HEATHER POV Nang makarating kami sa restaurant kung saan nagpareserve si ate ay kitang-kita sa mukha ng bawat isa sa team ko ang saya. Sulit ang pagpupuyat namin for the past few months dahil nakaclose kami ng deals and also, our products in review for the final approval at pwede na ilabas sa public pagkatapos no’n. Isang VIP area ang nakareserve para sa amin, maging ang mga pagkain ay sasagutin ni ate. Hindi ko naman tuloy napigilan na makaramdam ulit ng guilt dahil sa dami ng bagay na hindi nito alam at kami pa mismo ang nagtatago. “Congrats, boss,” ani Karsyn na naupo sa tabi ko. “It’s a job well done for us.” “It is,” I said. “Kaya huwag kang gagawa ng ikasisira ng mood ko dahil masyado akong masaya ngayong araw, Karsyn.” He chuckled a bit. “Kada lalapit ako sa ‘yo, palaging m

