Chapter 1

1815 Words
Chapter 1 Jopay's POV "Pasok ka Miss" Salita ng babaeng makapal ang make up. Dinaig niya pa ata ang may palabas sa circus—sa subrang kapal ng pustura sa mukha. Pagkasabi niya ay 'agad naman ako sumunod. Hindi ko nalang pinansin ang mukha niya bagkus masisira lang talaga ang mood ko kapag tinitigan ko pa siya ng husto. "Sit down," naupo naman ako sa silyang minuwestra niya sa harapan ng isang table sa gitna ng kwarto "Paki-hintay nalang si boss." Salita niya ulit at saka niya ako iniwan ng makalabas na siya. Ang buong akala ko ay siya na ang mag iinterview sa akin. Langyang Duke na 'yon! Ang usapan, siya magfo-forward ng application form ko dito. 'Yon pala ako pa rin. Asar! Kinakabahan tuloy ako. Unang beses ko kasing humarap sa malalaking boss. Kagaya ngayon. Napa-buntong hininga nalang ako at iginala ang mata sa loob ng malawak na opisina. Opisina ba talaga 'to? E, parang bahay na kasi namin 'to, e. May kusina pa talaga? May kasilyas pa at saka may isang kwarto. Hanep! Dito nalang kaya ako titira? "Ehem!" Gulat akong napatayo ng lumabas ang isang lalaki sa kwartong hindi ko masabi kung may daan ba doon palabas ng opisina niya. "G-good morning," nauutal pa ako at parang ayaw ko pang magsalita. Kilala ko siya sa mukha pero hindi ko kilala sa pangalan. Nakakainis lang kasi hindi maayos ang pagkaka-suot ng long sleves niya. Naka-unbotton pa ang limang butones nito at hindi pa ayos ang kurbata. Siya ba talaga ang boss dito? Bakit ang gulo niyang tingnan? Saka, ba't may cleavage? May mga pandesal rin na naka-balandra sa tiyan niya. Bigla akong ginutom. Naalala ko, hindi pa pala ako nag almusal dahil sa maagang tumawag sa akin si Duke. Hayop talaga 'yon. Dapat libre niya ako mamaya, kasama si bff Mars. "Until you have seen me?" Napa-upo ako ng maayos ng mapansin niyang tinititigan ko siya. Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Hanggang kailan mo rin babasahin 'yang application form ko?" Umangat ang mukha niya at naniningkit ang mga matang naka-titig sa akin. Umiwas ako ng tingin upang mabawasan ang biglaang pagka-kaba. "Your name?" tanong gamit ang malamig na boses. "G-gemmalyn," nauutal pa ako dahil bigla akong nakaramdam ng tensyon sa pagitan namin. Ang tanga ko lang kasi, dahil binara ko siya. "Your complete name," Naiinis na ako sa kanya, sa totoong usapan. Sa isip ko, pinag hahampas ko na siya ng bag pack ko. "Look forward to me," utos pa niya at dahan dahan naman akong bumalik sa pwesto ko. Nang humarap na ako sa kanya. Nilapag niya ang folder na hawak hawak nito. "Trabaho ang gusto mo, hindi ba?" Tumango ako. "P-part time job lang s-sana. H-hindi ko naman a-alam na full time job pala dito. H-hindi namam kasi a-ako ni orient ng kakilala k-ko." Hindi ko talaga maiwasan ang hindi mailang. Paano naman kasi ang sakit niya kung tumitig. Daig pa sa huhubaran ka ng damit, parang kahit anong oras manununggab siya. Ugh! Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair at humakbang patungo sa kinauupuan ko. Napa-angat ang tingin ko nang makita kong namewang ito sa aking harapan. "Stand up," may awtoridad na utos niya— na akin namang sinunod. "B-bakit?" Sunod sunod ang paglunok ko ng isang pulgada lang ang lapit namin. Buti nalang may mesa sa tabi ko at doon ako nakahawak nang kamuntik na akong mawalan ng balanse dahil sa sobrang lapit namin. At kapag bumitaw ako sa pagkakakapit sa mesa ay siguradong mabubuwal ako. "Tumayo ka nga ng matuwid!" "Paano naman ako makakatayo ng tuwid kung sobrang lapit mo?" Naka-busangot kong