------ ***Zariyah’s POV*** - Nasa loob kami ng kotse, katabi ko sina Mila at Klea sa likod, habang si Grace naman ang katabi ng driver. Ang sinasakyan kasi namin na kotse ngayon ay ang sundo ni Grace. Ito na rin ang sumama sa amin para puntahan ang boutique kung saan magsusukat si Mila ng gown niya. Binabaybay namin ang daan, pero ang isip ko ay lumilipad pa rin sa tanong ni Carlo. Pakiramdam ko, seryoso siya sa tanong niya, pero isang tawa lang ang naging tugon ko. Hanggang sa nagpaalam na rin kami dito. Maingay sa loob ng kotse, ako lang yata ang tahimik. Naiiritang nagkukuwento si Klea tungkol sa substitute professor nila na sobra raw sa pagka-terror—mas strict pa raw kaysa sa umalis sandali nilang professor na kailangan nang magpa-opera. Isang abogado daw ang substitute prof nila,

