-------- ***Zariyah’s POV*** - Agad kong inayos ang sarili ko pagkatapos kong magsuka rito sa loob ng banyo. Kaninang umaga pa ako ganito—hindi mapakali, nahihilo, at paulit-ulit ang pagsusuka. Buong akala ko, mawawala rin ito agad kapag nakapagpahinga ako nang kaunti. Hindi ko talaga alam kung ano ang dahilan ng biglaang pagsusuka ko. Wala naman akong naaalalang kinain na maaaring nakasama sa tiyan ko, at wala rin naman akong nararamdaman na kakaiba nitong mga nakaraang araw. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko at nang maramdaman kong medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko, lumabas na ako ng banyo. Naabutan ko si Mila na nakaupo sa swivel chair niya, nakasandal at may kunot sa noo habang nakatingin sa akin. Kita sa mga mata niya ang halong pag-aalala at pagtataka. Nandito kasi ako nga

