-------- ***Zariyah’s POV*** - Buong akala ko ay kung ano na ang gagawin ni Aiden, akala ko ay gagawa siya ng paraan para mapahiya na naman ako nang todo. Kaya naman nakahinga ako ng maluwag nang tahimik lamang siyang humakbang palabas ng school gym. Aminado ako, may bahagyang hiya akong naramdaman sa ginawa niya. Para kasing ipinapakita niya sa mga nandito na kahit siya ang nanalo pero ayaw niya sa premyo. Pero mas gusto ko na lang ang kanyang tahimik na pagtanggi kaysa may sasabihin pa siya na makakasakit lang sa akin. “Aiden!” sigaw ni Liezel na nagmamadaling sumunod kay Aiden. Ngunit bago pa niya sundan si Aiden, isang matalim na tingin muna ang pinakawalan niya sa akin—isang tingin na parang nagsasabing hindi na naman niya ako patatahimikin. Sumunod din sa kanya ang kanyang mga ka

