GILMARIE POV Hindi kagaya kahapon ay nagising ako ngayon nang magaan ang kalooban. After fixing everything, nakahinga na rin ako nang maluwag. Mas napangiti naman ako nang maalala ko kung paanong sa simpleng luto lang ni Alvarez ay nagawa ko ulit na tumawa nang kasama siya. Ni hindi ko pa inexpect na matino ang timpla ng niluto niya. It was delicious! Hindi ko naman kasi nagawang makita ang skills niya na 'to. Dahil nga roon ay biniro ko pa siya na pwede na siyang mag-asawa but he just laughed it off. Hindi ko alam kung nakakatawa ba 'yon. Hinintay ko nga na sabihin niyang hindi pa pwede kasi hindi pa sila ni Kamisha but wala siyang sinabi. Nag-ayos na ako ng sarili but paglabas na paglabas ko ng kwarto ay may kung anong niluluto na agad si Alvarez. Hinanap ko naman si Kamisha dahil bak

