad na lumapit siya sa akin at sabing "Bakit ka nandito???"
"Susunduin kita naman eh." Sabi ko.
"Dapat dumiretso kanang school." Sabi naman ni Akihiro.
"Ayoko nga." saad ko naman. "At saka maaga pa naman dahil naka-kandato pa ang gate."
"So, hindi na ngayon kaya pumasok na tayo." linya ni Akihiro at umalis.
Kaagad na sumunod naman ako kay Akihiro para umalis na rin papuntan School.
****
Fastforward sa Uwian!
So noong lumabas na siya ng gate, magkasama parin kaming dalawa ba parang positive t negative magnet kami na walang hiwalay.
"May pupuntahan lang ako." Sabi ni Akihiro sa akin.
"Hoy!!! Sasama ako." Sabi ko naman.
"May pera ka ba???" Tanong ni Akihiro sa akin. "Mag LRT ako at bababa sa Blumentritt, tapos sasakay ako kotse papunta Novaliches."
"Eh magkano ba pamasahero roon???" Tanong ko naman.
"Fourty pesos lang." Sabi ni Akihiro.
"Ay!!! May pera ako niyan."
"Sigurado ka???" Tanong pa ni Akihiro sa akin. "Ayokong may mag-utang sa akin."
"Oo naman!!! Ako pa ba???"
****
So nasa LRT Station kami ng Gil Puyat, nasa Ticket Booth kami ngayon.
Nilabas ni Akihiro ang kanyang Wallet habang sabing "Akin na pamasahe mo??"
"Ah Sandali lang ah.", kaagad na binuksan ang bag ko sa may bulsanan.
Pero pagbukas ko ay sampung piso nalang pala ang pera ko.
Biglang naalala ko na nasa Credit card pala yung ibang pera ko.
"Ah... Akihiro eh yung pera ko ay nasa Credit Card eh."
"So wala kang pera???" Sarcastic question ni Akihiro sa akin.
"Eh kasi malayo yung bank na iwiwithdrawan ko eh."
"Hayzzz!!! Diba sabi ko bawal nga na-"
"Pasensya na, nakalimutan ko lang kasi sabihin eh..." saad ko.
"Sige, tutal estudyante tayo eh may discount."
So, kaagad na si Aron muna ang sumagot sa pamasahe ko at sa wakas ay sumakay na rin ako sa LRT.
****
Nang bumaba na kami sa Blumentritt at nakapag-withdraw na ako ng pera sa banko ay kaagad na lumapit ako kay Akihiro.
"Akin na kinse pesos mo."
"Luh?? Singil agad???" Pagkagulat ko sa sinabi ni Akihiro sa akin.
"Iiwanan kita rito-"
"Oh!! Sige na.", binigyan ko na siya ng kinse pesos para manahimik na siya kaagad.
"So, sakay na tayo.", paalis na sana si Akihiro.
"Sandali lang, pwede kumain muna tayo sa tabi-tabi." kaagad na saad ko dahil gutom na gutom ako.
"May masasarap na pagkain roon sa Novaliches." saad naman ni Akihiro. "Kaya Erika eh sumakay na tayo."
"Eh ilan oras ba biyahe mula rito sa Blumentritt hanggang sa Novaliches???" Tanong ko.
"Mga Isang Oras lang naman." wika ni Akihiro at umalis.
Isang Oras? Gutom na gutom na talaga kaso noong panahon na iyon.
"Hoy!!! Sandali!!" Kaagad na sinundan ko si Akihiro.
May nakahanap na si Akihiro na mula Blumentritt to Novaliches Bayan na Jeep kaya sumakay na kami roon kaagad.
****
Isang oras na nakalipas ay nakarating na nga kami sa Hometown ni Akihiro which is Barangay Bagbag sa Novaliches, Quezon City.
Nasa loob kami ngayon ng dating School ni Akihiro, ang lawak at ang laki.
"This is Novaliches, Quezon City." Sabi ni Akihiro. "And this is Bagbag National High School, dating school ko rito."
Lumilingon-lingon lang ako habang kami'y naglalakad. "Ang laki..."
Mayamaya ay may taong nagtawag sa pangalan na "Akihiro...", babae siya at masyadong sexy kaysa sa akin.
Ang taba ko kasi noong panahon na iyon pero hindi yung parang refrigerator or gasul lang yung size ng katawan ko, let's say na 30-33-32 yung vital statistics ko.
Kaagad lumapit yung babae na iyon sa aming dalawa. "Musta kana?"
"Hi, Trisha."
"Ah... Who are you???" Tanong ko.
"Ako si Trisha Panderama."
