Sino?

1881 Words

------ ***Zariyah’s POV*** - Mabigat pa rin ang talukap ng aking mga mata, ngunit alam kong kailangan ko nang magising. Ramdam ko ang sakit at bigat ng aking katawan, lalo na sa pinakamaselang bahagi nito. Para bang inuubos ang lahat ng lakas ko, kaya’t gusto ko na lamang manatiling nakahiga sa buong maghapon. Subalit alam kong hindi ko dapat hayaang manaig ang katamaran at panghihina na bumabalot sa akin ngayon. Hindi ko rin mapigilan ang biglaang lungkot nang mapansin kong wala na si Aiden sa tabi ko pagbangon ko mula sa kama. Kagabi pa naman, pinangarap kong maranasan kung ano ang pakiramdam na magising na siya ang unang makikita ko. Ngunit hindi iyon nangyari. Napakunot ang noo ko, at kusa na lamang pumasok sa isip ko ang tanong—nasaan kaya si Aiden? At higit sa lahat, magkasama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD