Ang gustong kapalit!

1918 Words
------- ***Zariyah’s POV*** - Hindi ko mapigilan ang mapaluha habang napaupo ako sa waiting shed. Sobrang mabigat ang pakiramdam ko. Nahihirapan akong dalhin ito sa loob kaya napaiyak na lang ako. Ano na ang mangyayari sa akin ngayon? Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lamang akong pinatawag ni Mrs. Sandoval, siya ang may hawak at nangangasiwa sa lahat ng mga scholar ng mga Montreal. At pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng langit at lupa nang marinig ko ang sinabi niya sa akin. Tinanggal daw ako bilang scholar ng mga Montreal. Hindi ko alam kung ano ang dahilan, at kahit anong pilit ko ay ayaw niyang sabihin. Ang tanging sinabi niya ay hindi na raw ako karapat-dapat na manatili bilang isa sa mga scholar nila. Ang sakit! Sobra akong nasaktan sa nalaman. Pinaghirapan kong makuha ito pero nawala lang sa akin sa isang iglap na hindi ko man lang alam ang dahilan. Ano na ang gagawin ko ngayon? Bakit sunod-sunod ang dumarating na problema sa akin? Bakit pakiramdam ko ay unti-unti akong dinudurog? Maya-maya, narinig kong tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha mula sa bag ko, umaasang baka isang mahalagang tawag iyon. Pagtingin ko sa screen, pangalan ni Sharon ang nabasa ko. May maliit itong tindahan sa palengke, hindi kalayuan sa kung saan nagtitinda ng isda si lola. Dali-dali kong sinagot ang tawag, baka emergency. At halos mabingi ako sa kaba at takot nang marinig ang sinabi ni Sharon. Nahihirapan daw huminga ang lola ko, nawalan daw ito ng malay, at agad itong dinala sa ospital. Pagkatapos ibigay ni Sharon sa akin ang pangalan ng ospital, agad kong tinapos ang tawag. Pumara agad ako ng jeep na dadaan sa ospital kung saan dinala ang lola ko. Mainit ang panahon, at lalo pang nadagdagan ang hirap ko dahil hindi pa ako nakakakain ng tanghalian. Ramdam ko ang pagkahilo at panghihina ng katawan ko. Idagdag pa ang sikip at init sa loob ng jeep, halos walang hangin na pumapasok, puno kasi ng tao at napakabagal pa ng usad ng trapiko. Kinuha ko ang bote ng tubig sa loob ng aking bag at agad akong uminom; kailangan ko iyon para hindi ako tuluyang ma-dehydrate. At halos mapaiyak ako nang makita ko ang isang pakete ng SkyFlakes na binili ko pa noong isang araw. Tamang-tama ito para kahit paano’y maibsan ang gutom na aking nararamdaman. Agad ko itong binuksan at kinain bago pa tuluyang manghina ang aking katawan. Habang nginunguya ko ang bawat piraso, hindi ko napigilan ang sunod-sunod na pagtulo ng aking mga luha. Para bang ang bigat ng lahat ng nangyayari ay sabay-sabay bumagsak sa balikat ko. Pakiramdam ko ay sobra akong kaawa-awa. Talagang naaawa ako sa sarili ko. Pagkatapos ng halos 30 minutes nakarating na rin ako sa ospital. Agad kong hinanap kung nasaan ang lola ko. Si Aling Eden, ina ni Sharon ang kasalukuyan nagbabantay sa lola ko. Mas lalo pang bumigat ang pakiramdam ko nang makita ko si lola na nakaratay sa ICU. Mahina at walang malay, nakakabit sa kanya ang iba’t ibang tubo at makina na siyang nagbabantay sa kanyang paghinga at t*bok ng puso. Hindi ko na mapigilan ang luha ko habang nakatingin sa kanya. Lumapit sa akin ang doktor na sumuri kay lola. Kita ko sa kanyang mukha ang seryosong ekspresyon na parang may mabigat siyang sasabihin. “Ija,” panimula niya, “malaki ang problema sa puso ng lola mo. Base sa resulta ng mga pagsusuri, nagkaroon siya ng congestive heart failure at mahina na ang pumping ng kanyang puso. May bara rin sa isa sa pangunahing ugat ng puso niya kaya hindi dumadaloy ng maayos ang dugo. Kailangan talaga siyang maoperahan.” Parang napako ako sa kinatatayuan ko. “Operahan, Doc?” halos pabulong kong tanong, nanginginig ang boses ko. Tumango ang doktor. “Oo. Kailangan niya ng coronary artery bypass