"Panderama???" Pagtatakang tanong ko pa dahil Panderama rin ako.
"Bakit? Ano masama sa last name ko???"
"Ah, si Erika nga pala, classmate ko sa bagong school ko." Pinakilala naman ako ni Akihiro sa dating classmate niya.
"I'm Erika Robinnah Nichole P. Romulo." Sabi ko naman. "P means your last name."
"So, siguro malayong Pinsan kita or what." Sabi naman ng ex-classmate ni Akihiro. "Nice to meet you, Erika."
"Same to you, Trisha."
"Ay, Akihiro namiss ka na namin." Sabi pa ni Trisha.
"Anong miss kung binubully nila ako sa section natin???" Saad naman ni Akihiro. "Wala akong namiss sa inyo ni isang kaklase natin."
"Eh ako na mag-sosorry kung binubully ka nila." Sabi naman ni Trisha.
"Bumalik ka nalang sa SSG Room ninyo." Saad na naman ni Akihiro. "Huwag mo nalang paalala pa yung past days ko."
"Pero-"
"Bumalik ka nalang raw sabi ng kaklase ko." Sabi ko naman.
"Ikaw ba kausap ko?" Galit na tanong ni Trisha sa akin.
"Inulit ko lang naman ang sabi ni Akihiro ah."
"Ba't ka umeepal?"
"Anong epal ang sinasabi mo?"
"So, hinahamon mo ko, ganun?
"Kahit mag-pinsan pa tayo eh pumapatol ako sa-"
"Kahit p*kp*k pa papatulan kita."
"Anong sabi mo?"
"So, Guilty ka na p*kp*k ka?"
"Trisha, bumalik ka nalang." Pakumbabang linya naman ni Akihiro habang inaawat nila kami.
Nakatingin siya sa akin na gigil at nakakunot ang noo at umalis nalang siya palayo sa amin.
"Erika, huwag na huwag mong papatulan yun." Sabi ni Akihiro sa akin. "SSG Secretary pa naman rito si Trisha."
"Akihiro, wala akong paki kung Secretary man yan ok kahit President yan." Sabi ko naman.
"Eh kasi Erika-"
"Bakit, Akihiro? Crush mo?"
"Ano crush pinagsasabi mo? Alam mo gutom lang yan dahil nagkakaganyan ka lang kay Trisha ngayon kaya kumain nalang tayo malapit rito."
"Eh yung form one-three-seven mo?" Tanong ko.
"Sila na magdidiretso papunta sa school natin." Sagot naman ni Akihiro. "May karideryang malapit rito sa school kaya tara na."
"Si-sige na nga lang."
So, umalis nalang kaming dalawa papunta sa karideryang malapit rito para kumain muna.
****
Ilan oras na nakalipas ay nakauwi na kami ngayon sa Pasay.
Ginabihan ay natapos ko na ang assignment ko kaagad at napaisip ako na kung sulatan ko si Akihiro.
Pero dahil sa mapang-isa ako ay parang kinalibutan na ako at parang may something na ang paligid ko.
"Erika, walang multo sa paligid mo." Bulong ko sa sarili ko.
May Autophobia ako simula noong bata pa, hindi ko nga alam kung bakit eh.
Yung balak kong sulatan ng Penpal si Akihiro ay nabura nalang bigla sa isip ko dahil sa Phobia ko.
Mayamaya ay may biglang nag-ring ang telepono ko.
Nang matignan ko iyon, dito na ako mas lalong kinakabahan.
Dahan-dahan na nalalapit ko ang kaliwang kamay ko sa telephono at hinawakan ko iyon.
Dahan-dahan ko naman na nilapit ang hawak kong telephone sa tenga ko at kaagad na sabi kong "He-he-hello?"
Mayamaya ay may nakita akong anino sa sahig at parang may isang tao sa likuran ko.
"Erika Robinnah Nichole, ikaw pala iyon."
Napalaki ang mata ko nang marinig ko ang salita mula sa likuran ko.
Nang malingon ako roon ay hindi ko aakalain na siya pala iyon kaya sumigaw ako nang malakas. "AHHHHHH!!!"
Wait?! Panaginip ko lang ito ah, sanglit lang binabangungot ako!
Kaagad na gumising ako at sabay bangon sa kama ko. Pahingal-hingal naman ako habang palingon-lingon naman ako sa kung saan-saan.
"Mabuti nalang na panaginip lang iyon."
Tinignan ko ang orasan at ang kalendaryo ay mag-alas singko na pala at October 10 pala iyon.
Wait! May naalala ako sa October 10, yan yung birthday ni Akihiro.
