Hindi ko na lang siya pinansin. Mas mabuting huwag ko na lang patulan ang kabaliwan niya ngayon. Nagpatuloy ako sa pagkain, at hindi ko namalayang nanatili pa lang nakasubo ang hotdog sa bibig ko habang nilalaro ito ng dila ko. Ang dami ko kasing iniisip kaya hindi ko namamalayan ang mga galaw ko. Ang sarap talaga ng hotdog, lalo na itong gawa ni Aiden. Oo. Sabi niya, siya mismo ang gumawa ng hotdog na ito. Iba ang lasa—malayong-malayo sa mga hotdog na nakasanayan kong kainin. Natural din daw itong hotdog niya. Healthy din daw ito. Nagpatuloy ako sa pagkain ngunit muli akong napahinto nang bigla siyang nagtanong. Mariin pa rin ang titig niya sa akin. Ano kaya ang pumapasok sa isip niya? “Talaga bang ganyan ka kumakain ng hotdog?” “H-Ha?” napanganga ako sa tanong niya. Paano ba ako kum

