Kanina pa nakatayo si Jewel, sa pinto ng kwarto ng anak ng amo niya pero hindi pa rin siya binubuksan nito. Ngawit na ang kamay niya sa malaking tray na hawak dahil naglalaman pa iyon ng isang pitsel na dalandan juice. Isang malaking mangkok ng umuusok pang noodle soup.
"Sir,Elijah, I'll open the door huh,"tawag niya mula sa labas sabay pihit ng pinto.But Her eyes get widened when She saw Her twenty three year old boss lying in His bed wearing nothing.Kahit kumot yata ay nakalimutan nitong itakip sa sariling kahubdan. He was drunk last night when He got home late,alam niya iyon dahil siya ang nagbukas dito ng pinto kagabi.
"Ama namin! Papa Jesus, Mama mary, wala po akong nakita. "She silently prayed. Ang kaliwang mata niya ay nakapikit ngunit ang kanan naman'y bahagyang nakabukas. Tulog pa ito kaya nakaramdam siya ng ginhawa dahil hindi siya nito nakitang pumasok sa silid.Mula sa pinto ay humugot siya ng napaka lalim na buntong hininga at deretso ang mata sa unahan. Mahigpit din ang hawak niya sa dalang tray. Tinungo niya ang malaking table sa gilid ng kama at buong ingat na nilapag doon ang tray ng pagkain.
"Salamat naman at hindi pa rin siya nagigising."pipi niyang panalangin.
"Bakit ba kase ako pumasok. Ang laki pala.. "mahinang usal niya ng siya'y pabalik na sa pinto para lumabas. Ngunit siya namang ikinalaki ng kanyang mga mata ng masulyapang nagmulat ng mata ang amo. Nagkatinginan silang dalawa.Hindi niya alam ang gagawin. Napalunok siya sa kaba at takot habang hindi nakatingin sa inaantok pa nitong mga mata. Nagkusot pa ito mata ng mapansing may tao at ng matauhan ay nalipat ang atensyon nito sa sarili.
Nang marealise kung anong kalagayan ay napamura ito. "s**t! "mabilis nitong hinablot ang kumot sa kanyang tabi at pinagtakip iyon sa sarili. Siya naman ay pinagpawisan ng malamig at patakbong lumabas.Sa kabila ng kaba ay nagawa niya pa rin isara ang pinto ng maingat.
"Patay ako nito. Patay na." mahinang usal niya habang nanginginig na bumaba ng hagdanan.
"Oh, Jewel, bakit parang namumutla at pinagpapawisan ka? masama ba pakiramdam mo? "tanong ng ate Mia, niya ng makarating siya sa kusina. Nanghihina siyang naupo sa bangko at nagsalin ng tubig na naroon lang sa lamesa. Inubos niyang tunggain ang isang malamig na tubig na sinalin.
Pinakalma ang sarili at huminga ng malalim. "Ate,baka ito na ang huling araw ko dito sa mansyon. "mangiyak-ngiyak niya ditong pahayag. Kumunot ang noo ng kasama sa kanyang sinabi.
"Bakit mo naman nasabi yan,may problema ba? " nag-aalala nitong tanong sa kanya.
"Napakalaki ate, sobrang laki."
"Anong napakalaki?Ikaw ha,pinapakaba mo ako. "sagot naman nito sa kanya.
Napahilamos siya sa mukha.Hindi niya alam kung paano niya sasabihin dito ang nangyari sa itaas.
"Huy, magsalita ka nga bata ka! anong nangyari sayo?"ulit pa nito ng hindi siya nakasagot.
"Ate,napakalaki ni.. ni Sir Eli,hindi ko kaya ate. Hindi ko naman sinasadya. Hindi talaga."umiiyak na niyang pagtatapat dito. Nanlaki ang mata ng kasama niya sa kanyang sinabi. Napaupo ito sa kaniyang tabi.
"Ano ulit ang sinabi mo? Malaki, si Sir, Eli? Saka di mo kinaya? May nagyari sa inyo? "halos lumuwa ang matang tanong nito. Nanghihina siyang napailing.
Nagpunas ng luha.
"Ate, hindi.Walang nangyari. Ang ibig...ang ibig ko pong sabihin ay, nakita ko po si Sir Elijah, na walang kahit na anong suot sa kwarto niya. Hindi ko po alam na yon ang maaabutan ko ate. Hindi kase siya sumasagot sa katok at tawag ko kaya ang akala ko sa banyo siya. Kaya nagpasya akong pumasok at ilapag nalang yon pagkain niya. Hindi ko naman po inaasahan na natutulog pa pala siya at ganun ang eksena. Ate, ayoko pong mawalan ng trabaho. Ano pong gagawin ko, malaman na galit sa akin yon at baka magsumbong pa kay Ma'am, Rowena." napuno siya ng pag aalala. Paniguradong magsusumbong ang batang amo sa mga magulang nito. Ugali pa naman nito ang magsumbong sa magulang kahit sa mga simpleng bagay lang na nangyayari sa loob ng bahay. Kaya nga tinatawag nila itong Leon, dahil akala mo tahimik at mabait, yon pala ay napaka mapanganib.
Apat silang katulong sa malaking mansyon ng pamilya Benedicto.Apat na buwan palang siyang namamasukan dito sa tulong nang ate Mia,niya na nakilala niya sa isang parke sa dito sa Manila.Galing pa siyang Pampanga,ng araw ding iyon at walang kakilala at pamilya dito sa Maynila. Naawa sa kanya si Mia, kaya dinala siya nito sa pinapasukan nitong trabaho. Tama din kaseng naghahanap sila ng isang katulong dahil umalis daw ang isang katulong nila. At ang dahilan ay ang hindi ma-spelling na ugali raw ng batang amo nila na tinaguriang Leon ng pamilya.
Naramdaman niya ang pag-akbay sa kanya ni Mia.dese sais anyos siya, samantalang si Mia, naman ay trenta y dos na. Ngunit sa kabila ng malaking agwat ng edad sa pagitan nila ay magkasundo at nagkakaunawaan silang dalawa.Feeling nga niya para na rin nagma-matured siya dahil dito. At iyon ang gusto niya. Ang matuto siya sa buhay habang may panahon pa siyang gawin ang mga dapat at kailangan niyang gawin.
"Mahirap nga yan Je', lalo pa't ugaling Leon, ang nadali mo." napa tskk ito.Lalo siyang nag-aalala para sa sarili niya.
" Basta, ito lang masasabi ko sayo.Humanda ka nalang sa maaring mangyari. Hindi naman siguro bakla si Elijah, para magsumbong sa nanay na pinasok mo siya sa kwarto niya sa ganoong eksena.Dapat nga proud pa siya dahil nakita ang junior niya ng isang katulad mong fresh at dyosa."
"Ate,naman. eh," umiiyak na siya't lahat pero nagawa pa nitong magbiro sa harapan niya.
"Totoo namang maganda ka.Makinis at maputi.Sayang nga lang at kinulang ka sa height, kung tumangkad ka pa. Luluhod na talaga ang mga tala sayo Inday." She has a beauty. Yan ang kadalasang sinasabi sa kanya ng mga taong nakakasalamuha. Sayang nga lang daw dahil hindi siya katangkaran. five feet lang kase ang kinaya ng height niya.
"Kahit pa sabihin nating may dugong pinoy siya.Doon siya lumaki at nagkaisip sa Germany, dapat pa nga open minded siya at hindi na isipin pa yon nangayri."muli pang sinabi sa kanya ni Mia.
"Sana nga ate, pero paano po kung hindi ganon ang mangyari ate? paano po kung bigla nalang ako paalisin?" saan siya pupulutin kapag nangyari yon? Hindi pa siya handang harapin ang kanyang pamilya. Wala pa siyang kayang ipagmalaki sa mga magulang niya.
"Hindi yan,back up kita. "pampalakas loob nito.Niyakap niya ito para pasalamatan. Ngunit mabilis din siyang bumitaw ng makitang pumasok si Elijah,sa kusina dala ang umiigting nitong panga.
"Jenny, the orange juice you bring upstairs got spilled on the floor. Can you go up and mop it?!" mapanganib na utos nito. Hindi na niya inisip pa ang maling banggit nito ng pangalan niya.Ang mata nitong nag-aapoy sa galit at ang panga nitong umiigting ang inaalala niya.
"Faster! I don't want to see some ants roaming in my room. It should be cleaned now.Or else,I'll tell mommy, that you are not cleaning properly. " he said at bago pa ito tumalikod at bumalik sa loob ay pinukol pa siya nito ng nakakamatay na tingin.
"Go up daw Je', goodluck!" napamulagat naman siya ng marinig ang boses ng ate Mia, niya hindi niya napansin na wala na pala ang batang amo sa kusina.
Good luck to me talaga!
"Sana naman makatulog nalang ng mahimbing ang Leon."mahinang usal niya habang kumukuha ng tuyong basahan para gawing pamunas.
(Some parts of this book is based on a true story.)
Hope you liked it!