Ang bilis ng panahon, noh? Actually eh 6 days later kasi ito pagkatapos na pumunta kaming dalawa sa Novaliches.
"Wait?! Birthday ni Akihiro ngayon. Ano gagawin ko?"
Mayamaya ay may kumakatok sa pinto. "Ekang!!!"
"Sandali lang.", kaagad na tumayo ako at kaagad nagbihis ako ng School Uniform ko.
Wala na ligo-ligo eh naligo naman ako kagabi eh.
Pagkatapos iyon ay kaagad na binuksan ko ang pinto at si Amygie pala iyon.
"Ekang, tara na?"
"Mauna ka nalang sa school." Sabi ko naman.
"Bakit? Eh naka-uniform ka naman eh."
"Amygie, basta mauna ka nalang sa school." Saad ko pa. "Kailangan ko lang ng konting something."
"Mag-cutting class ka?"
"Hindi ako mag-cutting dahil may kailangan lang ako gawin sanglit lang." Ani ko.
"Si-sige, basta pumasok ka ah.", kaagad na umalis si Amygie roon.
Kaagad naman na sinarado ang pinto at kaagad na umupo sa sofa.
Iniisip ko ngayon kung ano na gagawin ko para suprise ko siya.
Pero paaano?
****
Ilan minuto na nakalipas ay nakarating na ako sa school na mag-isa lamang, hindi ko na sinundo pa si Akihiro sa kanila.
Nang makarating na nga ako sa pila ay sinabi ni Amygie sa akin na "Pumunta ka raw sa stage, Ekang."
"Ba-bakit?"
"Hindi mo naalala na kayo ni Akihiro ang represent ngayon sa Flag Ceremony natin? Ikaw daw ang kakanta dahil maganda boses mo." Ani Amygie.
Nang masabi ni Amygie iyon ay saka ko nalang naalala iyon. "Ay! Pasenya na!"
Kaagad na ako patakbong pumunta sa backstage at pagkapunta ko roon ay nandoon na pala si Akihiro na mag-isa lang.
"Mabuti naman na dumating ka." Pagbungad ni Akihiro habang nakatalikod siya sa akin.
"Ah... Akihiro-"
"Tara na, ikaw ang kakanta ngayon while ako ang mag-orchestra ngayon.", kaagad na umakyat na si Akihiro sa stage.
Babatiin ko kasi siya na Happy Birthday eh, parang ang lungkot ni Akihiro ngayon. Ano meron?
Kaagad na umakyat nalang ako sa Stage at dito na sinimulan ang Flag ceremony.
****
Break time, kaagad na pumunta ako sa park habang dala-dala ko na ang regalo ni Akihiro.
Nilapag ko roon ang regalo na iyon sa mesa na kung saan tumatambay si Akihiro.
Kaagad na may nilagay akong isang papel naman sa ilalim ng mesa na may nakulat na PUMUNTA KA SA SEASIDE BOULEVARD MAMAYA.
Pagkatapos iyon ay kaagad na umalis ako roon, pero biglang sinalubong ko si Akihiro sa may labas ng park.
"Erika, saan ka pupunta???" Pagbungad ni Akihiro sa akin.
"Ah... eh... Pupunta ako sa library."
"Samahan nalang kaya kita sa Library, Erika?"
"Akihiro, kaya ko na mag-isa."
"Pero Erika eh may Autophobia ka, right?"
"Akihiro, maraming tao ngayon sa library." Saad ko. "Sige na, may gagawin pa ako eh."
"Si-sige.", kaagad na palihis na umalis si Akihiro sa akin at pumunta sa library.
Kaagad na pasimpleng sinundan ko si Akihiro at noong pumasok siya sa gate ng park ay kaagad na sumilip ako sa isang poste.
Nakita ko ma umupo si Akihiro sa kung saan mesa na tinatambay naming dalawa at nagulat siya sa nakita niya.
Kaagad na hinawakan yung regalo niya at nakita ko na binuksan niya iyon.
Nang mabuksan niya ay isang Jacket ang laman, kulay brown iyon at leather siya.
Napangiti ako sa nakita ko at tuwang-tuwa si Akihiro nang may taong nagregalo sa kanya, pero ako ang nagbigay niyan.
Napatingin naman si Akihiro sa ilalim ng mesa at may nadiskurbe siyang isang paper.
Binasa niya iyon at dito na niya napaisip or wait so ever.
Maya-maya ay lumingon si Akihiro sa kung saan-saan at kaagad naman nagtago ako para hindi niya ako makita.
"Isang move nalang, bestfriend.", kaagad na umalis na ako roon sa kinatatayuan pabalik sa room namin.
AKIHIRO LANDEZ' POV
CAT Time ay nasa labas na kami muna dahil tapos na kami sa test na binigay ng teacher namin.
Kaagad na umupo ako kasama si Simoune sa isang sementong upuan.
"Pare, tubig nga?" Paayaya ni Simoune sa akin.
Kaagad na kumuha siya ng bottle water at binigay niya sa akin iyon.
Kaagad na ininom ko naman ang tubig na iyon hanggang sa kalahating litro.
"Pare, may tanong ako sayo." wika ni Simoune sa akin. "Kayo na ba ni Romulo?"
"Hindi ah!" Sagot ko naman.
"Pero may gusto ka sa kanya?"
"Wala akong gusto sa p*kp*k kagaya niya."
"Grabe ka naman!" Wika kaagad ni Simoune sa sagot ko. "Eh bakit magkasama kayong dalawa ni Romulo?"
"Actually eh may Autophobia siya." Saad ko. "Eh hindi ko alam kung bakit gusto niya na ako ang kasama niya at sumasama pa siya sa akin."
"Pare, mabuti naman na hindi mo pinatulan si Romulo." Sabi ni Simoune sa akin.
"Kasi pera ang habol niya sa mga lalaki niya? Immune na ako jan."
"Kasi wala kang pera?"
"Parang ganun na nga!"
Tumawa kaming dalawa dahil doon.
"Pero may problema eh." Malungkot na saad ko.
"Ano naman yun, Akihiro?" Tanong ni Simoune.
"Eh paano kung laging mapang-isa siya? Napapaisip ko kasi na baka lalala pa yung Phobia niya."
"Ano ba plano mo?"
"Hindi ko nga alam eh!" Saad ko. "I think bestfriend nalang turin ko sa kanya."
"But it's up to you na din kung ano gagawin mo sa relationship ninyo between you and Romulo." Ani Simoune. "Basta paalala ko sa iyo na delikadong mahalin si Erika if papatulan mo nga talaga siya."
"Lagi ako mag-iingat, pare." Sabi ko naman. "Lagi ko obserbahan ang ugali niya, baka magbago pa."
Mayamaya ay may tumawag sa amin. "Landez, Crisologo."
"Yes, Sir?!", kaagad na tumayo kaming dalawa na diretso.
Kaagad na binigay ni Sir sa amin yung notebook naming dalawa kaya tinanggap namin iyon at kaagad na umalis na si Sir.
****
Hapon na araw na iyon ay kaagad na pumunta at nakarating sa Seaside Boulevard.
Nakaupo ako ngayon mag-isa sa isang upuan na semento roon habang nakatingin sa sunset.
Mayamaya ay may isang babae na nagbati sa akin. "Happy Birthday, Akihiro."
Dito ako nagtataka na may isang stranger na bumati sa akin.
Nang humarap ako sa kanya ay hindi ko aakalain na si Erika pala iyon, may bitbit siyang pagkain na galing sa isang fastfood chain.
"E-erika?!"
"Akihiro, let me explain." Wika niya at sabay ngumiti siya sa akin.
Napangiti nalang ako dahil sa lahat na hindi ko kamag-anak ay si Erika palang ang bumati sa akin.
Kaagad na tumabi siya sa akin habang nilagay niya ang mga dala niya sa pagitan naming dalawa. "Balita ko ay wala kayong handa."
"Sa linggo pa handaan namin." Saad ko habang nakatingin sa kanya. "Buti ay nag-alala ka pang maghanda sa birthday ko."
"Akihiro, gusto kung bumawi lang sa iyo." Sabi ni Erika.
"What do you mean?"
"Akihiro, nandiyan ka parati sa tabi ko." Ani Erika. "At saka alam ko ang kalagayan mo noong bata ka pa."
Ngumiti ako sa kanya habang tumutulo na ang mga luha ko.
Napansin ni Erika iyon kaya sabi niya na "Umiiyak ka, noh?"
"Hi-hindi ah!", kaagad na pinunas ko ang mga luha ko.
"Alam mo, kumain nalang kaya tayo.", kaagad na kumuha si Erika ng isang Spaghetti Plater na may lamang pagkain at binigay niya iyon sa akin.
"Sige na nga!" Kaagad naman na tinanggap ko iyon. "Pero salamat ah."
"Walang anuman yun, Akihiro."
So kumain na kaming dalawa habang inaabangan namin ang sunset or takip-silim.
Hindi ko aakalain na isang p*kp*k pala ang magbabati at magpapahanda sa birthday ko. May mabuting kalooban rin pala si Erika kahit papaano.