GILMARIE POV Dahil off ko sa trabaho ngayong araw ay ngayon kami pupunta nina Rosh, Alphrase at Ariella sa puntod ni mommy. Buong byahe ay walang ibang ginawa si Alphrase kundi hawakan ang kamay ko habang sa kabilang kamay niya ay hawak-hawak niya ang bulaklak na binili niya para sa mommy ko. Napangiti naman ako dahil nitong nakaraan ay naging persistent siya na gusto niya munang makausap si mommy bago tuluyang maging kami. It only showed how he respects my family kahit pa nasa kabilang buhay na ang isa sa kanila, and that made him way better than any other man out there. Iba pa rin ang lalaking may respeto sa magulang mo. Alphrase opened the door for me when we arrived at the Manila Memorial Park kung saan nakahimlay si mommy. Nauna naman kami ni Ariella sa paglalakad dahil inasikaso pa