surgery o katulad na procedure para matanggal ang bara. Ang problema, limitado ang kagamitan dito sa ospital na ito dahil public hospital tayo. Wala kaming kumpletong pasilidad para sa ganitong klase ng operasyon. Kailangan natin siyang mailipat agad sa mas malaking ospital na may kumpletong kagamitan at cardiac surgery team. Kung hindi, lalong lalaki ang panganib.” Pinilit kong unawain ang lahat, pero tila sabay-sabay na bumagsak sa akin ang bawat salitang kanyang sinabi. Napalunok ako, nanlalamig ang buong katawan. “Doc, pero… hindi pa siya gising. Ano ang lagay niya ngayon?” Huminga nang malalim ang doktor bago sumagot. “Nasa critical but stable condition siya sa ngayon. Nasa ilalim siya ng mahigpit na pagmamanman dito sa ICU. Hindi pa siya nagigising dahil humina ang daloy ng dugo sa utak nang mawalan siya ng malay kanina. Pero stable naman ang vital signs niya dahil tinutulungan siya ng mga makina. Ang pinakamahalaga ngayon ay makapaghanda tayo para mailipat siya sa ospital na may kakayahang magsagawa ng agarang operasyon.” Parang gumuho ang mundo ko. Napahawak ako sa dibdib ko, pilit pinipigilan ang panibagong pag-agos ng mga luha ko. Kailangang ma- operahan ang lola ko. Hindi ko kayang mawalan na naman ng mahal sa buhay lalo na ang lola ko na siyang kasama ko mula pa noon nagkamalay ako sa mundo. Hinang-hina ako pagkatapos naming mag-usap ng doktor. Para bang naubos ang lakas ko sa bigat ng mga salitang narinig ko. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ganoong kalaking halaga para sa operasyon ng lola ko. Meron akong kaunting ipon, ngunit alam kong sobrang kulang nito—baka sapat lang iyon para sa confinement at ilang araw na gamot, pero hindi kailanman para sa isang napakamahal na operasyon. Saan ako hihingi ng tulong? Sino pa ba ang maaasahan ko? Wala na akong ibang malalapitan. Umalis na si Dr. Mendoza papunta sa ibang bansa, at para bang tuluyan na akong naiwan sa kawalan. Pakiramdam ko, nag-iisa na lang talaga ako. Ngunit bigla, may pumasok sa isip ko—isang tao. Hindi ko alam kung magiging bukas ba siyang tulungan ako, lalo na’t alam kong may galit siya sa akin. Pero bahala na. Kailangan kong subukan. Umaasa ako na kahit papaano, may natitira pa ring awa sa puso niya, hindi para sa akin kundi para sa lola ko. Naging malapit din naman siya kay lola. At kung sakaling pumayag siya, ipapangako ko na babayaran ko siya paunti-unti. Kahit mahirap, kakayanin ko. Handa na akong tumigil sa pag-aaral kung kinakailangan, dahil hindi ko na rin naman kayang tustusan ang tuition. Magtatrabaho na lang ako, kahit anong trabaho, basta mabayaran ko ang utang ko at mailigtas ang buhay ng lola ko. Dahan-dahan akong tumayo, pinipilit buuin ang lakas ng loob ko. Nanginginig ang tuhod ko, at para bang kinu- consume ako ng hiya at takot, ngunit wala na akong ibang pagpipilian. Isa lang ang natitira sa isip ko—ang humingi ng tulong sa nag-iisang taong iyon. At bago ko pa mapigil ang sarili ko, natagpuan ko na lang ang mga paa kong naglalakad, papunta sa direksyon kung saan naroon ang lalaking iyon. “What are you doing here?” agad na tanong ni Aiden nang pagbuksan niya ako ng pinto. Ramdam ko ang malamig na tinig niya at ang bigat ng kanyang mga mata na tila ba nakakatagos sa kaluluwa ko. Naglakas-loob akong puntahan siya upang humingi ng tulong. “Aiden… ano…” halos mabura ang mga salita sa isip ko, parang biglang umurong ang dila ko dahil sa matalim niyang titig. Kanina pa ako naghanda sa kung paano ko sasabihin sa kanya, paulit-ulit ko iyong inensayo sa isip ko, ngunit ngayong nasa harap ko na siya, tila nawala lahat ng iyon. “Nandito ka ba dahil nawala sa’yo ang scholarship mo?” malamig niyang tanong, ngunit ang kanyang mga mata ay halos nanlilisik na parang tuwirang hinuhusgahan ako. Napatigil ako at napanganga sa kanyang sinabi. Paano niya nalaman? Dahil ba isa rin siyang Montreal? “Alam mo?” mahina at halos nanginginig kong tanong. Hindi siya sumagot. Imbes ay isang mapanuyang smirk lamang ang gumuhit sa kanyang labi. Para bang sinasabi niya na deserve ko ang nangyari. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Masakit sa akin ang pagkawala ng scholarship ko—ngunit hindi iyon ang dahilan kaya ako nandito. Ang tungkol kay lola ang mas mahalaga, at siya na lamang ang natatanging naisip kong malapitan. Wala na akong ibang mapupuntahan. “Hindi ako nandito para diyan,” buo kong panimula, pilit kong pinatatag ang boses ko kahit nanginginig ako sa loob. “Nandito ako para sa lola ko.” Saglit siyang napaurong, para bang hindi niya inaasahan ang sasabihin ko. Nanatili siyang tahimik, nakatitig lamang sa akin na para bang sinusuri ang bawat galaw ko. “Nasa ospital si lola, malala ang kalagayan niya. Kailangan niya ng operasyon… at kailangan ko ng pera. Wala akong ibang malalapitan kundi ikaw lang. Huwag kang mag-alala, Aiden, babayaran kita. Paunti-unti, kahit gaano katagal.” Tuloy-tuloy kong inilabas ang lahat ng gusto kong sabihin habang may lakas ng loob pa ako. Sandali siyang hindi umiimik. Pagkatapos ay bigla niyang binuksan nang malaki ang pinto ng kanyang condo unit. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ng ginawa niya. “Get inside,” malamig at tila pautos niyang sabi. Dahan-dahan akong pumasok sa loob, pilit pinipigilan ang panginginig ng katawan ko. Pagkasara niya ng pinto, humakbang siya. Nakayuko akong sumunod sa kanya hanggang sa marating namin ang sala. Umupo siya sa sofa, habang ako naman ay nanatiling nakatayo sa kanyang harapan. Mariin niyang sinipat ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Aminado ako, hindi ko na halos matakpan ang matinding kaba. Ang lakas ng t*bok ng puso ko—parang mabibingi na ako sa tunog nito. Sa isip ko, naglalaro ang takot na baka dahil sa galit niya sa akin, baka mapatay pa niya ako ngayon. “Alam mo ba kung magkano ang gagastusin mo sa pagpapa-opera ng lola mo?” malamig na tanong niya. Hindi ako nakasagot. Alam ko namang napakalaki ng halaga, ngunit buo ang pasya kong handa akong magbayad kahit habang buhay pa, mailigtas ko lang ang lola ko. “Sa tingin mo,” dagdag niya, mas mabigat ang tinig, “paano mo ako mababayaran, Zariyah?” “Magtatrabaho ako,” sagot ko agad, pilit pinatatag ang loob. “Paunti-unti kitang babayaran, Aiden. Alam kong galit ka sa akin, alam kong kinamumuhian mo ako, pero nakikiusap ako sa’yo—para kay lola. Para sa kanya, hindi para sa akin.” Pilit kong pinigilan ang luha ko, ngunit tuluyan na rin itong tumulo. Isang malalim na titig ang ibinigay niya bago muling nagsalita. “Paano kung hindi pera ang gusto kong maging kabayaran, Zariyah?” Napalunok ako, biglang natuyo ang lalamunan ko. May kakaiba akong naramdaman sa malagkit na titig niya, para bang hinuhubaran niya ako gamit ang kanyang mga mata. Agad akong kinilabutan. “A-Anong… kailangan mo?” tanong ko, halos pabulong, habang lumalamig ang aking mga palad sa sobrang kaba. Tumayo siya, dahan-dahan, at bawat hakbang niya ay parang naglalapit sa akin ang isang panganib na hindi ko matakasan. Gusto kong umatras, gusto kong tumakbo, ngunit naninigas ako at hindi makagalaw. Sobrang lakas na ng pintig ng puso ko, parang sasabog na sa dibdib ko. “Ikaw.” Malamig ngunit buo niyang sagot. At bago pa ako makapaghanda, bigla niya akong kinabig sa baywang at mariing hinila palapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko, halos mawalan ako ng hininga sa bilis ng pangyayari. “I want you to warm my bed. Akin ka hanggang sa magsawa ako sa’yo. At saka ka lang makakawala sa akin kapag sinabi ko na.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD