-------- ***Third Person’s POV*** - Nakahilig si Aiden sa leather chair ng opisina niya habang binabasa ang dokumentong hawak. Tahimik ang buong silid, tanging tik-tak ng orasan at mahinang ugong ng aircon lang ang maririnig. Sa labas ng glass wall, tanaw niya ang skyline ng Makati—isang paalala kung gaano kabilis ang mundo ng negosyo. Pagkatapos ng ilang segundo, inangat niya ang tingin sa kliyente niyang si Mr. Tan, CEO ng isang kilalang manufacturing company. “Mr. Tan,” panimula ni Aiden, malamig pero maayos ang tono, “I reviewed the merger contract your team drafted with Valero Group. At first glance, maganda ang offer nila, but there are some clauses that could seriously affect your control over the company.” Kumunot ang noo ni Mr. Tan. “You mean, mawawalan ako ng say sa board d

