------- ***Zariyah’s POV*** - Pinagalitan pa ako dahil sa nabasag kong baso. At dahil doon, sinabi nila na kalahati na lang ang matatanggap kong sahod ngayong gabi. Hindi ko naman talaga inaasahan na may matatanggap pa ako, kaya tinanggap ko na lang iyon nang walang reklamo. Pero sa loob-loob ko, isa na namang sugat ang idinagdag sa araw na ito. Lumipas ang mga oras. Ramdam ko na ang bigat ng antok at pagod. Wala na ring tao sa paligid, maliban na lang sa amin nina Aiden at Liezel. Hindi ako makaalis dahil sinabi ni Aiden na kailangan niya ako rito—baka raw may ipag-utos siya. Kaya narito ako, mag-isa, nakaupo sa malamig na sofa, binabagot, at pilit nilalabanan ang pag-idlip. Ngunit ang mga mata ko, paulit-ulit na napapako sa pinto ng kwartong iyon. Ang kwarto na sabay na pumasok sina