sabi sa kanya. Hindi siya nagsalita bagkus nagulat nalang ako ng sinapo niya ng mahigpit ang bewang ko at nilapit sa katawan niya. Pakshit! Ang bango ng lalaking 'to! Ngayon, langhap na langhap ko na siya. Ang ibig kong sabihin. Amoy ko na ang mabango niyang hininga at ang pabango niya Anong brand kaya ng toothpaste ang gamit niya, at ganun nalang ka-bango ang hininga niya? Tss... Bibili rin ako 'no! "Ayos na?" Diretso ang nanlilisik na mga mata sa akin. "May reklamu ka pa ba? Jopay?" Napa-lunok ako ng sunod sunod. "H-hindi naman a-ako si Jo-jopay, eh!" Napa-kapit ako ng mahigpit sa magkabilaang braso niya nang mas humigpit pa ang pagkakahawak niya sa bewang ko. Ano bang eksinang gagawin ng lalaking 'to sa'kin? "Tss... Liar go to heaven," aniya na may nakakalokong ngiti. Mali naman ata ang kasabihan niya. Ang tama doon ay, Liar go to hell. Ganun! "L-lumayo ka nga!" Tulak ko. Pero nabigo lang ako sa aking ginawa. "Kung iniisip mong tinakasan kita no'ng gabing iyon dahil hindi hindi ako nakapag-pasalamat. E, di... salamat sa pagligtas mo sa'kin noon." Napa-labi akong nakipag titigan sa kanya. "O-okay na?" Ilang segundo rin ang katahimikan sa pagitan namin ng magsalita siya. "Tanggap ka na," Agad niya akong pinakawalan sa mga bisig niya. Naka-hinga ako ng maluwag at pinunasan ng sariling kamay ang namamawis na noo dahil sa kaba na rin. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makabalik ito sa silya niya. "Iyon lang? I mean, hindi mo man lang ako tatanungin?" "Why would I? Ayaw mo no'n? Pangalan mo lang gusto kong malaman." Napairap ako sa kayabangan niya. May hangin rin pala sa ulo ang lalaking 'to. Nagkibit ako ng balikat. "Okay! Salamat." Tumango siya at saka sumandal sa likod ng swivel chair nito. Naka-salikop ang nga daliri at tinatantya ang bawat tingin ko sa kanya. "Aalis na ako kung wala ka ng itatanong sa akin." Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Akma na sana akong hahakbang patungong pintuan ng nilingon ko siya ulit. "K-kelan pa ako magsisimula?" Napa labi kong tanong. "Today." Nanlaki ang mga mata ko sa sagot niya. Seryoso? Ngayon? "Nagbibiro ka naman siguro-," Naputol ang sasabihin ko ng magsalita siya. "Nagtatanong ka, sinagot ko ng maayos." Agad siyang tumayo at humakbang papalapit sa kinatatayuan ko. "Tapos ngayon, sabihin mo, nagbibiro ako? Sinong ang mas matino sa ating dalawa? Ako o ikaw?" Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung tama bang kausapin ko siya ng ganito. Magsasalita pa sana ako ng maunahan niya na naman ako. "Get started now at your job as my personal housekeeper." "Ano?!" "Will I repeat? Jopay?" Kingina! Pinanindigan niya talaga ang pangalang Jopay. "Hindi nga Jopay ang pangalan ko!" "I don't care. Now your first job is..." Kumunot ang noo ko ng huminto siya sa pagsasalita ng ilang segundo. Mayamaya lang ay ipinag patuloy niya ito. "Paki botunes ng polo at paki zipper ng pants ko." Anong kabalbalan ba ang gusto ng lalaking 'to? "Adik ka ba? O tumira ka ng katol at joy?" "What?! Kung adik ako, praning ka naman! Susundin mo ba ang utos ko o ipapa-kaladkad kita palabas sa building na ito? Jopay---" "Gemmalyn! Putek!" He glare. "Whatever! Do your job with me!" Hinawakan niya ako sa leeg. "I am your boss." Mariin niyang sabi at saka niya ako hinila upang magkalapit ang aming mga labi. Ang buong akala ko at susunggaban niya talaga ako, pero dumikit lang ang mga labi namin. Ang mga mata niya ay puno ng inis sa akin at may kung anong pagnanasa. Ang maiinit niyang hininga ay nananatiling dumadampi