---- ***Zariyah’s POV*** - “Kilala mo po ba ang lalaking kausap ni Lola bago siya inatake sa puso, Aling Eden?” Kuyom ang aking kamao habang itinatanong ko iyon kay Aling Eden. Agad kong naramdaman ang apoy ng galit para sa kung sino mang lalaking naging dahilan kung bakit inatake si Lola. Gusto kong malaman kung ano ang sinabi ng lalaking iyon, at kung bakit bigla na lamang inatake si Lola at iniwan pa ang lola ko, hindi man lamang tinulungan. Ayon kay Aling Eden may kausap daw talagang lalaki si Lola. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng dalawa, at malinaw na tila galit pa si Lola sa mga sinabi ng lalaki. Ilang sandali pa, doon na siya inatake, at ang masakit, hindi man lamang tinulungan ng lalaki si Lola. “Hindi ko siya kilala, Zariyah. Pero kung makita ko siyang muli, siguro maki

