------ ***Zariyah’s POV*** - Kahit nahihirapan ako, ligtas naman akong nakarating sa paaralan. Ang problema lang, medyo nabasa rin ako dahil sa malakas na ulan. Mabuti na lamang at nakahanda ako—may dala akong pamalit na damit kaya agad akong dumiretso sa restroom upang magpalit. Mabilis lang din ang naging pagpapalit ko ng damit. Sinigurado ko munang presentable at maayos ang aking sarili bago ako lumabas ng restroom; inayos ko rin ang aking buhok at linagyan ng kaunting ayos ang sarili ko. Pagkatapos noon, tinahak ko ang pasilyo papunta sa library. Mayroon pa akong halos isang oras bago magsimula ang una kong subject sa araw na ito, kaya naisip kong doon muna ako magtungo sa library upang magpahinga at mag-review ng kaunti para sa unang subject ko. General Psychology ang una kong sub

