------- ***Zariyah's POV*** - Tahimik kong kinunan ng vitals si Aiden. Sinikap kong huwag pansinin ang mga pasaring at mga pagpapa-cute niya sa akin. Pinili kong balewalain ang mga iyon upang magawa ko siyang alagaan nang maayos, nang hindi nasisira ang araw ko. Iniisip ko na lang na isa lamang siyang pasyenteng nagdidiliryo, kaya kung ano man ang sinasabi niya ay bahagi lang ng kanyang pagiging makulit. Hanggang ngayon, malinaw pa rin sa isip ko ang mga sinabi niya sa akin kahapon—ang paninisi niya sa akin, ang sinabi niyang ako raw ang dahilan kung bakit siya nasaktan. Ang kapal din talaga ng mukha niyang ibunton sa akin ang sisi sa katangahan niya. Nanahimik nga lang ako. Sa dami ng sakit na dinulot niya sa akin, ni minsan ay wala siyang narinig na panunumbat mula sa akin. “Baby, w

