----------- ***Zariyah’s POV*** - “A–Anong ibig mong sabihin? Ipaliwanag mo sa akin ang sinabi mo, Aiden!” awang-labi kong tanong, halos pabulong pero may halong kaba at panginginig sa boses ko. Hindi ko talaga maunawaan kung ano ang nais niyang ipahiwatig sa sinabi niya. “Hindi mo ba talaga nakuha, Zariyah?” malamig niyang tanong, kasabay ng isang mapait na ngiti. Pero alam kong hindi iyon ngiti ng tuwa—parang mas nasisiyahan lang siya sa nakikita niyang pagkalito ko. “You are a married woman, Zariyah. YOU ARE MY WIFE!” mariin niyang sabi, bawat salita ay puno ng diin, parang bawat pantig ay gustong itatak sa isip ko. Parang biglang tumigil ang mundo ko. Napaurong ako, nanigas, at nanatiling nakatulala sa kanya. Nakaawang pa rin ang labi ko, pilit na nagpoproseso ang isip ko sa mga s