sa aking labi. "Now. Do your job." Salubong na ang mga kilay nito. Bago pa niya ako pinakawalan ay binigyan niya ako ng isang mapusok na halik. Ni hindi ko magawang pumalag man lang dahil mayamaya ay sinipsip niya ng mariin ang ibaba ng labi ko. "Ahh!" Doon ko nalang siya naitulak palayo at napahawak sa aking labi. Pakiramdam ko nakunan ako ng dugo dahil doon. Sinamaan ko siya ng tingin, subalit parang wala lang sa kanya ang ginawa nito. Brutal kang adik ka! "Sadista!" bulyaw ko. "Ayaw ko ng mag trabaho kung ikaw lang naman ang magiging amo ko!" Inis ko siya tinalikuran at binalibag ang pintuan palabas ng opisina niya. Wala akong pakialam kung magalit man siya sa akin! Mas masakit ang ginawa niya sa akin. Labi ko pa talaga ang napag tripan niya! "Ulol! Adik! Aay!!" Napatili ako ng malakas ng bigla nalang may bumuhat sa akin mula sa likuran. Alam kong siya ito dahil sa pabangong n'yang nakakalaglag ng bra. Putek na lalaking 'to! "Ibaba mo nga ako!" Bulyaw ko sa kanya, kahit alam kong hindi niya ako papansinin. Bumalik kami sa loob ng silid kung saan kami galing at walang sabing pabagsak niya akong ibinaba sa malambot na sofa. Buti nalang at malambot. Ang sakit sa pwet pa rin ang pagkaka-bagsak ko. Tangina talaga! Humarap siya sa akin na salubong ang makakapal na kilay at ang mga matang nanlilisik ng galit sa akin. "Ano ba kasing kailangan mo!?" "Ipagtimpla mo ako ng kape," Ano! 'Yun lang? Tumaas ang gilid ng labi ko at sinalubong ko ang mga titig niya sa akin. Kalaunan ay ako parin ang sumuko. Trip niya ata akong asarin? O sadyang nananadya talaga? Nagkatitigan pa kami. Hindi ko alam kung tama ba talaga 'tong pinasok ko. Umiwas na nga ako sa gulo doon sa bar na pinagta-trabahuhan ko, ngayon may panibago na naman. "Ano? Ipagtitimpla mo ba ako o gagawin mo 'yong unang utos ko sa'yo?" "Wala akong susunduin sa mga utos mo! Uuwi nalang ako sa amin at matulog—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang nilapit ang sarili nito sa akin. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat at hindi ko lubos maisip na gagawin niya iyon. Nakaupo ako sa sofa habang siya naman ay nasa harapan ko at ang mukha ko ay nasa puson niya. Marahan kong inaangat ang mukha ko nang sa ganun ay hindi ako maka-gawa ng maling kilos. Roon ko lang nakita ang eksprsyon ng mukha niya. Galit. Maliit ang pasensya ang lalaking 'to. Sarap betlogin nang sa gayun ay 'di na magka-anak subalit, naisip kong sayang ang gandang lahi niya kung gagawin ko iyon. "Pucha naman!" mahina kong mura. Nasa harapan ko na siya, hindi pa ayos ang butones ng longsleeve niya at ang zipper ng slack nito. "Lumayo ka nga," utos ko. Tinulak ko siya kunti para mabigyan ng espasyo ang pagitan namin. Ayaw niya lang talagang magtimpla ako ng kape, mas mag e-enjoy pa ata siyang gawin ko 'yong una niyang utos. Tutal nasa harapan ko na siya at naghihintay na gawin ang nang trabahong utos niya napa-lunok ako. Tulog naman kaya ayos lang. Maingat kong hinawakan ang zipper roon at akma na sanang isasara nang biglang may pumasok na lalaki. Napa-hinto ako subalit hawak ko pa rin ang zipper na iyon nang bumaling ako sa kanya. "Porn!" aniya ng isang lalaking matangkad, maputi at asul ang mata. Nagulat man sa unang kita nabawi din iyon nang makita ang reaksyon ko. Naka-ngiti siya sakin at pagkatapos bumaling din siya kay sa lalaking nasa harapan ko. "Aga-aga porn nakikita ko!" sambit niya at tuluyang isinara ang pintuan nang tuluyang makapasok. Talaga lang ha?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD