Chapter 25 Jopay's POV NAGISING NALANG AKO NANG MAKITA KO ANG AKING SARILI NA NAKA-HIGA SA ISANG KAMA, AT ANG PALIGID AY PUTING PINTA. Ibinaling ko ang aking ulo sa kanan, at doon ko nakita si nanay na tulog sa mahabang sofa. Ang huli kong natatandaan ay humandusay ako sa sahig dahil sa pagsikmura sa akin ni Erwan. Akma na sana akong babangon ng bumukas ang pinto, at iniluwal si Livi kasama ang buong pamilya nito. Dahil hindi nila alam na gising ako, nagpanggap ako na tulog parin. "Livi hijo," boses ni nanay ang una kong narinig. "Magandang gabi sa inyo." Bati nito sa pamilya ni Livi. "Ikaw ang ina ni Gemmalyn?" Si Seniora. "Kumusta na po ang kalagayan niya?" Ang bait niya talaga. Hindi ko narinig ang pagsagot ni nanay. Bakit kaya? "Mamang, as the doctor said, napuruhan talaga siya

