-------- ***Third Person’s POV*** - Nakuyom ni Aiden ang kamao nang mabasa niya ang lumalabas na imbestigasyon mula sa binayaran niyang private investigator tungkol sa naging buhay ni David habang nasa ibang bansa ito matapos ang diumano’y pagkaka-coma at pagkaka-confine sa ospital. Ayon sa ulat, ipinagamot ito ng mga magulang nito sa New York. Sa unang tingin, wala namang kaduda-duda sa naging buhay nito roon — nag-aral, nagsipag, hanggang sa maging doktor. Ngunit may isang bagay na hindi kapani-paniwala — ang katotohanang hindi naman pala totoong na-coma si David. Lumabas sa imbestigasyon na ilang linggo lang matapos itong dalhin ng mga magulang sa New York, nakalabas na agad ito ng ospital — imposible para sa isang taong nasa coma. Ayon sa record mula sa ospital dito sa Pilipinas,

